CHAPTER 1: The Nightmare

54 12 3
                                    


"Faith run..."

Isang malumanay na tinig na kanina pa ako tinatawag at pinapalayo ako sa kung sino man.

"Sino kaaa!!?"
Sigaw ko sa kawalan at napaupo sa isang bato, pagod na pagod na ako kakaikot sa parang panaginip na ito...

Bakit ako nandito? Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin lang sa kawalan, hindi ko mapigilan na mapasabunot sa aking sariling buhok at hindi ko na rin mapigilan na ma-iyak.

"Nasaan ako!?" Sigaw ko at hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito.

Ang dilim at ang ginaw.
Tapos nandito pa ako sa walang katataong gubat ngayon.
Kanina ko pa napapansin ang mga hayop sa paligid, para silang walang mga buhay kong kumilos at ang kanilang mga maiitim na mata habang tumititig sakin ay parang binabalaan akong hindi ako dapat na nandito.

Nalilito na ako kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong klaseng takot na parang may masamang mangyayari sakin kapag hindi ko pa bibilisan ang mga kilos ko ngayon.

Hindi ko alam pero parang may masamang taong nakabantay saking mga kinikilos na kanina pa humahanap ng pagkakataong atakihin ako. Para akong prey at may naka-abang at nagmamasid sa akin na predator na naghihintay lang ng tiempo.

Nakadagdag pa sa problema ko ang sinag ng buwan kong saan nakakatulong sana sakin para makita ang daan, pero ang weird lang tignan dahil kasi instead luminous white ang sinag ay parang naging Pula pa ang sinag nito, parang sa mga horror movie lang na eksena na kulang nalang magpakita dito sa harap ko si Edward Cullens, Haist. okay lang sana kung ganon! Pero hindi kaya natatakot na ako.

Arrgh!!

Ang sakit, dahil sa kakaisip ko hindi ko namalayan ang matulis na bato saking daan.
leche! ang sakit sakit ng paa ko parang nasugatan yata ng bato ang hinlalaki ko sa paa umupo muna ako saglit tapos huminga nang napakalalim, napatingin agad ako sa blouse ko at napamura na lang sa hangin dahil sa mga putik na nagkalat saking damit, pati na rin ang buhok ko'y sabog na sabog na.

Kulang na lang may mag bigay nang pera sakin dito para matawag na akong pulubi sa langsangan ng Quiapo, isa pa sa problema ko ay hindi ako makakita ng masyado dahil sa dilim ng nilalakad't takbo ko kanina.

Pinunit ko ang blouse ko at tinali ang tela sa nagdudugo kong sugat.
Saan ba kasi nanggagaling ang tinig na yon?
Gusto ko ng matapos ito.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid na sobrang dilim at sobrang tahimik kahit crickets ay hindi ko marinig, napaisip tuloy ako kung may mga halimaw ba sa paligid ko o basta, nagpapanic na ako at nenerbyos! Mukhang nababaliw na yata ako sa lugar na ito. Goodness!

Biglang nakaramdam ako ng kilabot sa malamig na hangin na dumampi saking batok, biglang nanindig ang mga balahibo ko kaya't bigla kong pinosesyon ang sarili ko para tumakbo ng matulin.

Tang-ina, ano ba itong ginagawa ko!

Ng maramdaman kong wala namang sumusunod sa akin ay napa-hugot ako ng malalim na hininga, nago-over think na naman yata ako.

Nagpatuloy na lang ako ng lakad papasok sa walang hangang kadiliman ng gubat. Umaasa na makita ko ang nagmamay-ari ng boses na kanina ko pa naririnig na tumatawag sa akin.

Habang naglalakad sa gubat ay hindi ko namalayan na hinihila na pala ang dalawang paa ko sa isang napakalawak na nag lalakihang mga talahiban, nakaramdam tuloy ako ng panibagong takot, baka kasi may kung sinong sasakmal sa akin dito kagaya sa mga nakikita ko sa mga horror movies haist,
Pero wala na akong maisip na gagawin kaya walang anu-ano ay tinakbo ko ang distansya ng talahiban papunta sa dulo ng kakahuyan.

Napatigil ako saglit at kinati ko ang braso ko na sobrang nangagati na dahil sa mga damo, tang-ina kung panaginip man to sana gumising na ako kasi parang pinapahirapan na yata ako ng sarili ko!

Maya't maya pa ay may nakita akong isang parang lagusan na gawa sa mga talahiban at may mga ugat ng kahoy na nakapulupot dito na naka-sentro sa isang sobrang laking kahoy na parang Balete at sobrang magical ng ilalim ng lagusan, parang may Crystal water sa loob nito na umiilaw at kong titignan ito ng maigi ay may mga carvings rin ito ng isang kakaibang lenguwahe na hindi ko rin maintindihan parang nasa Harry Potter...

Ang hirap kasing i-explain dahil sobrang nakakahalina talaga siya sa paningin.

pinuntahan ko ito at sa aking pag hawi sa mga nakaharang na tuyong dahon, ugat at talahib nagulat ako at napatakip saking kamay papunta saking mukha dahil sa ilaw na direktang tumama saking mata.

Teka lang! Anong nanyayari? jusko! Please Faith! Kong panaginip lang talaga ito please wake up! Pagmamaka-awa ko sa sarili ko habang tinatakpan parin ang mata ko sa nakakasilaw na liwanag.

"Faith?"

Nagulat ako sa isang malamyos na boses na naririnig kong tumatawag sakin na galing sa lagusan.

Lumapit pa ako sa lagusan at unti-unting ibinababa ang kamay kong nakatakip sa aking mata.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya, pero hindi siya agad sumagot at naguguluhan ako kung bakit biglang nag-iba ang tono ng boses niya.

"Malapit na ang tamang panahon..."

"Ha?! Anong panahon?! A-ano itong nangyayari!? I-ikaw ba ang tumatawag sa akin kanina.?" Sigaw kong tanong sa lagusan.

"Faith! Umalis kana! wag mo silang hayaang hulihin ka" sigaw niya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung sino ang huhuli sa akin o kung anong ginawa ko para hulihin ako.

"T-teka, hindi ko gets. Please explain further!" Naguguluhang sabi ko.

"Malalaman mo rin...pero pakiusap mag- iingat ka sa kadiliman."

"Ha? Anong kadiliman? Teka po! Hindi ko kayo maintindihan!"

"Faith, nandito na sila at lumalaganap na ang kadiliman pakiusap umalis kana! Pakiusap wag na wag kang lilingon sa kanila umalis kana!"

Hindi ko alam pero biglang binalutan ako ng matinding takot habang naka-tingin sa lagusan.

"T-teka sandali lang..." puno ng takot ang tono ng boses ko at halos hindi ko na ito makikilala. Sinubukan kong abutin ang lagusan pero unti-unting nawawala ang liwanag nito.

"Wag kang mag-alala malapit na ang tamang oras Faith at makikilala mo rin ako, hindi pa ngayon pero malapit na Faith, Malapit na..."

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon