CHAPTER 17 : The Welcome Party

8 3 0
                                    

SOMEONE'S POV:

"Isang napakagandang araw para makita kitang muli kaibigan..." pagbati ng lalaking nakaupo sa trono at umiinom ng bino sa kanyang hawak-hawak na kopita.

"Ano bang gusto mong gawin ko? " Diritsong tanong ng taong nakatayo sa harapan niya.

"Tulad ng dati parati ka paring seryoso, pero gusto kung malaman mo na may plano na ako at kailangan ko ang tulong mo para magawa ito..." sabi ng lalaki habang inilalagay ang kopita niya sa tabi ng upuan.

Bigla namang may nagmamadaling lumakad papunta sa harapan ng Hari at nagbow ito bago sinabi ang kanyang pakay.

"Handa na po ang lahat mahal na hari at naipadala ko na po ang iyong mensahe sa 'yong tagasunod na nasa pagtitipon ngayon, asahan po ninyong matutupad ang plano ngayong pulang buwan."
Saad ng lalaking may malaking hood na suot kaya hindi makita ang kanyang mukha.

"Tsk! Ito na ang huli! Sumasakit ang ulo ko sa inyo! Puro kayo palpak! Isama mo pa ang hindi niyo pagbawi sa libro ni Vanica! Mga hunghang lumayas ka! Ipapatawag lang kita kapag nalaman kong nagtagumpay ka pero kung hindi, ikakasaya ko na bawian ka ng buhay."
walang buhay na sigaw ng hari at yumuko kaagad ang taga-sunod niya at nagmadaling lumabas sa malaking hall ng masamang hari.

"Nagbago na ka na talaga Mateo!"
Hindi mapigilan ng lalaking nakaharap sa hari ang kanyang bibig para sabihin ito sa kanyang dating kaibigan pero tumawa lang si King Mateo at sinabing.

"Peter, hindi lang naman ako ang nagbago at naging ganid sa kapangyarihan pati rin naman ikaw."
Prangkang pagkasabi niya at may sinenyas siya sa kanyang kaliwa at biglang may pumasok na babaeng nakahubad na Hallow na nagbigay ng isang kopita na may laman na bino sa hari ng Domestria.

Dahil sa hubog ng katawan ng Hallow ay hindi mapigilan ni King Peter na masundan ito ng tingin.

"Anong tingin mo sa kanya? Hmm... Ang totoo n'yan ay hindi siya isang normal na Hallow lang... Alam mo naman siguro kung bakit tinatawag ako na Hari ng mga hallow hindi ba Peter?
Dahil simple lang! Kaya ko silang pasunurin na walang sino mang makagagawa! And because of my genius mind, I was able to develop this ugly and trashy kingdom and make my own world. I made a high-breed class of Hallows that are half vampires or half witches or wizards, and sometimes my disciples would abduct humans and make them my people... at tignan mo kung gaano ka perpekto ang mga nagawa ko Peter! Isang obra ang nagawa ko!"

Natigilan si King Peter sa pinagsasabi ni Mateo sa harap niya.
"Kaya gusto kong magtulungan tayo bilang isang matalik na kaibigan, hmmm... pero bago 'yan gusto mo ba ng kwarto para makapagpahinga muna?"

Tumawa ito ng malakas at napangisi naman si King Peter na napatingin sa babaeng hallow na nasa tabi niya na mukhang alam na kung anong ibig sabihin ng kanyang mahal na hari.

Itinaas ni King Mateo ang kanyang kopita na siyang ginaya ni King Peter na sinyales na pumapayag na itong makipagtulungan na pabagsakin ang kaharian ng mga bampira.



FAITH POV:

Nakababa na kami ni Vincent ngayon sa malaking hagdan ng hall at nakikipag-socialize na sa mga bampira na tuwang tuwa sa eleganteng ambience ng Vermillion castle.

Others bow down when they look at me or if I'm near them; it feels so awkward because I've lived for 12 years as an ordinary human without any memories of the past, and suddenly everything changed. This is the life that was destined for me, a leader who needs to revive the kingdom and has heavy responsibilities and is highly respected by the majority but the enemy of the few.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon