CHAPTER 46 MOMENTS

2.2K 91 19
                                    


Earl's P.O.V

"Nay, may pipino po ba tayo?" tanong ko habang nagwawalis siya sa may sala. Nakaupo lang din ako sa may sofa dahil inagaw nia kanina mula sa akin ang walis na hawak ko, na ngayon ay ginagamit na nia. Sinubukan ko kasing magwalis kanina kaso may natabig akong isang vase na maliit at ayun, kasalukuyan na nia ngayong nilalagay sa basurahan.

Pero siyempre, bago yun, nakarinig muna ako ng mga sermon. Kaya sinusubukan kong ibahin ang usapan.

"Meron. Nasa ref." sabi nia na halatang mainit pa rin ang ulo, haha.

"Pahingi po ah." ngingiti ngiting sabi ko sa kanya dahilan para titigan nia ako ng masama.

"Please po, Nay?" pagmamakaawa ko habang may pabeautiful beautiful eyes pa.

"Sige na. Punta ka na don." pagtutulak nia sakin kaya napangiti ako.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko at napayakap sa kanya. "Sorry po sa nabasag." bulong ko rin dahilan para kurutin ako sa bewang ng pabiro.

"Aray!" pabiro rin na hiyaw ko sabay takbo sa kusina.

Binuksan ko ang ref at nakita kong puno nga ang loob nun ng iba't ibang prutas, gulay, chocolates, ice cream, tubig, itlog, dairies, gatas, softdrinks at beer. Wow! Sana  oil!

Hinalungkat ko ang lagayan ng mga prutas at nakakita nga ako ng pipino. Dalawang pipino. Kung sinuswerte ka nga naman.

Naghanap ako ng kutsilyo at hinugasan ang pipinong hawak ko.

"Oy, ako na diyan." rinig kong tinig mula sa likod ko.

Ano ba yan? Eto na naman po tayo.

"Ako na po. Kaya ko na po to. Parang dalawang pipino lang eh." mayabang na sagot ko.

"Wag na. Ako na." pagpipilit niang agawin ang kutsilyo sa akin pero agad ko ring nailayo.

"Hindi na po. Ako na. Wag po kayong makulit--aww!" sigaw ko nang aksidenteng mahiwa ko ang daliri ko.

Napansin kong dumaloy na rin ang dugo mula roon dahilan para magpanic na naman si Nanay.

And the war, begins.

"Dioskopo! Anong ginawa mo?!" nagpapanic na sigaw nia para mag alala na naman ako. Mag alala na baka atakihin sa puso si Nanay sa sobrang pag aalala. Na sana wag namang mangyari.

Hays, simpleng hiwa lang eh.

"Nay, ok lang ako, maliit na sugat lang to. Malayo sa bituk--ouch!" hiyaw ko dahil sa pagpalo nia sa akin sa braso. Haha. Akala mo naman naputol na ang daliri ko sa sobrang nerbiyos nia.

"Tumigil ka! Ikaw ang makulit. Sabi na kasing ako na eh." sabi niya habang pilit na hinihila ang kamay ko para sana gamutin.

"Ihhh.. sorry na po. Hindi ko na uuliti--"

"What's goin' on here?"

Napalingon kami ng sabay sa likuran namin at nakita namin si Jacob na halatang kagigising lang dahil sa itsura nia na pupungas pungas pa.

Shit! How come he always looked good even with his hair tousled, evening pajamas and still drowsy eyes?

"Ito kasing si Earl, sabi kong ako na ang magbabalat ng pipino, tigas naman ng ulo. Yan tuloy, nasugatan pa siya. Tignan mo oh, nahiwa tong daliri nia, d pa tumitigil ang pagdurugo."

Napaface palm nalang ako ng wala sa oras.

"WHAT?" bigla ay para siyang natauhan sa nasabing yun ni Nanay. Dali dali siyang lumapit sakin at 'inagaw' ang kamay ko mula sa pagkakahawak sakin ni 'Nay Luring.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon