Labing-lima. Exercise

783 36 11
                                    

Labing-lima. Exercise





Nagising na lang akong may tumatapik sa braso ko. "Ano ba!" Galit kong hiyaw. Kanina ko pa nararamdaman yun pero di ko pinapansin. Kita ng natutulog yung tao, pakabastos. Sino bang hinayupak yun. Hindi ba nila alam na puyat ako? Oo, puta. Puyat ako. Pinuyat ako ng gago kong asa—napadilat ako ng mga mata.


Asawa. Yuuuuck.


"Luu, gumising ka na. Ano ka ba!"


Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Vina na nagsasalansanan ng mga gamit. May luggage sa carpeted na sahig at basta niya na lang binabato yung mga damit don. Take note, mga damit ko!


"Nasa time warp ba ako?" Wala sa loob na napalingon ako sa paligid ko. Nandito si Vina, check. Pero mali yung surroundings, mali. At napatingin ako sa kamay ko. May singsing pa din ako! Napasigaw na wala sa loob ko. "At ano ang ginagawa mo dito, aber?"


Nahihilo ako sa pabalik-balik niya. Hayup, anong nangyayari? Bakit umiikot yung paligid ko? Para akong masusuka. Bakit medyo hilo ako?

Di naman ako nalasing kagabi a. Tandang tanda ko pa yung mga pinaggagawa namin ni Teody at—putangina. Oo nga. Yung ginawa namin kagabi ni Teody.

Yung mga kahayupang ginawa sakin ng impaktong lalaki na yun. At nasan siya, aber? Kulang na lang mag-acrobat kami kagabi. Kung ano-anong posisyon at—


Tangina, Luu.


"Okay ka lang ba, Luu?" Tumigil si Vina at nagulat siguro sa pagtahimik ko.

"Punyeta, mukha ba akong okay? Pagkatapos akong ipilit ipakasal sa impaktong kapatid ng bahag ang buntot na asawa ng kapatid mo."

"Wow, tinanong ko lang kung okay ang dami ng sinabi. Pwede namang I'm fine, thank you lang."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong sinabi. Concerned citizen lang."

Umirap ako dito. Ayoko ng patulan pa si Vina at wala ako sa mood.

"Baka naman gusto mo na pong bumangon, mahal na prinsesa?" Si Vina na parit parito sa damitan at sa luggage. Napakunot-noo ako.

Napasilip ako sa kumot. Shit. T-shirt lang ng impakto ang suot ko at wala ng iba. Gusto kong iumpog yung ulo ko sa pader. Oo nga pala, parang natulog lang kami saglit ng madaling araw tapos ginising niya ulit ako kaninang paumaga na. Itinaas ko yung mukha ko sa kisame at nagisip. Kung madaling araw kami tumigil at ginising niya ulit ako ng paumaga na... so ilang oras ang pagitan ng madaling araw sa paumaga na?

Kingina, no wonder parang nahihilo ako paggising ko.

Nag-inat ako ng katawan ng napasigaw ako. "Ano yun, ate?"

Pucha, ang sakit ng balakang ko at saka mga hita ko. "Ah, ah, ah...." Bumuka yung bibig ko. Para akong binugbog.

"Anong nangyari sayo?" Hahawakan sana ni Vina yung kumot at titignan ang katawan ko ng mabilis kong tinampal yung kamay niya. "OA mo ha! Makareact kala mo mamamatay nako?"


"Ikaw nga ang OA makaungol kaya."


Tinitigan niya ako at naningkit ang mga mata.


"Ano ba kasi pinaggagawa mo kagabi at masakit yang katawa mo? Ha?" Tanong nito. At tinaasan ako ng kilay.


"Nag-ano... nag..." Napalunok ako. "Teka nga, bakit ba ang dami mong tanong? Saka anong ginagawa mo dito? At bakit mo nililigpit yang mga damit ko, ha?"


"Baka pinapalayas ka na?"


"Tado. Buti sana kung ganon."

Pinilit kong umupo at dumulas yung kumot.


That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon