CHAPTER 45 AWKWARD

2.6K 95 6
                                    


Jacob's P.O.V

"Nay, salamat sa dinner ha?!" nakangiting sabi ko nang makabalik ako sa kusina.

"Nagustuhan ba nia ang luto ko?" tanong nia naman habang naghuhugas ng plato.

"Oo naman po. Kayo pa ba?" paninigurado ko.

Hindi naman talaga ako ang nagluto non. Si Nanay Luring talaga. Haha. Sinabi ko lang na ako ang nagluto para magpasikat sa kanya. Sa totoo lang, ako talaga sana ang magluluto kaso hindi ako pinayagan ni Nanay, kesyo mapapaso daw ako o masugatan, kaya sya na lang ang gumawa. Marunong naman ako eh, di ba?

"Lucas-- ay este Jacob.. hanggang kailan mo itatago kay Earl ang totoo niyang pagkatao?" seryosong pagtatanong niya sakin bigla na ikinagulat ko.

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Magpakailanman, Nay. Hangga't nabubuhay ako, itatago ko sa kanya yun. Hindi ako papayag na mawalay siyang muli sakin. Kung yun ang makakabuti para sa amin, gagawin ko. Makasarili na ako kung makasarili, ang mahalaga, nasa akin siya." deretso sa matang sagot ko dahilan para matigilan siya sa ginagawa nia.

"Paano kung malaman nia, anong gagawin mo?" tanong nia nang nakatalikod pa rin sakin.

"Hindi nia malalaman kung walang magsasabi sa kanya. I trust you, Nay. I love him. Please. Don't let him leave me." sabi ko dahilan para tuluyan na nia akong lingunin at lapitan.

"Please, don't let him knew about it." pagmamakaawa ko dahilan para ngumiti siya sakin ng mapait.

"Hindi ko sasabihin ang nalalaman ko hangga't makikita kong hindi mo na siya sasaktan pa."

Napangiti rin ako at napatango. "Pangako, Nay. I really love him that much. And I promise, I won't hurt him again."

"Kung saan ka masaya, susuportuhan kita, basta't ipangako mong aalagaan, poprotektahan, rerespetuhin at mamahalin mo siya ng lubos at hindi na muling sasaktan."

"I promise."

...
Earl's P.O.V

"Mmhh! Ang sarap!" pabagsak akong napaupo sa pang isahang sofa malapit sa kama ko.

Naparami ang kain ko sa dinala kanina ni Jacob, ah. Siya ba talaga ang nagluto non? Masyadong masarap.

After a few minutes ay tumayo na rin ako at iniligpit ang pinagkainan ko. Ibababa ko rin agad para mahugasan ko.

Pagkarating ko sa kusina ay saktong naghuhugas rin pala si Nanay Luring na nadatnan ko sa harap ng lababo.

"Oh, tapos ka na pala." sabi nia nang makita ako.

"Ah..opo."

"Sige, ilagay mo na lang diyan, ako na ang bahalang maghugas sa mga yan."

Hay, akala ko makakagawa na ako sa mga gawaing bahay rito. Talagang nabobored na ko!

"Salamat po." sabi ko na lang.

"Ay oo nga pala. Pwede ba kitang utusan?"

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa tanong niyang iyon.

"Oo naman po!" masiglang sagot ko. "Ano po bang gagawin ko?"

"Pwede bang pakidala ng mga ito kay Jacob? Nasa kwarto nia sia ngayon. Nakalimutan nia kasi kanina. Pakidaan na lang, ano?"

Ehh?

"S-sige po." sagot ko na lang sabay kuha sa pinapabigay niyang lalagyan ng kape't asukal pati na rin ang isang tasa't kutsarita na nakapatong sa isang platito. Halatang mamahalin pa ang mga iyon.

Kung alam ko lang na ganito pala ang iuutos nia sakin ay hindi na lang ako pumayag. Ayokong makita ang lalaking yun.

"Ingatan mo ang mga iyan, ha? Baka mabitawan mo." pagbibilin nia.

"Opo."

Agad na kong tumalikod at umakyat papunta sa kwarto nia. Nadadaanan lang din kasi pag pumupunta ako sa kwarto kung saan ako natutulog.

Kinakabahan ako ah. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kumatok muna ako bago tinawag boses nia.

"J-jacob?" Ugh! I hate my tongue!

"Come in." rinig kong tinig mula sa loob. Kaya agad ko na ring binuksan ang pinto--SHIT!

Muntik ko nang mabitiwan ang mga hawak ko nang makita ko siyang--nakatapis lang ng tuwalya na halatang kakatapos lang maligo. At kitang kita pa ang six-pack abs-- WTH am I talking about?

"A-ah.." Damn! Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos?

Tila napako ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong naglalakad siya palapit sakin.

Shit! Shit! Shit!

Napatungo ako dahil naaasiwa ako pag nakikita ko siyang nakahalf naked lalo pa't nakaharap pa siya sakin.

"Ah- uhm..pinabibigay nga pala ni Nanay Luring." mahinang sabi ko sabay lunok dahil sa sobrang kaba nang tumigil siya sa harap ko.

"Thank you." rinig kong sabi nia sabay kuha ng nasa kamay ko.

Pagkakuha nia ay agad na rin akong tumalikod pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ay bigla kong naramdaman ang kamay nia sakin.

He had caught up on me and held me gently but firmly on the arm. At dahil yun ang unang pagkakataon na lumapit siya sa akin at ang intensyon ay para pigilan akong umalis, natural lang na magulat ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bugla na lang akong napapiksi nang maramdaman ko ang pagdampi ng init na hatid ng kamay nia sa braso ko kahit alam kong kaliligo lang nia na dapat ay malamig na.

Tila may mahinang boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa kamay niya at naglakbay sa buong katawan ko.

What the heck was that?

Binalingan ko siya para sana tanungin kung ano ang kakaibang sensasyong naramdaman kong iyon pero lalo lang nadagdagan ang katanungan sa isip ko nang masilayan ko ang guwapong mukha nia.

There was an expression on his face so delicate I couldn't take eyes off him.

Tila ba tumatalab iyon sa kaibuturan ng aking puso, karugtong ng mahinang boltahe ng kuryente hatid ng mainit na kamay nia kanina.

Palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko habang halos hindi ko na maialis ang aking mga mata sa guwapong mukha nia.

Shit! Ano ba tong sinasabi ko?

"Sorry," rinig kong wika nia.

Hindi ako nakasagot bagkus ay dali dali na lang akong umalis.

Dumiretso ako sa kwarto ko at napahiga sa kama sabay hawak sa dibdib ko.

Bakit ganun na lang impact nia sakin? Simpleng paghawak lang yun pero ang bilis na ng kaba sa dibdib ko. Paano pa kaya kung--hays, nevermind.

Is he really into me? Totoo nga kayang naging kami? Pero the evidence speaks for itself. Kami yung nakita ko sa litrato. Kami ni Jacob.

Pero bakit ako? Paano? Ugh! I really want to know! Gustong gusto kong magtanong pero hindi ko magawa.

Pero.. he got me while I saw his face kanina. Ma appeal talaga siya. Gwapo and very dominant na nagpabagay sa kanya. I really like his aura.

Damn Earl! Scrape off that smile on your face! It gives me unwanted feeling and weird chills.

Hindi ka nakakatawa, self. Kaya better stop it.

***
UP NEXT> CHAPTER 46: MOMENTS

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon