CHAPTER 8 : The Chosen Witch

11 8 0
                                    

Faith / Celestine POV:

Hinihingal na ako sa kakatakbo't lakad na kanina ko pa ginagawa. Buti na lang talaga hindi masyadong mahigpit ang mga guwardiya sa may bakuran ng mataas na mansyon o palasyo na building na 'yon.

Gago ba 'yong kumidnap sa akin? Eh, hindi naman pala mahirap ang gwapong nilalang na 'yon.

Ano ba kasing kailangan nila sa akin? Hindi naman ako mayaman para kidnapin. Lalong lalo walang pang ransom si Mitch sa akin. Tsk! Anong akala nila sa amin? tagatago ng Yamashita treasure?

Isama na 'yong guwapong weirdo na bumisita sa akin kagabi.

Tumigil ako sandali sa gitna ng sobrang masukal na gubat.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis.
Ang leche talaga nitong dress na sout ko na kanina pa sumasangit sa mga sanga at tangkay ng damo  na siyang nagpapabagal sa aking tumakbo.

Feeling ko kasi na kapag nalaman ng mga 'yon na nawawala at nakatakas ako sa kwartong 'yon baka ma-alarma sila at hanapin ako diba?

Hindi ko pa naman kabisado ang dinadaraanan ko ngayon at wala pa akong dalang cellphone para tawagan si Mitch, Tsk! kailangan ko talagang makalayo sa palasyo na 'yon as soon as possible para hindi na nila ako makita.

Hinahabol ko ang hininga ko at mabagal na inibuga ito, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Dahil parang ito pa yata ang pinakamalayong natakbo ko sa 22 years of existance ko dito sa earth. Ni hindi nga ako sumasali sa mga sports at fun run noon kasi nakakapagod tumakbo at proud na proud akong tawaging tamad.

Mabilis kong inalerto ang sarili ko at tumingin-tingin sa paligid para masiguro na walang sumusunod sa akin.

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko pero this time medyo binagalan ko na kasi mukhang nauubos na ang energy ko, hindi ko pa naman kinain ang dalang pagkain nong serbidorang si Luna kanina.

Buti na lang talaga gladiator sandal 'tong suot ko kaya medyo hindi mahirap sa akin na tumakbo at lumakad sa hindi sementong daan na 'to.

Ilang sandali pang paglalakad ay parang naging pamilyar na ako sa paligid na tila may parte sa akin na sinasabing nakapunta na ako rito kaso hindi ko maalala kung kailan.
Nang napadako ang paningin ko sa isang matarik na daan na kong saan hindi ako nagkakamali ay kapareha ng lugar sa panaginip ko.

Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko ng makitang totoong totoo na itong mga nangyayari. Kaya buong lakas kong binilisan ang aking paglalakad para makarating sa kasunod nitong malawak na talahib na maaring may mahiwagang lagusan na makikita sa pinaka dulo.

"Its now or never diba Faith?"
Sabi ko.

Hindi nga ako nagkakamali mula rito sa entrada ng mga nagtaasang talahib ay ang isang mahiwagang lagusan na may transparent na barrier na parang tubig.

"Sus! Panaginip lang pala 'tong lahat! So Faith it's time to wake up."
Natatawa kong sabi at tinakbo ko na ang pangitan ng talahib at ng isang metro na ang aking layo mula sa lagusan ay may naramdaman akong kakaibang presensiya.

Nagmadali akong tumakbo upang maka-suong sa lagusan at makatakas, bahala na talaga si batman!

Hindi na ako nag-dalawang isip pa sa kung anong mangyayari sa akin sa kabilang bahagi nitong papasukan ko.

Basta lang makaalis na ako dito sa panaginip at magising sa katotohanan ay okay na ako don.

Ngunit bago paman makatapak ang aking isang paa sa lagusan ay biglang may naramdaman akong malamig na kamay na humawak sa aking kabilang braso at sa isang iglap lang ay nakaharap na ako sa lalaking nagngangalang Nero.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon