(WARNING! SPG CONTENT! I'VE WARNED YOU! READ AT YOUR OWN RISK!)Stephen's P.O.V.
Hindi naging madali para sa akin ang naging bunga ng lahat ng pangyayari. Marami akong narealize. Marami akong natutunan. Marami akong napatunayan. Napatunayan na hindi lahat ng pagkakataon, naipaglalaban mo ang mahal mo..
..Dahil may mga taong hahadlang pa rin na siyang magiging punit o gusot sa pagsasamahan nio.
Pinakisamahan ko na lang si Keith nang malaman kong dinala nia ulit ako sa Pilipinas at itinago't ikinulong sa isang abandonadong bahay malayo sa syudad. Dahil nung sinubukan kong tumakas, bugbog lang ang inabot ko sa kanya na dahilan para hindi ako makababa sa kama ng ilang araw. Lagi akong lumalaban pero hindi pa rin yun sapat para makaiwas sa kanya.
Pagkatapos nun ay nagbago ang isip ko. Nagbago ako ng plano. Inisip kong wag na muna akong makipag away sa kanya. Susubukan kong sabayan lahat ng gusto nia. Gagawin ko ang lahat para makuha ang loob nia. Saka ako kikilos para makakuha ng tsansa na makatakas.
Sana lang hindi ako mabigo.
Sana lang.
Tanghali yun nang marinig kong may tumawag sa phone ni Keith. Nakaupo lang din ako sa sala habang nagbabasa ng libro. Pinapayagan na rin naman nia ako na lumabas ng kwarto, hindi tulad noon na kinukulong pa nia ako sa kwarto.
"Hello." sagot nia na lumabas muna sa may garden. Patago ko siyang sinundan at doon ko nalaman na si Lucas pala ang tumawag sa kanya. At ang pinaka nakagulat sakin ay ang nalaman ko na hindi na rin pala Lucas ang itinatawag nia kundi Jacob.
Anong ibig sabihin nun?
"Hahahahhahahahahha. Ok lang naman, eto, napapaamo ko na rin ata. Sinusunod na rin nia lahat ng mga gusto ko. Kumusta naman na ang alaga mo?...Si Vinc--ay este, si Earl pala. Mukhang kakatapos lang ng lovemaking nio ah. Hahahaha."
EARL? JACOB? Hindi to maganda.
Bago pa man nia ako makita rito sa kinatataguan ko ay mabilis na rin naman akong bumalik sa pwesto ko kanina at umarteng parang walang nangyari.
"Dito ka na muna. May kukunin lang ako sa kotse ko sa may garahe."
"Sige. Take your time." sagot ko naman.
Nakita kong wala sa sariling pinatong nia ang phone sa may ibabaw ng mesa katabi ng mga libro doon.
Isang ideyaang pumasok sa isip ko.
Hinintay ko siyang makaalis at siniguradong hindi pa siya bumabalik nang lapitan ko ang pwestong yun at agad na pinindot ang recent calls.
*riiinggg~riiinggg~riiinggg!*
Ayan, nagriring na. Nagmanman ulit ako sa paligid, baka anytime ay babalik na siya.
"Hell--!"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nia dahil na rin sa taranta ko at takot na baka mahuli ako ni Keith rito at kung ano na naman gawin sakin.
"Vince? Ikaw ba yan?" agad na tanong ko sa kabilang linya.
"Huh? Sino to? Hindi po ako si Vince. Wala po akong kilalang may pangalan nian. Tsaka wala rin pong nagngangalang Vince rito." mahinahong sagot nia na nagpakunot ng noo ko.
Hindi. Si Vince to.
"Vince, alam kong ikaw yan. Kilala ko ang boses mo. Ako si Stephen, hindi mo na ba ako naaalala?" halata na rin ata sa boses ko ang pagkataranta.
Hindi to pwedeng mangyari. Hindi!
"Ah..p-pasensya na po. Wrong call ka yata--"
"Teka, Vince! Makinig ka! Pakiusap! Kinidnap ka lang ni Lucas kaya ka nandiyan ngayon sa puder nia. Tinanggal nia ang mga alaala mo kaya hindi mo na kami maalala mula sa past mo. Maniwala ka, please. Ikaw si Vince, ang kaibigan ko. Nagsasabi ako ng totoo. Rapist yang si Lucas! Kaya mas mabuting umalis ka na ngayon sa kanya hangga't maaga pa--AHH!" biglang sigaw ko nang may humaplit na braso sa bewang ko at sinusubukang agawin ang telepono sakin.
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...