Pang-apat. Linta
Pagkagaling ko sa office dumiretso na agad ako sa clinic ni Lana. "E kasi ikaw hindi mo ma-let go yang mga kapatid mo. Kung nagaasawa ka na ba e di hindi puro sila yung inaatupag mo."
"Oh? Eh pano magaasawa yan e wala namang basbas ng simbahan ang same sex marriage dito sa pilipinas?"
Bilang lingon kami sa epal na bagong dating. Tumabi ito kay Lana at humalik sa pisngi.
"Alam mo ikaw kapag namatay ka ipagtitirik kita ng kandila tarantado ka."
"Grabe ka naman." Napanguso ito at kunwaring nagsusumbong kay Lana. "Babes o, bestfriend mo. Parang gusto mo naman akong mamatay agad?" Baling sakin ni Tofer. Actually, five years na sila. Ang tibay. Walang sawa.
"Parang ganon na nga." Nginuya ko yung seedless na ubas e sa favorite ko to bakit ba.
Tumawa ng malakas si Lana. Nakita ko naman yung pagsimangot ni Tofer. "Babes, wag mong sabihing invited yan sa kasal natin?"
"Wow. Bakit sino bang may sabi sayong pakakasalan ka ni Lana? Assumero to. Pasalamat ka mayaman ka. Kala mo gwapo muka namang kwago."
Halos gumulong na sa couch si Lana katatawa. Iritable namang sinamaan ako ng tingin ni Tofer. Nilagyan niya na ng close sign sa labas yung clinic ni Lana. Dentist kasi si Lana. Minsang nagpabunot ito dito syempre dahil maganda ang bestfriend ko na-mesmerized ito... and the rest was history.
"Babes, kung hindi lang kita mahal malamang matagal na kong nakipagbreak sayo. Di ko kasi talaga matatagalan yang ugali ng bestfriend mo."
Ngumiti si Lana.
"Para namang may choice ka." Bulong ko. "Wala ka pa, bestfriend na ako ni Lana. Tandaan mo yan." Pagbabanta ko sa kanya. Ngumisi lang si Tofer. Nagpaalam lang itong may itetake na call. "Yung pinsan ko kasi e, namomroblema dun sa kapatid niya."
"Oh?"
"Nakabuntis."
"Ahhh. Tanga din." Sabi ko.
"Siya nga pala magkita na lang tayo mamaya ha. It's a dinner date." Sabi ni Lana nung nakaalis na si Tofer.
Natigilan ako bago ako umuwi. May mini reunion daw kaming magkakaibigan. Si Leslie na bestfriend slash pinsan ni Lana, na mortal kong kaaway at the same time kaibigan sa inuman, at ako. At syempre yung mga boyfriends nila. Hay buhay. "Kelangan ba talagang nandon ako?"
"Hello? Baka kadarating lang ni Leslie galing Seattle."
"So?"
Ngumisi bigla si Lana. "Miss ka na non."
"Miss? Baka nakakalimutan mo. Si Leslie ang nagpakalat ng mga storya kung bakit binansagan akong tomboy sa univ." Tinaasan ko siya ng kilay. "E friend naman kasi, hindi ka nga mukang tomboy. Pero modern age na tayo kung saan si Mocha na artista e, babaeng-babae pero mas gusto ang kapwa babae. Love your own?"
Bumuntung-hininga lang ako. "At baka nakakalimutan mo... Yung gago kong ex, niligawan niya ako dahil sa udyok ni Leslie."
"Which is girlfriend din niya nong time na yon? Tama ba?" Tanong ni Lana.
Tumango naman ako. "At ang habol niya lang ay ang V-card ko. Kundi ba naman tarantado. Anong akala niya sa akin uto-uto? Patunayan-patunayan kagaguhan."
Ngumisi lang si Lana sa akin. "Ang angas mo kasi Luu. Bawas-bawasan mo yan para magkaboyfriend ka ulit."
I shrugged my shoulders. "Wala na akong balak magkaboyfriend. Wala akong balak mag-asawa. Masaya na ko sa buhay ko ngayon. Walang hassle. Walang trouble. At walang..."
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...