Earl/Vince's P.O.VHindi ko inakalang aabot lahat sa ganito ang kinahinatnan ng isang pangyayaring hindi rin naman namin inasahang mangyari. Na ikinaranas namin ng maraming pagsubok na siyang humamon sa pagsasamahan namin kaya nailagay kami sa ganitong sitwasyon.
Ang pagkaiwan nia lang sa isang simpleng photo album sa restaurant ang nag-lead sa amin kaya kami ay nagkasalubong ng landas.
At ang pagkakilala ko sa kanya ang nagturo sa akin sa maraming bagay na siyang dala-dala ko ngayon na nagpapatunay na hindi lahat ng masama sa tingin mo, ay mananatiling masama hanggang dulo.
Love will change everything.
Love will find a way to make you better,
better sa mata at puso ko.
At ang pagmamahal nia ang bumago sa kung ano talaga ang naging tingin ko sa kanya noon at sa puso kong sinara ko sa ginawa kong kadiliman kaya nabulag sa sarili kong mga kaisipan.
"Is something bothering you?" gulat na napalingon ako kay Lucas nang magsalita siya sa tabi ko.
Kasalukuyan kasi kaming nakaupo ngayon sa buhanginan sa tabi ng dapat. Dito kami dumiretso pagkatapos ng pag-uusap namin kanina.
Agad akong napailing at napangiti sa tanong nia.
"Wala. Naalala ko lang yung mga nangyari noong una tayong nagkita." sagot ko na ikinakunot ng noo nia na napalitan din naman agad ng isang ngiti rin.
Mukhang nakuha nia na ang gusto kong sabihin. He really know me that well.
"Iniisip mo siguro kung sinadya kong iwan iyon noon, 'no?" he asked me na ikinataas ko lang ng isa kong kilay.
"Bakit mo naman naisip yan?"
"Kasi pinagtapat ko sayo kanina na pinlano ko lahat ng nangyari kaya ka napalapit sakin, kaya baka iisipin mo na sinadya ko rin ang tungkol sa naiwang photo album na yun." sagot nia.
"Hindi ko naman iniisip yan. Kung iisipin, hindi mo naman talaga kasalanan kung bakit tayo nagkalapit eh. Hindi yun dahil sa pinlano mo or coincidence lang."
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong nia na ikinatawa ko ng marahan.
"Nagkasalubong lang naman ang landas natin dahil diyan sa katangahan mo." natatawang saad ko na ikinaasim lang ng mukha nia.
"Why do you say so?"
"Eh naiwan mo yung suitcase eh. Ang bata mo pa pero makakalimutin ka na! Ulyanin ka na ba?" tatawa tawang tanong ko ulit na mas ikinalukot lang lalo ng mukha nia.
Pero nabura din lahat ng yun nang biglang sumeryoso ang mukha nia.
"Siguro nga, nakalimutan ko yung suitcase kaya naiwan ko. Pero nung ikaw ang nang iwan sakin noon, hindi kita kailanman kinalimutan."
Natigilan ako sa sinabi nia.
"Lucas."
"Alam kong iba lang ang pagkakaintindi mo sa nakita mo noon kaya ka nagalit sakin. Hinayaan kitang makapag isip. Pinalaya kita at pinangako kong babalikan kita pero hindi ko naman inakalang ikaw na pala ang nakalimot. You treat me like a stranger kaya hindi mo ko masisisi kung nagawa ko man lahat ng yun sayo. Naiintindihan kita na nagalit ka sakin dahil dun pero mas lalo lang lumala nang malaman ko pa na nahuhulog ka na rin pala sa bestfriend mo. Yes, ipinakita ko ang ugaling demonyong meron ako dahil lang sa ayaw kitang mawala sakin, ayaw kang makuha ka ng iba sakin kasi ikaw lang ang nasa puso ko, Vince. Mananatiling ikaw. Walang nagbago. Ikaw lang."
"I'm sorry. Nagkulang ako sayo. Pinaghinalaan kita. Hindi ako nakinig sa totoong dahilan ng lahat ng ginawa mo kaya mas pinairal ko ang galit ko sayo. Oo, nagalit ako sayo dahil sa mga masasamang ginawa mo sakin noon, pero nagbago ka. Ipinakita mo sakin yung Lucas na sa kabila ng kasamaan nia ay may pagmamahal na tumunaw sa puso kong tumigas dahil sa lahat ng naging akala ko tungkol sayo."
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...