"Batid kong nakuha mo na ang mga sagot sa'yong mga katanungan Celestine..."
naidilat ko ang aking mata pagkarinig ko sa malumanay na boses ni Anita.
Ang spirit Guardian ni Mom."Salamat Anita..."
ngumiti siya sa akin at tila masayang masaya na natawag ko na siya sa kanyang totoong pangalan.Ngunit may gusto pa akong itanong sa kanya.
"Bakit nong hindi ko pa naalala ang lahat ay parati akong dinadalaw ng masamang panaginip? Anong koneksyon non sa nangyayari sa akin ngayon Anita?"
Tumango at kalaunan ay tumikhim pa siya bago niya sinagot ang mga tanong ko.
"Celestine bawat witch at wizards ay may mga bambihirang katangian.
Katulad ng 'yong Ina may kapangyarihan siya na kong tawagin ay Spatial Magic... kaya niyang gumawa ng sariling dimension o gumawa ng mga force field at experto rin siya sa mga spells, pero ang pagkakapareho ng mga witch sa isa't isa ay ang managinip ng mga pangitain... kumbaga kayong taga Usteria ay binabalaan ng Dyosa ng mga panaginip at ang pinapakita niya sa inyo ay ang maaring mangyayari sa hinaharap..." mahabang lintaya niya na naunawaan ko naman."At isa pa lalakas ang katangian ng isang witch o wizards kong sasapit na ang kanyang ika dalawa' put dalawang gulang..."
Bigla siyang lumingon sa likuran ko at sinundan ko naman ito ng tingin pero wala naman akong nakita kundi walang katapusang kadiliman, binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa kanya na ikinangiti niya."Prinsesa Celestine, gusto kong hanapin mo ang libro ng 'yong Ina na kong tawagin ay The book of the unknown ito'y mula pa sa inyong ninuno at makakatulong ito sa'yo para makontrol mo ang iyong natutulog na kapangyarihan..."
Biglang umilaw ang kanyang hintuturo na ikinagulat ko."T-teka? Anong gagawin mo sa akin Anita!?"
Kinakabahang tanong ko."Wag kang gagalaw Prinsesa, dahil wala na si Vanica ay kailangan ko na itong ipasa sa susunod na reyna ng Usteria, ito ay ang kalahati ng aking purong lakas at kapangyarihan..."
Biglang uminit ang sentro ng aking dibdib ng tumama sa akin ang puting liwanag mula kay Anita.
Ang sakit! Nasasaktan ako dahil parang nililiyaban ng apoy ang dibdib ko at ilang minuto pa itong tumagal.
Anong klaseng kapangyarihan ba itong ipinapasa sa akin ni Anita?"Gamitin mo sana ito sa kabutihan... Gigising lamang ang kapangyarihan ko kapag napag-aralan mo na itong gamitin at tandaan mo sana na malapit na ang pulang buwan na kong saan ang dugo ng mga bampira ay mahirap kontrolin, bilang ikaw ay isang kalahating bampira... gusto kong magpa-aralan mo rin kung paano kontrolin ang iyong pagka-uhaw sa dugo at sana wag kang tutulad sa iyong ina..."
"Sana wag ka ring iibig sa isang bampira..."
MITCH POV:
Ilang araw ng nawawala si Faith. Para na akong mababaliw sa mga pinag-iisip ko na mga haka-haka kung anong nangyari sa kanya o nasaan na siya.
Na baka kinuha siya ng mga maligno o impakto at dinala sa biliran, o baka nakidnap siya at juskooo! Nasaan ka na ba kasi Faith?
Sa pag-iisip ko'y hindi ko napansin na kanina pa pala may tumatawag sa akin sa cellphone ko at mabilis ko naman itong kinuha at sinagot."Hello po!?"
"Magandang umaga Ms. Sanchez ako po ang pulis na may hawak sa kaso ni Ms, Cordozo at sa ngayon po ay itatala na po namin siyang isang Missing person, Wala pa po kaming lead ukol sa kanyang pagkawala pero asahan niyo po na mag-a-update kami kapag may mahanap kaming lead."
BINABASA MO ANG
The Knight Who Captures My Heart (Tagalog)
FantasyFaith Marie Cordozo is a regular person who shares a residence with Mitchella "Mitch" Mercado, her longtime best friend and roommate. She works as the secretary of a magazine publishing company. She is leading a typical, busy life at first, unaware...