Pangalawa. Dismayado

3.3K 143 24
                                    

Pangalawa. Dismayado

"Anong balak mo ngayon sa kapatid ko?" Walang paliguy-ligoy na tanong ko. Sa totoo lang, had it been any other time and situation I might be intimidated. Pwede ka na kasing magpagulong-gulong sa salas nila. Nakaupo kami ngayon sa ginintuang sofa nila. Take note, ginintuan. Si King Hudas—este Midas nakatayo sa gitna. Of course, pag-aari niya yung mansion e. May magagawa ba ko?

Nakaupo si Ted. Oo, Si Ted katabi ni Minda. Katabi ko naman si Vina. We were sitting across from them.

Nakita ko yung pagaalinlangan sa mukha niya. "Ano?" Galit kong sigaw sa kanya. He just looked at me.

"Hindi ako papayag na pakasalan ni Ted yang kapatid mo without proof that the baby is his." Marahan ngunit naiinip na sabi ng lalaking nakatayo sa gitna ng living room.

Tinitigan kong maigi ang reaction ni Ted sa balita ng kapatid niya. "T-Tama si Kuya Teody."

"E tarantado pala tong lalaking to e!" Sigaw ko at akmang susugurin ito. Naghiyawan sila Vina at Minda. "Luu!" Sigaw ni tita Ara na nakapagpatigil sa akin. Tahimik lang kasi siya kanina pa. Kilala ko si tita, sa mga ganitong problema hinahayaan niya lang akong sumweto sa mga kapatid ko. That was what I love about her. Paghindi na kinakaya ng powers ko, alam niya kung kelan ako sasaluhin. Nakatingin lang sa akin si Ted pero gigil na gigil na talaga akong hampasin siya ng body bag ko. "A-Ate..." Naiiyak na hatak sa akin ni Minda. Pasalamat siya at buntis siya kundi tinulak ko na din siya.

"Ate, e bakit ba kay Ted ka nagalit e si kuya Teody naman yung nagsuggest sa DNA?" Naiiyak na tanong ni Minda.

"Siya ang nakabuntis sayo diba? Bakit di ka ba sigurado na sayo ang bata at pumapayag ka sa DNA test na yan? Kuya mo, maiintindihan ko pa. Wala siya don nung ginagawa niyo yun. Pero ikaw! Ni hindi mo man lang mapagtanggol yung kapatid ko?!"

Nilingon ko naman yung kapatid ko. "Iyan ba yung gusto mong managot sa magiging anak mo Minda? Walang backbone puro balls?" Lumalabas na yung litid ko sa pagsigaw.

"Ate... baka ma-highblood ka." Awat ni Vina.

"Hindi naman sa ganon Ate..." Biglang nagsalita si Ted. Nanlisik yung mga mata ko. Nakita ko siyang napaatras sa upuan niya. Duwag!

"Wag mo kong ma-ate ate! Baka magdilim ang paningin ko at ikaw ang mapagdiskitahan ko."

Nakita kong naglakad yung kapre sa may pintuan. "Out."

Natigilan kaming lahat. "I want you all to leave. Pasensya na po kayo Ma'am sa sasabihin ko." Hinging paumanhin nito kay tita. "Ikaw Ted, mambubuntis ka na na nga lang ng babae ugaling squatters pa yung pamilya!"

Abat. Hindi makapaniwalang tingin ko sa kapatid ni Ted. Makapagsalita kala mo wala kami dito. Lumingon ako kay Ted at bumalik sa kuya nitong kasimbaho ng ugali ang pangalan—Teody.

"Excuse me? Hindi ako squatters! Kung sakin lang ayokong panagutan ng kapatid mong bahag ang buntot ang kapatid ko! Dahil kung iyan lang din naman ang magiging tatay ng pamangkin ko, wag na lang oy. At kung katulad mo lang din naman ang magiging tito ng pamangkin ko, no way!"

Tinitigan niya ako ng masama. "E kung ganon naman pala at wala kang balak ipapanagot sa kapatid ko yang kapatid mo, e bakit pa kayo nandito? Hinahabol niyo ang kapatid ko? If I know you're all social climbers."

Nanlaki yung mga mata ko at saka tumawa ng malakas. "Wow. Ano yang kapatid mo artista? E muka ngang tuod. Bat di mo bilan yan ng leash, tuta mo e."

I saw him gritted his teeth. "You're way over the line."

"Gusto ko lang ipamukha diyan sa nakabuntis sa kapatid ko na gago siya." At bumaling ako kay Ted. "Narinig mo?" Napatungo ito. "A-Ate Luu—"

"A-Ate walang kasalanan si Ted."

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon