Labing-dalawa. Ang pagdating
Hindi ko alam kung san ko kukunin ang lakas ng loob na gawin lahat ng mga banta ko. Una, pader ang babanggain ko kahit maso ang gamitin ko Diyos ko baka ten years pa bago ko matapos matibag yun. Aminin ko man o hindi, si Teody ay isang mataas at matibay na pader. Pangalawa, they won't give me the child, kahit pagbalibaligtarin ko man ang batas walang mangyayari. Ano? Ipapakulong ko ang kapatid ko at ang hinayupak niyang asawa? Pangatlo, di nga ba't humina si Samson dahil kay Delilah?
"I'll tell you, what you're thinking won't work."
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nagda-drive sa tabi ko. "Ano ka? Mind reader? Tingin mo..." Humina ang boses ko at tumingin sa labas.
His eyebrow shot upward in that sardonic way of his. Demonyo talaga ang gago.
"San ako makakakuha ng gun for hire?"
He shrugged his shoulders. "Bat mo tatanungin ang taong ipapapatay mo?"
Napangisi ako sabay nanggigigil na kinurot ang pisngi niya. "Ang bright bright mo talaga. Pogi pa. Bat di ka pa kunin ni Lord?"
Umingos siya at inis na tinanggal ang mga daliri ko sa pisngi niya. "You better behave yourself. And please... stop your schemes for a few days. Uuwi si Mamita."
Natigilan ako. "O... ano na naman?" Ano namang kinalaman sakin ng pag-uwi ng kung sinumang mamita nila?
He started laughing. "You don't wanna know."
"Ano ba kasi yun? Ano naman kung uuwi si Mamita niyo aber? Di naman niya alam na nagpakasal na kayo diba?"
"Tayo Luu, tayo." At ngumisi siya ng pagkalapad-lapad. At hindi ko gusto ang ngiting iyon. Nagbabadya ng hindi magandang pangitain. Shit.
***
Sorry guys! Sabaw lang. But from now on I'll try to update every now and then. Yiipie, hay... magsusulat na po ulit ako. Sorry and thank you! Alam niyo na yun. :)
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...