CHAPTER 14 : Old Town

11 4 2
                                    


I felt a bit of an ache in my head the moment I opened up my eyes; my throat also hurt a bit as if I had a severe tonsillitis because of the intense thirst for blood I felt earlier. For the past 12 years, I've drank blood again, and it feels so awkward and foreign.

Malaking tulong pala na binura ni Mom ang alaala ko sa pagkatakam uminom ng dugo but now that I remember my vampire side mukhang mahirap ng iwasan 'yon.

It's not like before that when I didn't want to drink, it couldn't hurt me, and I could control my vampire instincts, but now I almost lose my mind when I can't drink it. I wish I could tolerate myself in it, but I can't. I'm not ashamed of being a half-vampire, because it is my dad's race, but in this situation, it's kind of hard for me to deal with it.

Nakahiga ako ngayon sa isang abandonadong kubo na gawa sa nipa at kawayan, medyo matagal pala akong nawalan ng malay.

Tinignan ko agad ang suot ko na blouse na may mga stains na ng dugo, napabuntong hininga na lang ako sa pagwawala ko kahapon pero nagpapasalamat rin ako at napigilan nila akong atakehin ang bangkay ni Manong Simon.

Napatingin ako sa isang lumang basag na salamin at kahit hindi malinaw ang reflection ko ay nasisiguro ko na ang dugyot kong tignan ngayon, kaya bumangon na ako at itinali ko ang magulo kong buhok ng ponytail.

Napadako ang tingin ko sa labas ng bintana at napansin kong malapit na palang mag-umaga.
Lumabas ako para kamustahin silang Edrian at Nero na mukhang kanina pa sa labas.

Pagkalabas ko ay una kong napansin si Edrian na mukhang may iniihaw na isang ligaw na Manok, habang si Nero naman ay nasa ibabaw ng sanga ng isang malaking puno at mukhang natutulog ng mahimbing.

Napangiti naman ako sa mukha niya habang tulog na tulog, mas lalo kasi siyang gumagwapo kong kaya't napangiti na lang ako at binalik ko na ang tingin ko kay Edrian at mukhang napansin niya yata ang aking presenya ko kaya lumingon siya sa gawi ko.

At ng makita ako ay malapad siyang ngumiti kaya sinuklian ko rin ito ng isang simpleng ngiti.

"Good morning Prinsesa..."
Masayang saad niya habang iniikot-ikot ang manok sa kanyang ginawang ihawan.

"Good morning din Ed... nakatulog ka ba ng mahimbing?"
tanong ko at lumakad malapit sa isang bangko na gawa sa kawayan at umupo doon.

"Medyo... pero ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog kanina kaya naghanap na lang ako ng pwede nating kaining almusal."
Nakangiting sabi niya.
"At napansin ko na napakatahimik pala ng lugar na'to..."
Humarap siya sa akin at mukhang pinagmasdan nito ang mukha ko, bumaba naman ang tingin niya sa blouse ko na puno ng matsa ng dugo at kalaunan ay napangisi ito na mukhang nadudungisan siya sa itsura ko.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa kanyang dala-dalang bag kanina at may kinuha siya ditong isang piraso ng damit na kulay puti, lumapit siya sa akin at inabot ang isang simpleng T-shirt, napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Gaya ka pa rin ng dati Ed, palagi ka paring handa..."
Ikinatawa niya agad ang sinabi ko at bumalik ulit sa kanyang pag-iihaw sa manok.

Hindi na kasi kami nagdala ng mga gamit ni Nero kasi akala ko na walang mangyayari na ganito.

"Hindi naman talaga ako nagbago Celestine..."
Ngumiti siya ulit pero may bakas na ng lungkot na para bang may iniisip siyang hindi ko alam.

Tumingin siya sa akin gamit ng kanyang mata na puno ng emosyon katulad ng pagod at sakit na hindi ko alam kung bakit.

"I hope our old vibrant kingdom can be restored like this town..."
may naglandas na luha sa kanyang mata at mabilis naman niya itong pinahid, tumalikod siya bigla at pinagpatuloy ang kanyang pagiikot sa ihawan habang nakatalikod na sa akin.

"S-sige na Celestine, magbihis ka muna sa loob... tatapusin ko lang 'tong iniihaw ko."

Sabi niya kaya pumasok na lang ako sa loob ng kubo pero bago paman makatapak ang paa ko sa loob may sinabi pa ako sa kanya.

"I will restore Usteria, I'll assure you that..."
ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko.

Nang matapos kaming mag almusal ay dumaretso na kami sa paglalakad papunta sa bahay na aming tinutuluyan noon.

Medyo hindi pa tirik ang araw kaya napakasarap tignan ng mga palay na sumasayaw sa malamig na hangin tapos lalo pang tumitingkad ang kulay nila dahil sa sinag ng araw.

The towns scenery is so stunning and refreshing, and also the fresh air that is far from the polluted air that I always inhale in the city.

May nadaanan kaming mga magsasaka na kumakaway sa amin na mukhang winiwelcome kami sa lugar na ito kaya kumakaway naman ako pabalik sa kanila na siyang kinasaya nila.

Si Edrian naman ay mukhang aliw na aliw sa mga tanawin na aming nadadaanan at itong si Nero ay parang wala lang, puro hikab lang kasi ang alam kaya hindi ko na lang pinansin.

Sa bandang kaliwa ay napangiti akong napatingin sa mga bata na panay ang habulan sa maputik na palayan, bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at kalayaan.

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa maliit na bahay na kong saan ay tinirhan namin noon nilang Dad at Mom.

Para na itong isang walang buhay na bahay na hindi tinirhan ng isang dekada at wala ng nag-aruga o nagbabantay.

Napapalibutan na nga ito ng mga matataas at matitinik na damo at may mga basura pa sa paligid na lalong nagpapangit sa harapan ng bahay namin.

Haist! malayong-malayo na siya sa itsura noong nandito pa kami.
Noon kasi ay puno ito ng mga rosas at iba pang mga bulaklak na hilig ni Mom.

Biglang may isang Ale na naka suot ng sumbrerong buri ang plano sanang dumaan sa gitna namin, ngunit ng napatingin siya sa akin ay bigla itong ngumiting lumapit.

"Ikaw na ba yan Faith?"
Pinanliitan ko naman siya ng mata dahil hindi ko siya matandaan.

Napatawa siya sa aking mukha na mukhang walang ideya kung sino siya kaya masiglang nagpakilala siya sa akin.

"Mukhang hindi mo na ako natatandaan Faith, ako ito si Aleng Rosing 'yong parating ka kwentohan ni Nicang na Mama mo..."
Bigla naman akong napaisip at tinignan ko pa siya ulit at unti unti akong napangiti ng maalala ko na siya.

"Naku! sorry po... ang laki na po kasi ng binagbago niyo Aleng Rosing buti po at nakilala niyo pa ako."
Maligayang sabi ko at nagmano sa kanya na siyang nagpatawa sa kanya.

"Sino bang hindi makakilala sa'yo hija, halos kamukhang kamukha mo ang iyong Ina at idagdag mo pa ang balat mo na sobrang puti na manang-mana sa guwapo mong tatay na si Patrisyo, sobrang ganda mo talaga hija..."
napatingin naman siya sa dalawang lalaking kasama ko sa likuran, at napatawa naman siyang uli.

"Katulad nga ng sabi non ni Mang Simon, dumating na talaga ang araw na maraming lalaki ang maakit sa'yong ganda at ang gwa-guwapo pa..."
Lumapit siya at bumulong saking tenga.
"lalong lalo na ang isang kasama mo na lalaking naka-itim ang suot... bagay kayo hija..."

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Nero na alam kong naririnig ang binubulong ni Aleng Rosing sa akin, pero biglang nalungkot si Aleng Rosing ng mabangit at naalala niya si Mang Simon.

"Kaso balibalita ngayon sa baryo ang pagkawala ni Mang Simon na siyang labis na ikinabahala naming lahat..."

Nagbuntong-hininga siya at kalaunan ay binawi niya ang kanyang lungkot at ngumiti ulit sa amin pero lingid sa kaalaman niya na ako ang siyang binabalot ng matinding konsensya sa pag-alala sa sinapit ni Manong Simon.

Kung hindi sana ako pumunta dito ay hindi magpapakita ang Hallow na kumitil sa buhay niya, naramdaman ko ang kamay ni Nero na hinawakan ang aking kamay, pinisil niya ito kaya napatingin ako sa kanya ngumiti lang siya sa akin kaya napangiti na lang ako sa pinapakita niyang concern.

I mouthed him a word thanks and he just plainly replied nod and then he let go my hand.

Nagpaalam na si Aleng Rosing sa amin kasi mamamalengke muna siya para may makain ang kanyang mga apo mamayang tanghali, kaya kinawayan ko ito sa malayo na siyang ginawa niya pabalik sa akin.
"Mag iingat ka Aleng Rosing at salamat po!"sigaw ko at tumango naman siya at humayo na sa daan papunta sa palengke.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon