CHAPTER 42: CONTRACT

4.6K 126 6
                                    

Jacob's P.O.V

"It is written in this contract that the two of you would agree to entrust your son to my custody. And you already can't pull him back. Once I found out that one of you tried to get him away from me, I won't regret to just kill him. You understand?" diin na diing sabi ko sa harap mismo ng mga magulang ni Vince.

Ipinakita ko sa kanila ang kasunduan na siyang magiging susi para lubusan ko na siyang maangkin nang walang pwedeng humadlang sa amin.

"Now, each of you should sign for your approval so that it'll be a strong evidence that the two of you agreed to this contract. After you signed this, you should always remember that you already can't have the right to show yourself to Vince again. Are we clear?" seryosong tanong ko na ikinatango lang nila bago pinirmahan ang papel na iniabot ko sa kanila.

Napangiting tagumpay ako nang mapasakamay ko na ang nalagdaang kasunduan.

"Ipinagkakatiwala ko ang anak namin sa iyo kaya pakiusap, wag mo siyang sasaktan." naiiyak na sabi ng mama nia na ikinalingon ko rito.

"Alagaan mo siya ng mabuti at wag mo siyang pababayaan." sabi naman ng papa nia.

"I will. I love your son. He is my life. And I"ll do everything to protect him." sagot ko bago sila iniwan at sumakay na sa kotse ko.

Sinenyasan ko na rin ang mga tauhan ko para ihatid na sila pabalik ng Pilipinas. Na makalipas ng ilang linggong pagtatago namin sa kanila sa pribadong warehouse ko rito sa Hawaii ay nakuha ko na rin ang inaasam asam ko.

...
Earl's P.O.V

"Hmm."

Nagising ako nang maramdaman kong may humahawak sa buhok ko.

"Feeling well now?" napalingon ako sa tabi ko.

"Jacob?"

"Anything you want?"

Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay sinubukan kong bumangon at--

"A-ah!" sigaw ko na napahiga rin ulit sa kama.

Ugh! Ang sakit ng katawan ko.

"Don't force yourself to move." sabi nia na ikinalingon ko.

"Tell me," seryosong sabi ko. "Tell me everything. Please." pakiusap ko na ikinatingin nia sakin ng deretso.

Hindi agad siya sumagot.

Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga nia.

"Actually, nakilala lang kita after the accident."

Tila bombang sumabog sa isip ko ang sinabi nia.

I-ibig sabihin..

"Yes. Nakilala lang kita sa hospital kung saan ka dinala pagkatapos ng aksidente na nangyari sa iyo. You are one of the patients ng Tito kong doktor doon. And he gave me this card na nakita nila sa kotse kung saan ka nakasakay, that's why I knew your name and some of your personal details." sabi nia sabay abot sakin ng isang identification card kung saan nakalagay ang litrato ko, pangalan, taon, tirahan at kaarawan.

Earl Dane Santos. Ito ang katauhan ko na nakalimutan ko ng 20 taon.

"And it's been a week ay wala pa ring dumadalaw sa iyo." rinig kong sabi nia ulit.

"T-teka..ang mga magulang ko? Hindi ba nila alam ang nangyaring to sakin?"

Napansin kong tila lumungkot ang mga mata nia. Don't tell me--

"They're dead."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi naka imik sa sinabi nia.

"Kasama mo siya sa nangyaring aksidente noon. Mas malala ang natamo nilang mga injuries kumpara sayo. Kaya nung dalhin sila sa hospital ay idineklara nilang dead on arrival. You are the only one who survive."

"Hindi. Hindi. Sabihin mong panaginip lang lahat ng to. Please.." nagsimula nang bumuhos ang mga luha ko.

"You're not dreaming. Accept the fact."

"Pero paano nako? Mag isa na ko! Wala na sila, Jacob. Alam mo ba tong nararamdaman ko?"

"I know what you feel. Hindi madaling tanggapin pero subukan mo. Wala ring ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo."

Napahagulgol ako sa sinabi nia.

"But I'm here. I'm just here. If you want someone to be your friend. Your companion. Someone who can talk to. Someone who can hug you. For you to make feel better. You can have me."

***
UP NEXT> CHAPTER 43: PHOTO ALBUM
***
p.s. sorry sa mga grammatical errors😄

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon