Earl's P.O.V'Matatanggap mo pa rin ba siya kahit na ganun siya? Na kahit ganun ang ginawa nia sayo sa past mo? Handa mo ba siyang patawarin? At suklian ang pagmamahal na inilaan lang niya para sayo?'
Ang mga tanong niang yun ang hindi nagpatulog sakin sa gabi rng yun. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Wala akong naisagot. Dahil ang bilis ng tibok ng puso ko ang pumigil sakin. Kinabahan ako.
'Sorry.. kung minahal kita.'
Tama nga si Lyndsey.
He is very selfish, very cruel and sadistic pero mabait siya in his other side- na nakita't naramdaman ko noong naging si Earl ako- at hindi siya naging mahirap mahalin.
Oo. Siguro nga, ang katauhan ko kay Earl ang nagpapakita na napakaperpekto sana ng aming relasyon kung hindi ko nakilala si Stephen. Walang Keith. Walang naging problema at wala sanang mga karahasan ang nangyari. Tahimik. Tanging kami lang.
Pero ako pa rin to eh. Ako pa rin si Vince. Puso ko pa rin talaga ang tumibok kahit na naging si Earl pa ako.
Minahal ko pa rin talaga siya ng sobra..
..kaya nagawa ko siyang ipaglaban.
"Iho.." napalingon ako sa nagsalita nang makitang umupo siya sa katabing silya na inuupuan ko malapit sa pool.
"Nay.." tawag ko naman.
"Nagtatampo ka ba?" tanong nia sakin na ikinakunot ng noo ko pero nakuha ko rin naman agad ang ibig niyang sabihin.
"Alam mo nay, gustong gusto ko talaga magtampo at magalit. Yung tipong magwala na ako sa sobrang galit. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Pero narealize ko na..kung hindi dahil sa mga bagay na ikinagagalit ko, hindi ko sana napagtanto ang tunay na nararamdaman ko." makahulugang sabi ko na ikinangiti niya.
"Masaya ako para sa iyo,..Vince." napangiti rin ako nang banggitin nia ang pangalan ko. Hindi na Earl.
"Salamat, Nay. Kasi..nakilala ko kayo. Nakilala ko kayo dahil kay Lucas. Dahil sa inyo, nakita ko ang tunay na ugali ni Lucas. Nakita ko kung paano siya naging anak sa inyo at naging isang kapatid kay Lyndsey."
"Salamat din sa iyo Vince, dahil kung hindi ka din niya nakilala, hindi ka naging si Earl, hindi babalik ang mga ngiti niya na matagal naming hindi nakita. Naging masaya siya, bumalik ang sigla niya, at dahil yun lahat sa iyo. Lalo na nang maramdaman niyang importante na rin siya sayo. Na mahal na mahal mo na rin siya."
"Nay."
"Vince, sana wag mo na siyang iwan..ulit. Sana bigyan mo pa siya ng pagkakataon na ipakita na nagbago na siya dahil sayo. Sana mapatawad mo na siya, sana mahalin mo na siya ng totoo, hindi bilang si Earl, kundi bilang si Vince na nakilala niya."
"..."
"Vince, mahal na mahal ka niya. Patunay lamang yun na hindi ka nia kailanman niloko. Hindi kailanman." saad nia na mahinang tumapik sa balikat ko at tumayo na.
Pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay agad ko siyang pinigilan sa braso.
"Nay.. nasa'n ngayon si Lucas?"
...
Lucas's P.O.V
'Emotional pain hurts more than physical.'
Totoo nga talaga.
It is more worse na saktan ka emotionally than to cut you or punch you in the face. Kasi mas madaling maghilom ang sugat na ginawa nia sa katawan mo kaysa sa sugat sa puso mo. Pero nandun pa rin ang peklat na magpapaalala sa sakit.

BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...