Labing tatlo. —Ina Teody
"Bobo na tong hayop na to."
Napalingon ako sa dalawang batang nag-aaway. Tumaas 'yung kilay ko. Bobo na hayop pa? E, ano na lang? Ano pa bang mas lalalang specie dun?
"Yung totoo? Ano ng natira sa utak ng kasama mo?" Napalingon sakin yung dalawang batang nagbabatukan habang sarap na sarap ako sa isaw na kinakain ko. Napanganga sila sakin.
"Eto kasi, napaka-tanga." Pektus ng isa.
"Huy, huy, tumigil nga kayo!" Bugaw ni Vina dun sa dalawang batang babaeng halos nagmumurahan sa isawan. Inirapan naman si Vina nung isang bata. Elementary palang kung makairap wagas. Imbes na mairita natawa na lang ako. Naha-highblood na kasi si Vina sa tabi ko. Nanlaki yung mga mata ng kapatid ko. "Aba't—"
"Oh, oh, oh..." Inawat ko siko niya. "Umayos ka, magkaka-pamangkin ka na."
"Kaimbyerna mga bata ngayon. Kung ano-ano lumalabas sa bibig."
Umingos ako. Nagsalita ang magaling. Lumakad kami pabalik ng bahay habang nasasarapan ako sa pagnguya ko. "Paglabas ng anak ni Minda, tuturuan ko kagad yun ng English." Ngising sabi ni Vina.
"Siraulo ka talaga no."
"Aray naman Luu!" Vina hissed. E, bakit ba. Iritableng tinitigan ko siya. "Anong tuturuan ng English? Ano ka, social climber?"
"Wow. Tinuruan lang ng English social climber agad? Hindi ba pwedeng sosyal muna?"
"Tigilan mo nga ako. Ano? Igagaya mo pa dun sa magkapatid na giraffe?" Inis kong sabi habang papalakad sa loob ng bahay namin. Tumaas ang kilay ni Vina sakin. "Bakit giraffe?"
Kandahaba-haba ng leeg sa taas ng mga ere.
Inirapan ko siya at dirediretso sana sa gate namin nung biglang bumukas yung pinto. Tumambad si tita Ara. Syempre, naka-micro mini at sleeveless shirt ulit. Alam naman yang si tita mas magkakapulmonya kapag balot ang suot.
"O, tita? Anong meron?" takang tanong ni Vina sa pagmamadali nitong pagbukas na akala mo may humahabol.
"Ano e..." Mabilis niyang sinara yung pinto. "Ahm, m-mabuti pa kaya... mabuti pa kaya Luu mag-sleep over ka muna sa bahay ng friends mo?" Tanong ni tita Ara sabay pilit na ngumiti.
Ano daw? Naguguluhang tinitigan ko lang ang tyahin ko. Sabi ko na nga ba e, ako lang ang matino sa pamilyang to. Umiling ako at mabilis na humakbang papasok ng hinarang niya yung katawan niya. "Ano ba tita Ara?" Naguguluhang tinitigan ko ulit siya. She smiled sweetly. Hmmm... iba ang nararamdaman ko. May masamang ispiritu akong naba-vibes.
"Tita, walang friends si Luu. San mo yan papatulugin? Sa kalsada?"
Marahan akong lumingon kay Vina. Mabilis siyang umiling.
Hindi na ako nakatiis at hinawi ang braso ni tita Ara. "Pwede ba." Inis na sabi ko dito. Hindi ako tanga, nakita ko ang pag-sign language niya kay Vina. "A, ano!" Napatalon bigla si Vina at hinawakan yung kamay ko. "Punta tayo kay ano, yung bestfriend mo, si ate ano!"
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanilang dalawa at matuling binuksan yung pinto. Narinig ko ang impit na ungol ni tita Ara. "Luu! Si ano, si-si Teody. Nasa loob! Galit na galit sayo."
Nasa pagitan ako ng pintuan ng narinig ko ang bulong na iyon ni tita Ara. Tumaas ang kilay ko at dahan-dahang lumingon sa kanilang dalawa. Umatras si Vina at kumapit kay tita Ara.
"And so?" Tinitigan ko sila ng matagal na para bang sinasabing ako? Ako pa ba?
"Wala talagang takot yang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...