"Huy Faith jusko! malalate na tayo gumising ka na!" biglang may sumundot sa tagiliran ko kaya napabangon agad ako pero bumalik rin ulit sa paghiga.
"Aray! Jusko naman Mitch." Galit kong sabi sabay isinalampak ang unan saking dalawang tenga dahil sa tinis ng boses nitong bruha kong kaibigan.
"Anong aray naman Mitch? Huy bakla anong oras na?"
Sermon niya sabay abot ng orasan sa akin
"Tignan mo oh! Its 7:30 na ng umaga and nakahiga ka pa rin d'yan tulog na tulog na parang mantika na hindi naiinitan!" bulyaw niya at kinuha ang unan ko."Tsk! Oo na, gigising na..." sabi ko sabay bangon at binigyan siya ng masamang tingin.
"gaga! baka nakakalimutan mong may boss tayong tsongo. Pasalamat ka at ginising pa kita!" Sigaw niya sabay irap sa akin.Naghikab pa ako at nag stretch ng katawan tsaka linigpit ang aking mga unan at itim na blanket. Habang si Mitch naman ay nagbibihis na ng uniform niya sa company namin. Napadako naman ang tingin ko sa alarm clock na binigay ni Mitch sakin kanina na nasa harapan ko.
Shit...
Nagmadali akong pumunta sa CR at naligo ng mga 5 minutes at walang kuskusan na nangyari ligo at shampoo lang talaga tapos nagtapis agad ako ng body towel at tinignan ang aking mukha sa salamin.
Jusko! anong pagmumukha ba itong nasa harapan ko?
May naiwan pang panis na laway sa gilid ng labi ko at para sa akin isa ito sa pinaka- nakakadiring pangyayari sa umaga.
Napatingin ulit ako sa orasan at napamura na naman.Maga-aalas otso na!...
Sigurado na talagang tatalak na naman nito ang boss kong mukhang paa mamaya haist.
Lumabas na ako sa CR at nakita ko agad ang nakabusangot na mukha ni Mitch habang may kausap sa phone. Nang napansin niyang dumaan ako sa harap niya ay agad niya akong inirapan sa inis at inismiran ko naman siya pabalik at nilagpasan.
Nagmadali na akong pumunta saking kabinet at kumuha ng damit na susuotin habang nakikinig sa matinis na boses ni Mitch.
"Yes! I’m on it sir".
"Opo done na po."
"Hala! Na-send ko na po sa email niyo."
"Ha! Anong walang na received? "
"Okay po okay..."Binaba na niya ang cellphone niya at masamang tumingin ulit sa akin.
"Faith! bruha ka talaga."
Galit na sigaw niya sakin at humarap naman ako sa kanya habang tumataas ang isang kong kilay.“bakit ba?” inosenting tanong ko at pinagpatuloy na ang pagbibihis ng damit.
“Tsk Gaga! Pasensya na ha, mukhang mauuna na yata ako sayo ngayon, ang tagal mo kasing gumising" sabi niya habang hinahanap ang susi ng sasakyan niya sa drawer.
"Okay..." tamad na sagot ko habang inaayos ang makapal kong kilay.
"Nakakabadtrip talaga si Sir Ark, deadline ko kasi kahapon sa isang headline na ina-assign niya sakin at ngayon, hinahanap niya ako kasi hindi ko raw na send ang article which I sent already. Hmpf... Ang clumsy talaga niyang si Sir at dinamay pa ako...” pamamaktol niya habang nagsusuot ng heels.
“Haist. Mitch okay lang yan magmadali ka na para matapos mo na yan, don't worry about me, mag tataxi na lang ako mamaya at tyaka hindi ko kayang patigilin ang oras, bahala na ngang ma-late basta hindi ako aabsent!”
Ani ko sabay upo sa harap ng vanity table ko at siniplatan siya ng tingin sabay thumbs up.Napabuntong hininga naman siya at mukhang nabunutan ng tinik.
“Fine! sorry bestie ha, labyou" lambing niya sabay yakap pero binatukan rin agad ako.
BINABASA MO ANG
The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)
FantasyFaith Marie Cordozo is a regular person who shares a residence with Mitchella "Mitch" Mercado, her longtime best friend and roommate. She works as the secretary of a magazine publishing company. She is leading a typical, busy life at first, unaware...