CHAPTER 44 TRUTH

2.7K 107 8
                                    

Jacob's P.O.V.

Maaga akong umalis dahil pumunta ako sa isang shop. May binili lang ako roon na napaka special. Dahil napaka special rin ang pagbibigyan ko.

"Sir, uuwi na po ba tayo?" tanong sakin ng driver ko.

"Yes."

May namiss kasi ako. Baka hindi ko kayanin na hindi ko sya makita.

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si Nanay Luring sa may pinto na naglalabas ng basura.

"Oh, nandyan ka na pala."

"Opo, Nay. Asan si Earl?"

"Nasa loob. Kakatapos lang kumain. Sa tingin ko, naglilibot libot siya sa loob. Nabobored yata."

Napangiti ako.

"Hayaan mo sya, Nay."

"Naku, ikaw ah." makahulugang saad nia sakin.

"Wag kang mag alala, Nay. I'm not going hard on him this time."

"Aba dapat lang. Baka ako ang papalo sayo."

"Haha. Opo." natatawang saad ko. "Tulungan ko na kayo." pag aalok ko.

"Wag na. Pumasok ka na lang din sa loob." pagtatanggi nia.

"Sige n--" pagpipilit ko.

"Pasok." madiing pagpuputol nia sakin.

"Opo." pagsusuko ko bago tuluyang pumasok sa loob.

"Good."

Napatawa ako ng marahan. Si Nanay talaga.

Dumiretso ako sa kwarto nia pero walang Earl ang nadatnan ko. Saan naman yun nagsususuot?

Tiningnan ko sa cr pero wala rin siya doon.

Pagkalabas ko sa kwarto nia ay nagtungo muna ako sa kwarto ko para itago ang binili ko kanina.

Pero pagkadaan ko sa may kwarto kung saan naroon ang mga collections ko ay biglang bumukas ang pinto--

"Earl?" di makapaniwalang tanong ko.

Hindi siya umimik. Walang emosyon ang mukha niang nakatingin sakin.

Pero, bakit siya narito sa collection room--!

Shit!!!

"Ano to?" mahinahong tanong nia pero alam kong kinakabahan siya sa maaari kong sabihin.

Nanigas ako sa isang bagay na ipinakita nia sakin.

"Earl."

"Jacob," pagbanggit nia sa pangalan ko. "Sino ka ba talaga sa buhay ko?"

...
Earl's P.O.V

"Sino ka ba talaga sa buhay ko?"

Hindi agad siya nakasagot.

Flashback.

Dali dali kong binuklat ang sumunod na pahina at laking gulat ko sa aking nakita.

"Hindi."

B-bakit ganito?

B-bakit ako ang nasa litrato?

B-bakit..kasama ko si..s-si Jacob?

Ano ang ibig sabihin nito?

Mabilis kong binuklat ang iba pang pahina at ganun pa rin ang nakita ko. Litrato namin ni Jacob. At napakadikit namin sa isa't isa.

May magkahawak kamay pa. Napakasweet kung titignan.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon