TPM 16

53 22 0
                                    

note: sorry for my late late update anyway hope you enjoy this new chapter thank you guys.



***



Chapter 16: Comfort Zone





Nasa kusina na ako ngayon at ako ang nakatoka sa pagluluto ngayong hapunan namin. Nasa opisina pa si Vien siya nalang ang hindi pa nakakauwi sa amin. I cook pickled beans with ground meat and tofu. I also make iced tea para sa inumin namin at isang pitchel na tubig.


"Kain na guys!" nakangiti kong sabi sakanila unang lumabas ng kwarto niya si Ashiana. Si Khaiza naman ay may nakaabang pa sa laptop niya kanina dahil sa trabahong ginagawa niya sila na ang busy ang taray ng dalawang to!


Abala din naman ako sa new launch namin na items which is yung kay Victon na bagong mga damit na bagong pakulo namin dahil siya ang new global ambassador ng Avenue of Men and Women Clothes Wear eksaktong pagkalabas ni Khaiza ay siya namang pagdating ni Vien pagpasok palang niya ng pintuan malapad ang ngiting binungad niya sa amin sobrang swerte namin sakanya pagiigihan ko talaga sa trabaho na ibinigay niya sa akin dahil kung hindi wala akong naibibigay kina Mommy at Daddy na pera at hindi ko sana nabayaran ang mga utang namin na hindi nabayaran sobrang swerte ko talaga dahil ang laki ng utang na loob ko kay Vien. She is the most kindest person na nakilala ko at may mabuting puso na kaibigan at pamilya sa akin dahil para narin kaming magkakapatid na apat.

Ayon nga lang ako pinakamagulo sakanila I mean pinakabunso kasi ako sakanila so parang prinsesa-prinsesa ang peg ko sakanilang apat mas natuto na din akong maging indpendent basta't nakakahingi ako ng advice sakanila dahil nung una palang nakayanan na nila lahat simula sa pagtitiyaga at sa sakripisyo na pinagdaanan nila. I'm so very proud of them dahil kinaya nilang lahat. Nako! Ang drama ko na dito no baka naman ma-mmk na ako niyan hahaha char!

Nagprisinta narin akong maghugas nitong mga pinagkainan namin marami kasi silang ginagawa at ayoko namang abalahin sila kaya ako rin magpapakabusy narin ako mamaya. Nakasuot lang ako ngayon ng plain printed white oversize shirt ang comfortable tignan dahil nandito lang naman ako sa loob ng apartment.


Hindi ako makaopen sa social media accounts ko kasi medyo busy nga tsaka kailangan ko ng ipasa yung mga gagawin ko para maicheck na ni Vien at para din sa susunod na board meeting dahil sa new launch nga na damit ng company at nagbabalak din sila magkaroon ng fashion show kaya isa din yon sa pinagka-kaabalahan ng team namin.

Nang matapos na ako sa lahat yung cellphone ko naman biglang nagvibrate may tumatawag pero unregistered number ito nagtatakha pa ako kung paano nakuha yung number ko hindi naman ako nagbibigay ng calling card kung kani-kanino lang.

"Hello. Sino to'?"

[Hi, Leigh. It's Chase. Kamusta?]

"Chase? Paano mo nakuha yung number ko?"

[Nung nagkita tayo sa fast food chain]

"Hala sorry nakalimutan ko na."

[It's okay by the way nareceive mo ba yung package?]

"Ah, oo nareceive ko salamat chase!"

[Your welcome balak sana namin pumunta sainyo diyan gusto ka rin makita ni Ate kaya lang hindi ko alam kung paano ka hahagilapin alam ko namang busy ka]

"Anytime pwede ako basta tumawag lang kayo sa opisina at sabihin niyo lang pangalan ko alam na nila yon. Don't worry sinasabi naman nila agad sa akin yon basta sabihin niyo yung name ng assistant ko si Jena andoon lang yon sa lobby."

[Salamat, Leigh. Sige sasabihan ko si Ate, bye. Salamat.]

"Sige ingat kayo diyan okay bye."


Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now