CHAPTER 12 : An Ally or An Enemy?

5 6 0
                                    

Faith made the decision to stay in the human world temporarily; she wants to spend as much time as possible with Mitch because she knows in her heart that her life will not be the same as it was before, especially given that she is now entangled between the two worlds she use to lived in.

She doesn't like it, but she has to choose a world to live in in order to keep her identity balanced. But she hopes that once everything is back to normal, if she can successfully restore her kingdom, which was destroyed by the Hallows, she will return to the human world that has become a beautiful home for her.

Habang sa ibang kaharian sa ilalim ng karagatan na kong tawagin ng mga taga Adrappe na Domestria ay humaharap na sa panganib.

Sapagkat ang kalahati ng kanilang sinasakupan ay inaatake na nang mga walang awa na mga hallows, labis ng nangamgamba ang kanilang hari na si King Peter, sa kakaharapin ng kanyang pinakamamahal na kaharian kung magpapatuloy pa ang pananakop ng mga hallows.

Natatakot siyang magaya sa kaharian ng Usteria na pinabagsak ni King Mateo ang hari ng mga hallow at ng kaharian ng Lhur.

Kilala bilang kalma at seryosong hari si King Peter at ang tanging nasa isip niya ay ang kabutihan ng kanyang nasasakupan pero ang hindi alam ng karamihan ay may pagkagahaman ding ugali ang kalmang hari na ito lalo na sa kanyang trono at kapangyarihan.

Noong araw na sinalakay ng mga hallows ang kaharian ng kanyang kababatang kaibigan na si Vanica ay pinikit niya lamang ang kanyang mga mata at hindi naglakas loob na mangialam sa nangyayari sa pagitan ng kaharian ng Lhur at Usteria.

Tinalikuran niya ang mga witches at wizards na humingi ng tulong sa kanyang kaharian at ang iba ay patagong pinatay niya dala na rin ng kanyang hindi matahimik na konsensya.

Ayaw niyang manganib ang kanyang trono o kahit isuko man lang sa ibang ka-uri niyang lamang dagat.

Sa isip niya ay siya lang ang karapat-dapat na hari ng Domestria at wala ng iba.

Naisip niya noon na kapag nangialam siya sa plano ni King Mateo baka pag-initan siya nito at wasakin ang kanyang kaharian kong kaya'y mas mabuti ng hindi tumulong at hindi na mangialam sa mga nangyayari. Pero ngayon ay naging taliwas na sapagkat naiipit na siya sa gustong mangyari ng kanyang dating kaibigan na si Mateo.

"Ama, natatakot na ako..."
nalulungkot at naiiyak na tugon ng kanyang bunsong anak na babaeng si Aster habang pinagmamasdan ang mga dinalang patay na serena at shokoy sa kanilang harapan, dahil hindi kinaya ng anak niya ang pandidiri at ang kahindikhindik na pagpatay sa kanilang mga alagad ay tumakbo na lang ito palabas ng hall at dumiretso sa kanyang kwarto. Sinundan naman ito ng tingin ng kanyang Ama habang nagbubuntong hininga.

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang mga alagad na nagkapira-piraso ang katawan dahil sa pag-atake ng mga mababagsik at walang awang hallows, ang iba nito'y hindi na makilala, bakas na kinain ang mga parte ng kanilang katawan. Ganunpaman para sa hari ang ibig sabihin nito ay tapos na ang kanilang dakilang katungkulin para protektahan siya.
Tinuro ni King Peter ang kanyang pinakamalapit na kawal na nagbabantay sa kanyang trono.

"Kunin niyo na silang lahat at ipakain na sila sa aking Lunica... tapos na naman ang kanilang dakilang serbisyo sa akin."
Malamig na utos niya.

Si Lunica ay isang dambuhalang Piranha na kumakain ng karne. Kilala siya bilang mahalagang  alaga ni King Peter na kinatatakutan ng mga Serena at ng mga shokoy, nagbow ang kanyang kawal at sinabi sa kanyang kasamahan ang utos ng kanilang mahal na hari.

Bumaling ang mga mata ni King Peter sa kanya isa pang alagad na siyang tinuturing niyang kanang kamay at alam nito ang lahat ng kanyang lihim na minimithi.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon