CHAPTER 50: SIGN

1.9K 73 10
                                    


Earl's P.O.V

Matapos nia akong iwan sa sala ng gabing yun ay tila unti unti nang nabubura ang natitirang pag asa para muli ko ring maalala ang mga taong involve noon sa akin bago ko pa sila nabura lahat.

Gusto gusto ko na talaga silang maalalang muli.

Sana nga wala talaga siyang alam. Na walang itinatago sa akin. Sana nga. Sana nga guni guni ko lang lahat.

Napadpad ako sa may gilid ng pool na napaupo dahil sa sobrang pag iisip. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad. Baka napasyal ko na nga lahat ng sulok ng bahay dahil sa sobrang pag iisip.

Pinakiramdam ko ang tubig sa mga paa kong nakatampisaw roon. Napakalamig ng tubig, sabagay maaga pa nam--

"Ahhh!" napasigaw ako nang may biglang lumitaw na ulo sa harap ko malapit sa mga paa ko. "J-jacob?"

He turn his face on me and handsomely brush his wet hair with his fingers.

Shit.

Bakit hindi ko man lang siya napansin kanina na narito rin pala siya sa pool na lumalangoy? Ganun na lang ba ako kalutang?

Tinitigan nia ako kaya hindi ako nakagalaw. Lalo na at nakikita ko rin sa peripheral eyeview ko ang kalahati sa hubad niyang katawan. (Author: Don't worry. Nakaboxer brief yan.) Parang may kung anong pwersa ang mga mata niyang nakapukol sakin. Parang hinihigop niya ang lakas ko kaya hindi ako makagalaw sa pwesto ko ngayon.

"W-why are you staring at me like that?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay mas lumapit pa siya sakin dahilan para mapaatras ako sa kinauupuan ko. Ngunit bigla rin niyang hinawakan ang binti ko kaya nanlaki ang mata ko.

"Hey! Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya habang pilit na hinihila ang paa ko mula sa tubig pero hindi nia ako binitawan.

Kinilabutan pa ako lalo, lalo na nang makita ko ang ngisi sa labi nia.

Bakit ang weird nia ngayon?

"Bakit ka umiiwas?" makahulugang tanong nia.

"A-ano, uhm.." Damn! Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos?

"Pffftt..Hahahahahaha!!!" tawa nia nang makita ang reaksyon sa mukha ko na hindi na maipaliwanag. "You're so funny. Why're you so scared at me when I'm getting closer at you? I'm just going to ask you a favor."

"Bakit kailangan mo pang lumapit at bigla biglang hahawak ng binti?" sabi ko na ikinatawa nia ng marahan.

"Haha. Why? Is it bad?" tanong nia na ikinatigil ko. "Uutusan lang naman kita na iabot sakin ang towel ko ron oh!" turo nia sa isang silya roon kung saan iyon nakapatong.

Wow! Matpos nia akong takutin at pakabahin sa mga weird antics nia kanina, uutusan lang pala ako. Aba, hindi yun maari!

"Ayoko. Bakit hindi ikaw ang kumuha. May kamay mga ka naman. Tsaka isa pa, kung wala ako rito ngayon, ikaw rin naman ang kukuha." matapang na sagot ko sa kanya which makes me nervous again dahil na naman sa isang ngisi nia.

Ngising may kademonyohan na bumabalot. Parang may masama siyang binabalak.

"Ahh, ganun. Ayaw mo pala ah?"

Naramdaman ko ang kamay niang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga binti ko.

"Teka, anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko pero ngumiti lang siya.

"What do you think? Maliligo na lang tayong dalawa."

"Ano? Ayoko! Bitawan mo na nga ako!" natatarantang sigaw ko at sinusubukang tanggalin ang kamay nia sakin.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon