CHAPTER 52: SAVE

1.5K 68 5
                                    


Earl's P.O.V

Kanina pa umalis dito si Jacob sa kusina pero hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti ko. Hindi ko maiwasang mapangiti at hindi ko alam kung bakit.

Bumabalik na ba talaga ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi naman sya mahirap mahalin, diba? Siguro, dati pa, sa nakaraang buhay ko, mahal na mahal nia talaga ako at hindi kailanman ako sinaktan. Ramdam ko yun.

Aish! Ang init ng pisngi ko ngayon. Parang gusto ring sumabog ng puso ko dahil sa kaba at kilig kanina.

Lalo na at parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi nia kanina bago siya umalis.

'I still love you, Earl. Remember that. And I'm waiting for you to comeback'

Ayiee! Parang gustong gusto kong tumili ngayon dahil sa sobrang kilig pero ayokong ipahalata sa kanila. Baka kung ano pang isipin nila at mapagkamalan pa akong baliw.

"Hoy!--"

"AHHH!" hiyaw ko nang may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.

"Wow, kung makasigaw ka dyan, para kang nakakita ng multo ah."

"Bakit ka ba kasi bigla biglang nanghahawak ng balikat? " inis na sabi ko dahil halos lumuwa na ang puso ko sa nerbiyos. Muntikan na rin akong mahulog sa upuan ko.

"Aba! Eh kung makangiti ka kaya kanina, para kang baliw dito. Ano bang pinag usapan nio ni Jacob at sobra ka kung makangiti nung umalis sya?" tanong nia na ikinagulat ko.

Wait. Nakita ba nia akong ngumiti? Patay.

"A-ah. Wala. Bakit? Masama bang ngumiti?" pag iiwas ko ng tingin.

"Oo. Lalo na pag kausap mo si Jacob. Bihira lang kasi kitang makita na ngumiti pag kausap mo siya."

Chismosa rin to eh.

"Ano lang, uhm,..basta. Wag mo na nga lang akong pansinin. Ngumiti lang naman ako eh. Anong masama ron? Tsaka, bakit, kung ngumiti na ba ako, si Jacob na agad ang dahilan?"

Hindi sya agad nakasagot.

"Sabagay. Oo nga pala. Baka mawala kami ni Nanay Luring ng ilang araw. Luluwas kami papuntang bayan. Bibili ng ilang kakailanganin rito sa bahay. Nawalan na kasi tayo ng stocks."

"Ahh. Pwedeng sumama?"

"Naku, wag na. Baka kung saan ka pa mapunta. Lalo pa't di ka pa familiar dito at mawala ka pa."

"Grabe ka naman. Susundan ko naman kayo eh."

"Wag na. Mas safe ka rito."

"Sino namang kasama ko?"

"Si Jacob, malamang."

HUH? Dalawa lang kaming maiiwan rito?

"Sama nio na lang ako. Please."

"Kahit gustuhin man namin. Di ka rin naman papayagan ni Jacob."

"Ha? Bakit?"

"Ewan ko. Sya na lang tanungin mo. O, sya. Pabalik na rin ako kay Nay Luring. May pinakuha lang saking dustpan."

"O-ok."

Shit! Paano na? Anong gagawin ko pagkaalis nina Lyndsey? Baka atakihin ako sa puso nito.

Lalo na't nilamon na ako ng mga imaginations dahil sa kakabasa sa mga binigay sakin ni Lyndsey na mga yaoi mangas. Iba tuloy naiisip ko ngayon pag kami na lang ang narito.

~•~

"Mag iingat kayo sa byahe." sabi ko sabay kaway sa kanila nang papasok na sila sa kotse na magdadala sa kanila patungong tabing dagat. Kung saan naroon din naghihintay ang sasakyan nilang yate papunta sa syudad.

THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon