CHAPTER 3 : The Counting Hours

35 11 0
                                    

MITCH POV:

Jusko! salamat naman at isang pindot na lang nitong send button na ito ay matatapos ko na 'tong nakaka-inis na article na'to.

I promise myself na pagkatapos na pagkatapos nito ay pwede na talaga akong matulog nang payapa at walang iniintinding pesting article at tsaka nakakamatay na deadline. Haist!
Nakatunga-nga lang ako sa harapan ng monitor habang hinihintay ang notification na kokompleto ng araw ko.

Send successfully.

Napangiti agad ako habang nakatingin sa monitor ko ng mabasa ko ang notification na na-send na ang pinaghirapan ko.

Sa totoo nga ay para akong nabunutan ng malaking tinik pagkatapos kong mapasa ito and finally I did it!
Kaagad akong nag-inat ng aking katawan habang nakaupo sa swivel chair ko at dahil sa saya ng nararamdaman ko ay inikot ikot ko ito pero biglang...

"Mitch! Mitch! Emergency! si Faith na sa clinic bigla raw nahilo tapos may nakita daw na maraming dugo sa sahig ng desk niya, puntahan na natin dali tara!"
Bungad ni James pagpasok niya sa opisina ko at sa totoo lang ay hindi ko agad na digest ang sinabi niya dahil sa bilis ngunit pagka-rinig ko sa pangalan ni Faith ay hindi na ako nagdalawang isip pa at kusang sumunod na sa kanya.

Dahil sa pagkalito sa mga nangyayari ay hindi na rin maitsura ang pagmumukha ko basta ang nasa isip ko ngayon ay ang pag-alala sa bruha kong kaibigan.

"James? ano ba kasi ang nangyari sa kanya! At please lang, bilisan mo naman ang paglalakad mo." Naiiritang usal ko habang nangungunang naglalakad sa hallway paalis ng office department namin, maya't maya pa ay narinig ko ang biglaang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya sabay taas baba ng isa kong kilay.

"Aba! Wag mong sabihing prank lang ito! Dahil kong oo naku! Mapapatay talaga kitang baboy ka..." galit kong tugon sabay itinaas ang kamao ko na- isasapak ko talaga sa pagmumukha niya pagnagkataon.

Agad naman siyang umiling at humingi ng sorry at sumeryoso na.

"Hindi nga ako nagbibiro Mitch promise! totoo na nag-aalala rin talaga ako kay Faith, kaso ikaw naman kasi e," sabay tawa niya na naman ulit, Napa-irap na lang ako at nameywang na sa harapan niya.
Mataas naman ang pasensya ko sa lahat ng bagay sadyang sa lalaking ito lang talaga na uupos ang lahat.

"Sige e tawa mo pa." Naiinip kong usal sa kanya.

"T-tignan mo nga kasi 'yang paglalakad mo para kang pato na naka heels. Kalmahan mo lang okay? T-teka wait may nag text."
Kinuha niya naman ang phone niya sa bulsa ng pants niya at ngumiti ito nang nakakaloko.
Kaya lumapit ako sa kanya para sana basahin kung sinong nagti- text sa kanya pero agad niya namang iniwas ang screen ng phone niya at binulsa niya ito kaagad.

"Sino 'yon?"
Pag-uusisa ko pero ngumiti lang siya kaya napa-taas baba na naman ang isang kilay ko dahil sa pagkaka-irita sa baboy na mongoloid na kaharap ko.
Tsk.

Lumapit kaagad siya sa akin at bigla niya akong inakbayan.

"Huy! Chansing kang baboy ka ha!"
Panunuya ko sa kanya pero tumawa lang ulit ito.
"Hindi no! Wag ka ngang assuming at sa pogi kong ito dapat pa nga na magpasalamat ka... Okay na daw siya sadyang nahilo lang daw dahil sa maraming dugo sa sugat niya kaya wag ka ng mag selos Ms. Pato ko..." sabay kindat niya sa akin, bigla namang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa kahanginan niya.

"At hindi ko naman kasalanan na ako ang una niyang inin-form sa text." dagdag pa niya sabay pinakita at wagayway ng iphone niya sa harap ng mukha ko.

"Really? In your fucking dreams pangit!"
Sabi ko at winaksi ko ang braso niya na naka-akbay sa akin at nanguna sa kanya sa paglalakad.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon