Chapter 18: Meeting Ate Cherra + Vien's Meeting
Maaga akong nagising dahil may pasok ako pero makikipagkita si Ate Cherra sa akin kaya mga anong oras na siguro ako makakapasok nito nagtext na rin ako kay Jena at alam na niya yon at itong si Victon tulog pa.
"Babe, gising na!" sabi ko sakanya habang ginising niya nagkusot pa siya ng mata niya at yumakap sa akin.
"Babe, wake up! May work ka pa ngayon tara na, tara na! Nagtatawag na si Mommy sa baba." sabi ko pa.
"Opo, ito na." nakangiting sagot niya sakin sabay kiss sa pisngi ko ay ito talaga! Napakasweet umagang-umaga, Victon!
Bumaba na kaming dalawa at pagkababa pa lang namin naamoy ko na yung niluluto ni Mommy na kimchi toast, korean scallion pancakes at may nakahanda na rin na kape para sa amin. Naks! Ang sarap ng luto ni Mommy! Thanks, My!
"Good morning, My. Nasaan si Daddy?" tanong ko pagkababa namin.
"Si Daddy mo, anak. Nako! Nasa garden nauna pang mag-umagahan sainyo." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.
"Kumain na kayo diyan, anak. Maiwan ko muna kayo ha kapag may kailangan kayo andiyan lang si Yaya sa kusina magsabi lang kayo kung anong gusto niyo." sabi pa ni Mommy sa amin at iniwan na kami ni Victon.
"Babe, nagtext sakin si Chase at sinend na niya sa akin yung address ng coffee shop maya-maya siguro pag alis natin." nakangiting sabi ko sakanya.
Pagkatapos namin kumain hindi na ako nag abalang tawagin pa sila Yaya ako na mismo naghugas ako ng pinagkainan namin nauna na si Victon umakyat sa taas para makapaligo na siya pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan umakyat na ako sa taas at dumiretso na sa kwarto ko hinanda ko na yung susuotin ko itong Badée Tie Dye Puff Sleeve Blouse at itong Common Unique Cotton Wide Pants at kinuha ko na din itong Milton Stelle Necklace hindi na ako nagpalit ng white sneaker ko ito na lang din ang susuotin ko.
At pagkatapos maligo ni Victon ako na yung sumunod abala kami sa pagaayos ng sarili namin pagkatapos kong maligo hinanap ko agad yung blower nagpatuyo ng buhok at nag lagay narin ako ng mga kailangan kong ilagay sa mukha ko naglight make up lang ako at siyempre medyo trip ko mag sunglasses at palagi ko rin dala itong Dior sunglasses ko na ito basta pag trip ko magsunglasses sinusuot ko ito on the go ganern!
"Wow! Gorgeous!" si Victon yon akala mo siya hindi gwapo. Nakasuot siya ng Prada Single Breasted Stretch Technical Fabric Jacket with his Vintage Holly Wood Antique Conch Pearl Necklace. Nag-white long sleeve lang siya black pants and his shoes same with me white sneaker.
"You too, babe." sabay wink ko sakanya ngumiti pa siya sa akin bago kami bumaba.
"Ang ganda at ang pogi nitong dalawang to oh! Aalis na kayo, anak? Magiingat kayo ha. Victon, please take care of our daughter." nakangiting sabi ni Mommy. Hay! Mamimiss ko itong bahay.
"Opo, Tita." sagot naman ni Victon.
"Bye, My. Daddy, alis na po kami!" nakangiting paalam ko sakanila.
"Goodbye, Anak. Magiingat kayo." sabay halik ni Mommy sa pisngi ko at ganon si Daddy.
"Let's go, babe." sabi naman sa akin ni Victon nginitian ko siya sabay tango sakanya hinawakan naman niya yung kamay ko habang yung isa pinangdadrive niya sweet yan!
YOU ARE READING
Leigh Patrice: The Princess Maknae
Teen FictionBook 1 of 4 The Princess Maknae [Book 1 of 4] Queen of the Queens [Pt.2] Leigh Partice Quintaña | Side Story A lovely princess maknae by living her normal life in the world. What if she discovers that she's not coming from in that place? Her life w...