Pang-siyam. Trabaho

2.6K 133 24
                                    

My kwento:

Sorry talaga! Super late ud. I'm busy with life and work. Chos. No, I've lost two of my loved ones in a span of two months. Ayun... anyhow, dun tayo sa happy thoughts :) Kaya rin siguro ako tinamad magsulat. Then I've been so hung up on It started with a Kiss saka They Kiss Again. Lalo na yung TKA. Gravity! I've watched Playful Kiss before. Korean version. Pero shet, ayokong panoorin yung taiwanese kasi naiinis ako dun sa babaeng bida haha. But then, I was down and depressed gusto ko ng uber comedy ayun... grabe talaga. Hingang malalim. Yung tipong natapos ko yung TKA ng three days, pumapasok akong bangag sa office kasi minamarathon ko hanggang madaling araw. Every drama I watched suddenly paled in comparison. Ang ganda. Highly commendable, I mean para sakin. Kung gusto niyong gumulong katatawa saka kumilig. There's that tingly all over feeling. At take note, inulit ko pa siya three times now. Kaso... nawawala yung copy ko ng Time Machine. Shet.

Thank you guys! I've read your comments. Energy booster. :)



*****

Pang-siyam. Trabaho



"Wala kang trabaho ngayon diba?"

Nanlalaki yung mga mata kong tinitigan si Teody. Naglag yung utak ko tapos nanlaki yung mga mata ko. "A-Anong wa—"

"Your boss fired you before the wedding. So I'm gonna give a job."



Bumuka yung bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan ang tarantado. Aba. Umiling ako. Seriously? "Ano ka stalker?!" Hiyaw ko sa kanya. Teody just shrugged his shoulders. "Ano ka artista? Why would I stalk you?" Iritableng hinilot nito ang sintido. Naghalukipkip ako. Pag-uwi ko kanina ng bahay ni wala na akong mga gamit doon. Nakatingin lang sa akin si Vina na kala mo naawa sakin. Wow ha. If I know... tuwang tuwa pa silang wala ako! Bwisit na buhay to.



"Magpapa-annul tayo!" Hiyaw ko kay Teody. Tumaas lalo ang isa niyang kilay kulang na lang sabihing ows?



"Teody hindi ito pwede. Hindi mo ko pwedeng maging asawa. As in... hindi... hindi..." Napatayo ako at mabilis na naglakad. Pucha. Napasabunot ako sa buhok ko at nagisip ng magandang dahilan. "Hindi ako pwede Teody. Hindi ikaw ang kailangan ko..." Mahina kong sabi at bumulong.





Nakita ko ang unti-unting pagbabago ang expression nito.





Tumalikod ako at napangiti. Yes! Shet. Shet. Shet.





"K-Kaya... Hindi ko maibibigay ang pangangailangan mo bilang... ahm..." Lunok. Onting hikbi. "lalaki." Napapikit ako at pinipigil tumawa. Diyosko Luu! Winner! Pang-famas!







Humarap ako. "Ay pusa ng ina mo!" Sigaw ko at napaatras para lang tumama yung likod ko sa cabinet sa likuran. "Awww." Ungol ko sabay himas sa likod ko. Nanlalaki yung mga mata ko habang palapit ng palapit si Teody. Hindi siya nakangiti ngayon. Oh well, kelan ba ngumiti ang herodes na—ahm... ngumingiti na pala siya ngayon. Na ayoko! Ayokong ayokong ayokong ayoko ng ngiti niyang ito ngayon! "Dammit, Teody." Bulong ko sa kanya. Kasi hindi ko gusto yung ngiti niya!



Nakatagilid yung isa niyang labi. Yung tipong... pucha, hindi gagawa ng mabuti? Napalunok ako at tinaas ko yung noo ko. "Ano?" Ingos ko sa kanya habang himas pa rin ang likod ko. Tumigil si Teody sa tapat ko ng halos amoy ko na yung hininga niya. The tips of his house slippers touched the tip of my toes. At sa tangkad niya nakatingala na ako.



At si Teody? Unti-unting bumaba ang ulo niya para magtapat ang mga mukha namin. Siguro kung pwede lang na pumasok yung likod ko sa cabinet baka nagawa ko na. Kahit pa masakit yung likod ko sa sobrang lapit ni Teody. Napalunok ako, bumuka yung bibig ko at tinikom ko ulit yun. "Ahm, so... magpapa... magpapa-annul ba tayo? Separation o..."



That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon