Earl's P.O.VLumipas ang mga araw na parang walang nangyari. Jacob feels like each day was just a normal day for us. Parang walang isyu ang bumasag sa nananahimik naming relasyon.
Jacob always acting like he didn't care on what was happened. Habang ako ay hindi na rin minsan makatulog ng husto dahil sa pag-o-overthink na baka hindi lang yun ang pwedeng malaman ko, baka may sabit pa o di kaya naman, baka may iba pa siyang itinatago sa akin. Hindi kasi ako mapanatag sa mga salita lang nia. Lalo na at ang taong yun ay minsan na rin siyang pinahamak. Na baka may tsansang maulit pa yun at ang mas delikado, baka pati ang mga taong nasa malapit ni Jacob ay mapahamak o madadamay na rin. Na sa kadahilanang alam na rin nila dito sa isla at baka isang araw ay muli na namang bumalik ang Lynuss na yun at panganib na ang dala sa amin.
Hindi naman nia ako masisisi kung ganito na lang ako mag isip. Ayoko lang din kasing may masaktan ulit. At lalo na lang kay Jacob.
"Love, let's go out." pambabasag ni Jacob sa katahimikan habang nasa harapan kami ng lamesa na kasalukuyang kumakain ng agahan.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nia. "Why're you asking me to go out all of a sudden?"
"Napapansin ko kasi na these past days, bigla bigla ka na lang natatahimik. Kung hindi, napapatitig ka sa kawalan na parang may bumabagabag sa iyo. I know na you're still thinking about it. Alam ko na iyon pa rin ang gumugulo sa isipan mo kaya naisipan ko na yayain kang lumabas para kahit papano, ay makalimutan mo ang nangyari kahit ngayon lang." mahabang sagot nia.
Hindi ko namalayan na papasok na pala kami sa mall. Pumayag na lang ako, siguro nga masyado ko nang inisip ng sobra ang nangyaring yun. Na pati si Jacob ay nakahalata na rin. Sabagay, may punto naman siya, saglit na mawawala rin sa isip ko iyon kung kahit sa sandaling panahon ay makapagliwaliw rin. Lalo na kung kasama ko si Jacob.
"You liked the food?" tanong nia sakin nang makalahati na namin ang inorder niang mga putahe sa isa sa mga pinuntahan naming restaurant dito sa mall.
"Oo naman. Kung gusto mo, pag aaralan ko kung paano lutuin ang mga ito para sa susunod ay malutuan din kita at para na rin hindi na natin kailangang lumabas. Bonding na rin nating dalawa." nakangiting wika ko.
"I'm gonna wait for that."
"Thank you nga pala. I really enjoyed this day."
"You don't have to thank me, really. I'm happy doing this to you, and you deserve it, love." he said holding my hand gently. "At handa akong mas pasayahin ka pa lalo."
I'm very lucky to have him. Napakaswerte ko na aakalain mong siya na ang pinakaperpektong lalaki sa buhay ko. Wala na akong masabi. Sobra sobra na rin ata na alam kong hindi ko na kayang masuklian.
Hoping he'll not change.
Hope wala nang magiging problema.
...
"Where do you want to go next?" tanong nia pagkalabas namin sa sinehan.
"Gusto kong pumunta sa parke." sagot ko habang may papunas punas pa ng mata. Nakakaiyak kasi ng pinanood namin kanina. Hindi ako makamove-on dahil sa naging ending. Yung sa tingin mo, perpekto na ang relasyong meron sila, yung aakalin mong wala nang magiging problema, yun pala hindi rin sila tatagal sa huli. Yung kahit anong gawin mo para maging maganda ang relasyon na meron kayo kung ang tadhana talaga ang sisira, wala din.
Anyways, we dropped by his car sa isang malapit na amusement park. And pagkarating na pagkarating palang namin ay hindi ko na napigilan ang mapangiti.
"Anong nagtulak sayo na pumunta rito?" he asked me out of nowhere nang makaupo kami sa isang bench don.
"Minsan, naisip kong gusto kong bumalik sa pagkabata. Alam mo yun, yung gusto kong maranasan ulit yung mga panahong wala pa akong alam sa mundo. Gusto kong balikan yung mga panahong nabura sa isipan ko." sagot ko na ikinatigil nia.
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
De Todo[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...