CHAPTER 51: SMILE

1.5K 73 4
                                    


Earl's P.O.V

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila nang makababa ako mula sa aking kwarto at dumiretso sa kusina.

Napakunot naman ng noo si Lyndsey habang napangiti na rin naman sakin si Nay Luring na kasalukuyang naghahanda ng almusal.

"Wow. Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah. At ang aga mo pa. Kulang na lang eh kita na lahat pati gilagid mo sa lawak ng mga ngiti mo na abot na rin yata hanggang sa tenga mo. Bakit? Anong meron?" nanunudyong tanong ni Lyndsey sakin na hindi pa rin mapuknat sa noo nia ang pagkakakunot na halatang parang gulat pa rin sa akin.

Kung maka react sila ah. Parang ngayon lang nila akong nakita na sumigla pag umaga. Hindi rin naman maikakaila dahil parang ang ganda nga naman talaga ng gising ko..NGAYON.

"Anong 'Anong meron' ka dyan? Wala. Bakit masama bang batiin ko kayo sa napakagandang bungad ng umaga?" nangingiting tanong ko rin naman kaya pinaningkitan nia ako dahilan para mapatawa ako ng marahan.

"May nangyaring kababalaghan no? Sabihin mo nga sakin!" pamimilit niya kaya napatawa ako ulit.

"Wala nga sabi. Asan ba si Jacob?" tanong ko na agad na ikinalingon nila sa akin ng sabay. Tinaasan naman ako ng kilay ni Lyndsey.

Bakit anong masama sa--! Uh. Oh.

Bakit ko nga pala siya hinahanap? Fuck.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya? At umagang umaga, siya ang hinahanap ng bibig mo?"

Ayoko nung tunog nun ah. Parang ang pangit lang pakinggan. Hay, tinotopak na naman siguro ang utak ko kaya bumerde na naman.

"Pinagsasabi mo?" depensa ko.

Bakit nga ba talaga? Hayst, sa susunod self, learn to control the words coming from your mouth, okeeh? Baka makapagsabi na naman ako ng hindi kanais nais. "Natanong ko lang naman. Wala naman kasi siya rito na kasama nio." pagpapalusot ko.

"Nasa may garden siya. Nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Puntahan mo na lang dun." sagot ni Nay Luring.

"Bakit ko naman siya pupuntahan? Pake ko dun!?" irap ko at napaiwas ng tingin.

"Ayos ka rin no? Umupo ka na nga lang at makapag almusal na. Dami mo pang satsat dyan. Gutom ka lang kaya kung ano ano na naman lumalabas diyan sa bunganga mo." pagtataray ni Lyndsey kaya umupo na rin ako.

Medyo nawei-weirduhan din ako sa sarili ko kaninang umaga paggising ko. Feeling ko ang gaan gaan ng loob ko. Yung walang problema. Ewan ko. Hindi ko rin maipaliwanag.

Gutom lang talaga siguro.

...

Jacob's P.O.V

Pinasadahan ko ng tingin ang headlines ng dyaryo na hawak ko ngayon.

Isang grupo ng mga armadong mga kalalakihan ang nakunan sa isang CCTV sa isang building malapit sa mall. Kung titingnan nga sa litrato ay napakarami nga nila. At pagkalabas nga nila sa nasabing building ay may kasama na silang isa pang lalaki. Tapos ngayon, natagpuan nilang bangkay na ang lalaki na palutang lutang sa may riverside na may tama ng baril sa katawan.

Hmm. This reminds me of someone.

*sip*

"Hope they've forget about me. It's been 2 years."

Tumayo ako at pumasok na sa loob papunta sa kusina bitbit ang dyaryo at kape na iniinom ko kanina.

As I've enter the kitchen door, nakita kong kasalukuyan
na ring nag aalmusal ang tatlo.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon