Pang-anim. Leksyon

2.8K 124 9
                                    

Pang-anim. Leksyon

Nung naghiwalay yung mga magulang ko naging self-destructive ako. Yung tipong normal na produkto ng broken family. Yung pagaabroad pa lang nila noon mahirap na, e ano pa kaya yung malaman-laman mong hiwalay pa diba? Ang masakit lang... para iyong vase, matagal na palang may lamat, linis pa ako ng linis pero hindi ko naman napapansin. Hanggang sa mag-crack iyon, humingi lang ng oras, at tuluyang bumigay. It was like that.

Nung una inisip ko kung sino ba talaga ang may problema? Kami ba? Ako ba?

Ang immature lang pero naiisip ko non, ayaw na ba samin nila mommy at daddy? Ako yung panganay pero hindi ko alam kung saan pupulutin yung pirapirasong bubog na nalaglag. Hindi ko alam kung saan magsisimula... kasi nabubog na ko. At katulad ng mga lintek na produkto ng broken family, ginagawa ko lahat para mag-self-destruct. Simpleng papansin ba.

Because at that time I was sure I wanted to die. Slowly and painfully. Gusto ko silang saktan. Gusto ko silang murahin. E nakakaputang-ina lang kasi wala naman akong alam na paraan para iparamdam sa kanila yung galit ko. Yung lahat ng sama ng loob ko. Nandun sila. Nandito ako. I hurt them by hurting myself. Di ko napansin ginagawa ko na pala lahat ng ikakasira ko. Nanigarilyo ako. Nagtry akong mag-marijuana nung fourth year highschool. Kung hindi pa ako nahulihan ni tita Ara noon.

But the thing is, I never let my sisters see what I do or did. I never let them on. Dahil tama na ang isa sa amin. Tama ng akala nilang malakas ako. Tama ng sakin sila kumukuha ng lakas kahit si Vina naman talaga ang pinakamatatag samin.

Hindi ako umiiyak. Never akong umiyak sa harap nila.

They thought that was strength. Pero hindi totoo yun. Kasi... mas natatakot akong umiyak. Gusto kong ako ang maging knight-in-shining armor ni Vina at Minda. Ayoko ng maniwala sila sa Disney. Sa happily ever after. Gusto kong maniwala sila sakin.

Galit na tinitigan ko lang si Teody habang may kausap siya sa phone. Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Ted. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at napakamot ng ulo. "Duwag."

Galit na hinila ko si Minda sa braso. "Halika nga dito. Anong ibig sabihin nito?"

Napakagat-labi si Minda. "Ateee..."

"Ano?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nung bata pa si Minda, naalala ko pang sakin siya tumatakbo kapag may nang-bubully sa kanya. She always looked up to me whenever there was problem. Pero ngayon... siya na yung gumagawa ng problema. Napailing ako sa frustration. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo ha?"

"Ate naman." Humarap siya ng maigi sakin. Halos nagmamakaawa na yung mga mata niya. Humawak siya sa tiyan niya. "G-Gusto kong magkaroon ng buong pamilya. Para sa baby ko."

Napaikot yung mga mata ko. "Yan na nga ba sinasabi ko e. Magpapakasal ka lang sa kanya kasi gusto mong magkaroon ng buong pamilya. Tanga ka ba?"

Nakita kong maiiyak na naman siya. Napatampal ako sa noo. "Hindi ka ba talaga nagiisip ha? Pinagaral pa kita di mo naman pala gagamitin yan!" Napapasigaw na ako. Napapaatras naman si Minda.

"Ate..." Lumapit na si Ted at hinimas yung likod ni Minda. Sa totoo lang parang may hinihintay lang ako kay Ted. Something na masasabi kong he's really worth it. Pero hanggang ngayon pakiwari ko hindi pa rin siya deserve para kay Minda. Lumingon ako sa kanya. "Ano? Anong sasabihin mo para kay Minda?"

Nakita kong pilit kinakalma ni Ted yung sarili niya. Hinila niya si Minda papunta sa likod niya. Napataas yung kilay ko doon. "Ate, ayoko po kitang bastusin dahil nakakatandang kapatid ka ng pakakasalan ko."

"Nabuntis mo, ang sabihin mo." Humalukipkip ako. "Ayoko lang makapag-asawa ng aso ang kapatid ko." Napangisi ako.

"Ate—" Saway ni Minda. Pero nakita kong hinawakan ulit ni Ted yung braso niya. Lalo lang tumataas yung kilay ko. Wtf, ano to? Drama? At ano ko? Kontrabida na naman? Ganon? Umiling ako.

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon