Earl's P.O.VNaalala ko na.
Bumalik na ang nawalang parte sa akin na hinintay ko ng mahigit isang taon.
Bumalik na ang dating ako.
ANG DATING AKO.
Ang dating Vince Kurt Vargas na kilala nio.
At hindi na si Earl Dane Santos na siyang naging maskara ko lang sa mundong pinilit na binura ng tao na siyang sumakop sakin dahil sa kasakiman at ng pamumusesyon.
Mga pagdurusa ang kumalinga sakin sa mga araw na iyon pero nang itago ako sa bagong mundo na binuo nia ay nanaig ang hindi maintindihang pakiramdam na hindi ko lubos inakalang sa likod ng mabangis at kahayupang taglay nia ay may nakatagong kabutihan at pagmamahal na siyang nagpabago sa takbo ng kung paano ko siya tingnan at pakisamahan.
Ngayon, may isang tao ulit ang nagparanas ng sakit na katulad ng kung ano ang nangyari sakin nung ako ay hindi pa naging si Earl. Isang karanasan na siyang nagbigay liwanag sa madilim na katotohanang tinakpan ng sariling takot at karamutan.
At yun ang naging hudyat sakin para muli akong magpanggap ulit. Magpanggap na ako ay binago dahil sa sakit at kirot na dulot nun. Siguro, kapag sinuot ko ULIT ang maskarang yun, ay magiging maayos na rin ULIT ang magiging bunga.
"Please, wag mong gawin yan. Vince, please." Sinubukan akong lapitan ni Lucas para pigilan sa ano man na gusto kong gawin pero hinila lang ulit siya ni Lynuss.
Tss.
"Please, ako na lang!" sigaw nia na ikinatigil namin lalong lalo na ako. "Ako na lang! Sabagay ako naman ang dahilan ng lahat ng pagdurusa mo. Kaya ako na lang. Please. Ako na lang."
Ramdam ko ang pagiging totoo nia sa mga salitang binitawan nia.
Siya ba talaga to? Ito ba talaga ang totoong Lucas na nakilala ko? Ito ba talaga ang totoong kulay nia? Kasi hindi ko maunawaan. Ibang iba siya sa Lucas na nagpadama sakin ng sobra sobrang sakit noon sa kung paano nia ako itrato nang maging Earl ako. Ang kilala kong Lucas, ay walang puso.
"Ikaw?" Taas kilay na tanong ko naman na ikinatango lang nia.
Napangisi ako. Para ipakita na hindi kapani paniwala ang sinabi nia.
Kaya niyang isakripisyo ang buhay nia para sakin. Masasabi kong kaya nia dahil nakita ko noong pigilan nia ako na lumabas ng kotse nung barilin siya ni Lynuss. Ayaw nia akong mapahamak.
"Tch. Sige, pagbibigyan kita." kasabay nun ang agad na pagtutok ko ng baril na hawak ko sa kanya na ikinalaki ng mata nia.
Pinilit kong hindi manginig ang kamay nang tutukan ko siya. Hindi ito tama pero ito ang naisip kong paraan para maniwala sila na seryoso ako para matapos na to.
"Hey, Vince. What are you doing?" tanong ni Lynuss na napatayo rin ng tuwid dahil sa pagkabigla rin sa ginawa ko.
Afraid of Lucas's death? Psh.
"V-vince.." pigil ang paghinga na ramdam kong kaba nia na napaatras. Hindi makaimik na kaya ko pala itong gawin sa kanya.
"It's your wish Lucas, and I'm just it giving to you." seryosong saad ko na napahigpit ang hawak sa handle ng baril.
Ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko. Bumibigat na rin ang paghinga ko pero nanatili lang akong kalmado. O kung hindi, mapupunta lang sa wala ang mga plano ko.
Pero hindi dito tatapos ang sayo Lucas. Sinasabi ko sayo. Hindi dito.
"Don't dare or--" ~Lynuss.
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
De Todo[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...