Earl's P.O.VIt's been a week pagkatapos ng pangyayaring yun na nagpagimbal sakin sa mismong anniversarry pa namin. Mabilis ding bumalik ang lakas nia at naging madali rin ang kanyang pagrecover o paggaling ng sugat nia matapos siyang barilin ng taong yun.
Isang malaking palaisipan para sakin ang lahat ng yun..na siyang si Jacob lang ang makakasagot.
Sino nga ba talaga yun? At anong kinalaman ng taong yun sa kanya? Bakit galit pa ata yung taong yun? Ano kayang dahilan?
"Love, I just want you to know na may pupuntahan akong importanteng appointment." saad nia nang matapos kaming kumain ng agahan isang araw na wala rin sina Nay Luring at Lindsey sa bahay.
Dalawang araw na kasi mula nang magpaalam rin sila sa amin dahil sinamahan ni Lindsey si Nay Luring na bisitahin ang pamilya nia sa Pilipinas. Hindi sumama si Jacob dahil may pupuntahan din pala siya. Kaya binigyan na lang niya siya ng kaunting halaga para may maibili siya ng iuuwi niya sa probinsya nila.
"Hmm..matatagalan ka ba?"
"Isang linggo siguro. Can you manage yourself even if I'm not here?" tanong nia kaya tumango lang ako.
"Oo naman. Wag kang mag alala. Kaya ko ang sarili ko rito." nakangiting paninigurado ko kahit na may konting kaba rin dahil isang linggo rin akong mag isa rito sa bahay.
"You sure?"
"Oo."
"Kasi, mamayang gabi na ang byahe ko." sabi nia na ikinabigla ko.
"Ano? Mamayang gabi na?" di makapaniwalang tanong ko na ikinangiti nia.
"I know, hindi ka pa ready na maiwan rito ng mag isa ng matagal. Kung gusto mo, ika-cancel ko na lang ang pupuntah--"
"No! No. Uhm, mas mabuti na rin para masanay rin ako kahit papano na mag isa kapag may mga biglaan kang pupuntahan tulad ng ganyan. Baka naman makaapekto pa kapag hindi ka nakapunta."
"Ok lang talaga sayo? Magpapadala ako ng guard if you want."
"No need. I know naman na secure ako rito kahit mag isa lang ako. Ok lang talaga. Promise."
"Sabi mo yan ah? Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka."
"Walang problema."
...
"You really ok here?" tanong nia nang maibaba na namin ang isang maleta nia. Feeling mo naman matagal siyang mawawala. Pero mga paper works lang pala laman tas konting mga damit nia
"Yes. Wag kang mag alala sakin." sabi ko na ikinangiti nia bago siya humalik sa labi ko.
"Bye, Love. Take care. Wag mong pabayaan ang sarili mo ah? Eat everything you want. Wag kang papagutom. Don't leave the house if it's not necessary or leaving the house open. Make sure the house is properly locked before you sleep. Just call me when something's wrong, okay?"
"Ok, love. Everythings noted." nakangiting sagot ko.
"Bye. I love you. I'll miss you."
"Ako rin. Mamimiss rin kita. I love you too." sagot ko naman na yumakap sa kanya.
Kumalas rin ako agad nang marinig kong dumating na ang sasakyan nia.
Kumaway ako bago siya pumasok sa kotse hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.
Hay. Namimiss ko na agad siya. Kung pwede lang habulin ang sinakyan nia para pabalikin siya, ginawa ko na. Pero baka napa importante lang talaga ng pupuntahan nia kaya wala din akong magagawa kundi ang hayaan siya. Baka ako pa makasira sa plano nia.
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...