CHAPTER 11 : Friendly Visit

15 6 0
                                    

Naging fiesta ang almusal ko ngayon dahil sa dami ng mga pagkain na ipinahain ni Nero sa harapan ko.

Hindi ko naman mapigilan na matakam at maglaway sa amoy ng kanilang pinaluto kaya dahil sa gutom ay kinuha ko agad ang isang pares ng fried chicken na nasa harap ko at kakainin ko na sana ito ng napatingin ako kay Nero na nasa harap ko na kanina pa tingin ng tingin sa akin.

Ibinaba ko na lang ang fried chicken sa aking serving plate dahil sa hiya at naghintay na lang matapos ang pag-aayos ng mga maid sa lamesa.

"Why you didn't eat it?"
Kuryosong tanong niya habang tinuturo ang fried chicken sa aking plato.

Haist! Actually gustong gusto ko ng kainin ang fried chicken pero panira ng appetite ang mga tingin nitong Nero sa akin.

"Did you know it's rude to observe someone who's eating Nero??"

Pagtataray kong sinagot ang tanong niya kanina na ikinakunot ng noo niya kaya iniwas na lang niya ang kanyang tingin at pasimpleng ininom ang kopeta niya na may lamang dugo.

Good boy...

Natapos na ang mga maid sa kanilang pag-aayos sa malaking lamesa.

Senyalis na pwede ng simulan ang pagkain kaya dali-dali kong tinikman ang mga pagkain sa harapan ko na kanina pa nagpapatakam sa akin.

May omelette, soup, fried chicken, cordon Bleu, steak at iba pa!

Sobrang saya ko dahil napakasarap ng mga hinain ng mga serbidora nilang Nero.

Pero sa gitna ng aking pagsubo ay napatigil ako kasi napansin ko na ako lang pala ang kumakain  sa harap ng lamesa, tinignan ko ang dalawang lalaki na kasama ko na parang nasisiyahang nanunuod ng mukbang sa harap ko.

"Anong titingin-tingin niyo d'yan!?"
Tapos nagpatuloy ulit ako sa pagkain.

"uhm... Celestine? N-kakakain ka ba ng m-marami sa mundo ng mga tao?"
Tanong ni Vincent na halatang kinakabahan sa anong magiging reaction ko sa sinabi niya.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sinagot ang tanong niya.

"Yes! But gutom na gutom ako ngayon, bakit ba? masama bang kumain ng marami? Tapos ang sarap kasi ng mga pagkain dito hindi ba kayo kakain?"
Masayang sabi ko at walang nagawa si Vincent kundi tumango na lang.

Napatingin naman siya sa kanyang masungit na kuya na kanina pa nakayuko at hindi tumitingin sa akin na pinagtatakahan niya siguro.

Tinapos ko na lang ang mga kinain ko at uminom ng tubig tsaka kinuha ang table napkin sa tabi ng plato ko at ipinahid sa bibig.

"Looks like an eating machine for me..." biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko mula kay Nero. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ang bastos talaga ng bampirang ito!

"Paano niyo pala ako nahanap sa mundo ng mga tao?"
Pag-iba ko ng topic sa kanilang dalawa.

Tumikhim at sumeryoso naman agad sila.

"Actually... we made the decision to find your whereabouts, but it took us a long time to do so."
Prenting sagot ni Nero habang mariing tumitingin sa akin.

"Queen Vanica, sealed your energy so that we couldn't find you; perhaps she manipulated your memories of us or this world to keep you safe..."
Sabi naman ni Vincent kaya napatango na lang ako, siguro nga ganon ang gustong mangyari ni Mom.

Delikado ako sa mundong ito kapag nalaman na ng mga hallows na nandito na ako.
Alam kong isa akong malaking tinik sa kanilang mga plano pero ang tanong ko ay bakit? Anong gagawin ko sa kanila? At anong dahilan ng pag-atake nila sa Usteria?

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon