CHAPTER 5: Midnight Greetings

16 10 0
                                    

Pauwi na kami ngayon ni Mitch nakasakay ako sa sasakyan niya kaso lang natagalan kami kasi ma-trafffic sa dinaraanan namin.

Isama pa ang buhos ng malakas na ulan. Buti na lang at bago kami umuwi ay nilibre kami ni James ng kape kaya medyo naging perfect tuloy ang traffic vibes ko habang tinatanaw ang busy na kalye sa bintana ng sasakyan ni Mitch.

"Ay oo nga pala Faith. Nakalimutan kong ibigay sayo 'to oh, sulat yan galing sa amponan."
Binigay ni Mitch ang isang puting sobre.

"Sinong nagbigay sayo nito Mitch?"
Tanong ko habang pinupunit ko ang laylayan ng sobre.

"Naalala mo 'yong kasama natin sa amponan, 'yong singkit na matabang si Arthur? sabi niya sa akin na bumisita siya sa bahay ampunan nong nakaraang linggo kaya pinadala ni mother milda ang sobre na 'yan para sayo.
Sige na! Basahin mo na."
Sabi niya habang pinagmamasdan ang mga sasakyan sa kalye.

Tumango ako at sinimulan ng basahin ang sulat.

Dear Faith,

Kamusta ka na? Kamusta na kayo ni Mitch?
Miss na miss na kayo ng mga bata rito sa bahay amponan, at pati na rin ako at si father Enrique ay labis nang naghahahangad na sana bumisita kayo sa amin.

Gusto ko sanang batiin ka nang maligayang kaarawan Faith, nga pala naalala mo ang kwentas mo nong bata ka pa na naiwala mo habang naghahabulan kayo sa likod ng simbahan?

Salamat sa diyos at nakita na namin 'tong mahalagang bagay sa'yo, buti na lang at naisipan naming magbungkal ng lupa sa garden.

Kaya nakita ng isang bata ang iyong kwentas. Gusto ko sanang isauli sa'yo ng personal at madalian pero naging busy kami sa renovasyon ng parokya buti na lang at bumisita si Arthur dito na ngayon ay isa ng engineer, labis akong natutuwa na ang mga batang inaalagaan ko non ay mga propesyonal na nasa magandang kalagayan na ngayon.

Pakisabi kay Mitch na mahal na mahal ko kayo, I'm looking forward to your visitation soon.

Nagmamahal
Mother Milda.

Si Mother Milda at father Enrique ang kumupkop sakin ng malaman ng nurse at doktor na wala na akong ibang mapupuntahan nong na aksidente ako, kasama nilang daddy at mommy.

Parati akong iyak ng iyak non at hindi ko na alam ang gagawin.
Sabi ng doktor ay walang nakitang bangkay na malapit sa akin, haka-haka nila na baka nahulog ang bangkay ng mga magulang ko sa pangpang katabi ng nadisgrasyang kotse namin.

May isang malalim kasi na pangpang roon na may malaking rumaragasang ilog kaya ang mga pulis ay labis na ikinalungkot na baka hindi na maitsura ang bangkay nila kapag sakaling makita nila ito.

Bilang tulong ng nurse sa akin ay siya na ang nagbayad ng lahat ng aking gastusin sa hospital. Naalala niya kasi sa akin ang kanyang kapatid na namatay dahil sa sakit, siya rin ang tumawag sa Stella isang bahay ampunan para kupkopin ako dahil wala na akong ibang kapamilya na nakilala kahit mga kamag-anak nilang Mom at Dad ay hindi ko pa rin kailanman nakilala o nakita.

Pina-trace rin ang family history ko sa mga pulis pero nagtataka lang rin sila kung bakit wala silang makitang malapit at malayong kamag-anak ko. Akala nga nila sa states ako lumaki kasi malimit lang ang mga data ko dito sa pilipinas.

The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon