CHAPTER 6: Nero Louise

12 9 0
                                    

3RD PERSON POV:

"P-panginoon! H-humingi kami ng paumanhin sapagkat naunahan po kami ng mga kalaban, nakuha na po nila ang babaeng nasa propesiya."
Hinahangak na pagsabi ng isang kawal.

Nagalit agad ang pinuno ng malaman ang sablay nilang planong dakpin ang babaeng nagngangalang Faith Cordozo.

Matagal na nila itong hinahanap at ngayong nakita na nila ito ay gusto nila itong makuha at  mapasakamay.

Buong akala niya ay patay na ang bata noong inatake nila ang pamilya ng mga Cordozo na siyang kinaiingitan niya ng husto. Pero nagkakamali siya dahil buhay pa pala ang bata na siyang pwedeng maging sagabal sa planong niyang paghahari sa apat na kaharian ng Adrappe.

"KAYONG LAHAT AY MGA INUTIL! MGA WALANG SILBI!"
binalibag ng lalaking nakaupo sa malaking trono ang kanya kopeta na naglalaman ng bino direkta sa kanyang nakaluhod na kawal.

Ang mga kawal naman ay nanginginig dahil sa dagundong na sigaw ng kanilang pinuno sapagkat alam nila kung paano ito magalit. Takot na takot na rin sila sa maaring ibigay na parusa sa kanila dahil sa sablay na ginawa nilang plano.

"Hmm.. Ipatawag niyo na lang ang aking matalik na kaibigan, gusto kong makita itong babaeng nagngangalang Faith Cordozo o tama bang tawagin sa pangalang Celestine Usteria..."

Tumawa ng kahindikhindik ang lalaking nakaupo sa malaking trono at para bang sabik na sabik na ito sa kanyang panibagong susunod na masamang plano.

FAITH POV:

Nasa isang nakakasilaw na kwarto ako ngayon at wala akong ibang makita kundi tanging nakakasilaw na liwanag.

Habang naglalakad ako sa gitna ng kawalan ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ang liwanag ay bigla na lang tumatawag sa akin gamit ng isang pamilyar na nakakahalina at malumanay na boses ng isang babae.

"Faith... Anak"

"My dearest Celestine..."

"M-mommy???"

Sigaw ko habang sinusundan ang direction kong saan mas lumalakas ang boses sa parte ng kwarto ito, pero kapag lumalapit ako rito ay parang lumalayo rin ito sa akin.

"Mag iingat ka anak, wag na wag kang basta-bastang magtitiwala sa paligid mo... Mahal na Mahal ka namin ng Daddy mo magpakakatag ka!"

"M-mommy? Ikaw ba talaga yan? Please wag niyo po akong iwan... I miss you and Dad..."

"Ma, please!"
Frustrated na ako sa mga nagyayari. Tumakbo ako para maabutan ko ang boses niya na humihina na.
Alam ko sa sarili ko na nangagaling ito kay mommy.

Pero wala na akong naririnig at tanging nakakasilaw na liwanag na lang ang nakikita ko.
Biglang napagod ang aking katawan kaya napaluhod ako habang umiiyak out frustration.

Nakakainis! ano na ba 'tong nangyayari sa akin?

"Ma! Naguguluhan na ako, sana sinabi niyo sa akin ang lahat para naman mapaghandaan ko ito, wag niyo po akong iwan ng ganito."
Pagsusumamo ko. Hindi na ako umaasa na maririnig ko pa ang tinig niya pero nagkamali ako.

"Wag kang matatakot anak, Palagi kaming nakabantay sa'yo..."

Nakaramdam ako ng isang mainit na hangin, na para bang niyayakap ako nito.
Napaiyak ako dahil alam kong si mommy ang yumayakap sa akin.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon