TPM 12

48 23 0
                                    

Chapter 12: I Hate Him




Nasa apartment na ako ng magtext sa akin si Mommy. Miss na miss ko na sila ni Daddy kaya lang hindi pa ako makakauwi sa bahay masyado pa akong madaming kailangang gawin bago ako makauwi ng maayos kaya nagtrabaho ako para sakanila at ayaw ko namang maging pabigat katulad ng nagaaral ako sa dati kong school.

[Nak, kamusta?]

"Okay lang po, My. Kayo po ni Daddy?"

[Ito maraming ginagawa pakikamusta mo ako kina Vien ha salamat kamo at kinuhanan ka niya ng trabaho. Ang bait ng kaibigan mong iyan.]

"Mommy, lagi ka pong iinom ng gamot mo po tatawag nalang po ako mamaya ulit sainyo."

[Okay nak, love you.]

"Take care, Mommy love you too. Ingat po kayo diyan ni Daddy. Bye na po."

Nang mai-end ko ma ang tawag nagpaalam ako kay Vien na dito muna magtrabaho sa bahay wala naman ng appointment sa clothes wear na bagong labas na outfit na kailangan kong ipaalam kay Vien kaya sinabi ko din sakanya na. I need a rest wow rest talaga for a while lang muna hahaha! Dahil mas nakakaluwag ako dito sa bahay less gastos kumbaga.

Wala ang ka-room mate ko na si Khaiza nasa trabaho siya doon siya mismo kay Vien at sila ang magkasama kami lang ni Ashiana ang nandidito pero paminsan-minsan ay nagpapaalam si Ashiana para lumabas dahil marami rin siyang ginagawa.

Ilang araw na nga yang hindi pumapasok sa kompanya nila hindi ko alam kung bakit baka may iniiwasan o ayaw niya lang pumasok. Kaya niya na iyan malaki na siya hahaha char!


Ashiana will soon to be heir of their company  achievement din yon para sakanya. I'm so proud of her alam ko naman na kailangan niya talagang magsipag para maipamana sakanya ng Daddy niya yung company nila at ito na namang biglaang pagvibrate ng cellphone ko ang nagpabalik sa aking wisyo.

[Good afternoon, Ms. Leigh.]

"Hi! Good afternoon din. Ano yun, Marion may nangyari ba?"

[Opo, Ma'am. May nangyari po kasi about sa clothes hindi kasi nagmatch sa gusto ni Mr. Victon Gamboa yung gusto niya po na outfit. Don't worry po ma'am na message na po namin siya at bahala na po ang team namin na gumawa ng paraan.]

"Oh, okay. That's good. Please send me the details ha tsaka kung ano yung outfit na pinalitan niya kasi kailangan kong maibigay kay Ms. Vien agad iyon. Salamat, Marion." 

[Okay po noted po, Ma'am. Thank you rin po.]

Kahit kailan talaga itong lalaki na ito! Nakakainis kaunti lang naman! Iniba niya yung outfit ulit siya nalang dapat nagdesign ng sarili niyang damit! Aba, aba! Hindi na ito pwede parang kinakanan-kayanan niya yung mga staff namin. Porket ba siya yung pinili ni Vien as New Global Ambassador. Men, awit ito!

Habang nagtatype ako dito sa laptop ay bigla naman nagrequest ng videocall itong si Victon.

[Hey.]

Hindi ako umimik at naka-off lang ang camera ko.

[Sorry. Leigh, look. Hindi ko naman alam eh akala ko kasi meron ganong style ng outfit pero sabi ng team niyo okay na gagawan naman nila ng paraan di ba? Sorry na, Leigh. I'm sorry.]

"Alam mo po, Mr. Victon Gamboa. If I were you hindi ko sila papahirapan maghanap or magcreate ng ibang design kung anong style ng outfit ang nandyan ayon nalang para sa akin pero sige ikaw yan eh choice mo yan."

[Sorry, Leigh. Nakausap ko naman na sila okay na. Huwag ka ng magalit okay na.]

Nagleave na ako at baka makaltukan ko lang itong laptop ko sa sobrang inis kaya lumabas nalang ako at inisleep muna ang laptop. I just need a fresh air. Grabe. Ito na ata ang hindi madaling trabaho na napunta sa akin.

Bakit naman ganito kasi! Argh. Kumuha ako ng tubig at naghanda ako ng pagkain ko kinuha ko yung pagkain sa kwarto.

Magsi-six o'clock na ng gabi at wala pa ang mga kasamahan ko dito. Nagdecide si Vien na magkaroomate kami nitong si Khaiza at si Ashiana ang magmakuwarto sa isang room dahil ayon ang gusto ni Vien muna pansamantala sa bakanteng kwarto, okay lang naman sakanya kasi sakanya naman itong apartment at sila din ang may ari nito ako na ang magkukwarto sa tinutulugan ko ngayon kapag nakalipat na si Khaiza sa nasabing kwarto na lilipatan niya at pansamantala muna si Khaiza na magkukwarto sa kwarto na tinutulugan namin ngayon dahil malawak naman dito.

Ang swerte ko talaga at may kaibigan akong ganito kabait sobrang swerte ko talaga sakanila.

Nang tumunog na ang microwave oven agad akong lumapit doon at hinanda ang plato para ilagay itong white pasta na kaiinit lang. I need to gain an energy para mamaya ay balik ulit sa trabaho. Hindi na matapos tapos itong kay Victon sa true langs! Jusme.

Napailing nalang ako ng maisip ang kaninang pagtawag niya sa akin para manghingi ng sorry. I know na sincere naman siya doon kahit hindi sure pero malay naman natin sincere talaga siya. I feel bad lang talaga sa staff team namin kawawa naman sila. Napaka-ewan ko ba sa Victon na yon ang arte-arte sa pagpili ng damit nasa tao naman kasi siguro iyon kapag nasa gusto niya ang kanyang susuotin o sa ayaw niya.


Hay nako basta bahala na ang staff team namin doon alam kong maayos nila itong gagawin at pagbubutihin nila ito. Grabe lang talaga yung lalaki na iyon hays. He said sorry tatanggapin ko nalang siya na mismo nagsabi na wala na daw dapat akong ikabahala aba dapat lang kasi marami akong kailangang asikasuhin at gagawin pa. Okay now, I wanna eat this carbonara. I'm hungry na talaga! Ciao.


:))

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now