CHAPTER 53: DAYSARRY

1.4K 61 11
                                    


Earl's P.O.V

Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Hindi ko kasi akalain na ganun ang magiging kahihinatnan ng pag iwan nina Nay Luring samin dito na dalawa lang kami.

Pero ang mas hindi pa rin ako makamove-on kapag naaalala ko ang tagpo kagabi ay ang biglaan kong pag amin sa kanya nung nalulunod sya.

Bakit sa lahat kasi ng pwede kong sabihin ay yun pa. Yan tuloy.

Ugh. Ramdam kong uminit na naman ang pisngi ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Kahit anong gawin kong pag iwas na isipin ay nakikilig pa rin ako hanggang ngayon. Lalo na pag sumasagi ulit sa isip ko ang mga linyahan nia kagabi.

Mahal nia pa rin talaga ako. Hindi ko inexpect. Kahit na minsan nang nabura siya sa isip ko ay hindi nawala ang nararamdaman nia sakin.

Pero, teka-- ibig sabihin..

KAMI NA? O dala lang yun ng kalasingan nia. Pero mukhang hindi eh. Naalala ko ang sabi nia sakin.

'I still love you, Earl. Remember that. And I'm waiting for you to comeback.'

"Ahhyiee!" impit na sigaw ko habang pagulong gulong sa kama.

Parang ayoko nang lumabas ng kwarto ah. Parang wala akong mukha na maipapakita sa kanya. Nahihiya ako.

Pero asan kaya siya? I wonder if he's thinking about what happened last night too. Nakikilig din kaya siya ngayon tulad ko? Ano na kayang ginagawa nia ngayon?

(Author: Puntahan mo na lang kaya sa kwarto nia.)

Wag. Ayoko.

Pero kahit na ganun ay pinilit ko pa ring lumabas at mag astang parang walang nangyari. Ayoko namang magpakagutom dahil lang dun. Iba pag ako nagutom. Baka si Jacob pa makain ko.

Haha. Biro lang.

...

Teka, kanina pa ako rito sa sala na nanonood ng t.v. Tapos na rin akong kumain at magbawas. Bakit parang hindi pa rin siya bumababa mula sa kwarto nia?

Ayaw ba nia ako makita? Haha. O nahihiya rin syang paris ko? Hindi ba siya nagugutom?

Kung sasabihin niong nag aalala ako. Oo. Ano na kayang nangyare don?

Hindi ko natiis kaya napilitan akong puntahan ang kwarto nia.

*knock~knock~knock*

Bakit walang sumasagot? Tulog pa ba siya? Hang over? Or what?

*gasp*

Baka kung ano nang nangyari sa kanya!

Sinubukan kong pihitin ang doorknob at nalaman kong hindi pala yun nakalock. Kaya agad ko nang binuksan at pumasok. Wala siyang nadatnan ko roon.

"Jacob?"

No response.

"Jacob?" ulit ko.

Wala talaga. Hinanap ko sa cr. Ngunit wala rin.

Asan kaya siya? Saan siya nagpunta?

Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? May halong kaba, lungkot, paghihinayang, at pagkamiss.

Gusto ko siyang makita. Ngayon.

Lumabas ba siya? Bakit di man lang siya nagpaalam?

Ugh. Nakakatampo.

...

Jacob's P.O.V

Maaga akong nagising kaninang umaga. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip ko na parang panaginip pa rin lahat ang nangyari kagabi. Hindi na rin  maalis sa labi ko ang ngiti. Ang saya saya ko.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon