CHAPTER 43 PHOTO ALBUM

3.7K 112 17
                                    

Earl's P.O.V

Pagkatapos ng pag uusap naming iyon ay tila kumalma na ako ng kaunti. Lalo na nung yakapin nia ako pagkatapos ng huli niang sinabi. Medyo awkward pa sa feeling ng yakapin nia ako pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.

Nalaman kong narito pala ako sa Hawaii. Binigyan 'raw' ako ng special treatment ng tito nia. At para mas madali akong makarecover ay dinala nila ako rito para sa naging huling gamutan sakin.

Hindi ko na rin naalalang tanungin kung sino ang tinutukoy niang tito para makapagpasalamat ako. Kung hindi dahil sa kanya, baka patay na rin ako ngayon.

Medyo napaisip ako. Kahit ba kamag anak ay walang dumalaw sakin? O hindi man lamang ba nila nalaman ang nangyaring aksidenteng yun samin? Tss. Mga walang kwenta.

"Sir, baba na ho kayo. Handa na po ang dinner."

Napalingon ako sa may pinto. Hayst, pati ang pagbukas nun ay hindi ko na namalayan pa dahil sa sobrang pag iisip.

"A-ah..s-sige po. Salamat. Susunod na po ako." magalang kong sagot sa medyo may katandaang babae bago ito lumabas sa kwarto kung nasaan ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng silid.

Dapat ay presentable pa rin ako. Nakakahiya no. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Dapat ay marunong din akong lumugar.

Pagkarating ko sa kusina ay nadatnan ko roon si Jacob. Medyo nag aalangan pa ko na makisalo sa kanya dahil feeling ko sampid lang ako. Alam kong napakataas nilang tao at dapat ay ginagalang rin. Pero kakapalan ko na ang mukha ko. Gutom na ako eh.

"Have a seat."

Maawtoridad ang dating ni Jacob para sakin. Pero it suits him. Ewan ko. Yun ang pumasok sa isip ko nung una ko siyang makita. Very dominant in a nice way.

"S-salamat." Shit! Bakit ako napa stammer?

Pagka upo ko ay sakto namang dumating ang ilan sa mga maids nila na may dalang mga pagkain.

Wow! Feeling ko ang sarap kahit tinitignan ko lang!

Ginanahan akong kumain kaya napadami ang kain ko.

Napalingon ako kay Jacob--!

Shit! Nakatitig pala sia sakin habang kumakain. Naku, nakakahiya. Yung reaksyon nia na hindi makapaniwala na parang di ako kumain ng ilang taon sa bilis ko kumain.

"Ahh..eh..pasensiya na, nagugutom kasi talaga ako eh."
nahihiyang usal ko sa kanya na bigla rin niang ikinangiti.

"Haha. Eat as many as you can. Feel yourself at home." sabi nia sakin na ikinaliwanag ng mukha ko.

"Salamat."

"Don't be. You're already part of this house. So, from now on, feel yourself like you'll also part of this family."

Aww. Nakakagaan naman ng puso.

"Do what you makes feel happy. We are just here you support you." dugtong pa niya kaya napangiti ako.

"Uhm, tanong ko lang, nasaan ang tito nio?" tanong ko na ikinatigil nia sa pagnguya.

Uh. Oh. May nasabi ba kong mali?

Unti unti siyang napalingon sakin na parang may mabigat akong kasalanan.

"Ahh..kung ayaw mo sagutin, okay lan--"

"He's already dead."

Natigilan rin ako sa naging sagot nia.

Ibig sabihin, hindi ko na rin siya makikilala? At mapapasalamatan?

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon