Una. Disgrasyada

4.4K 157 21
                                    

Una. Disgrasyada


"E tarantado naman pala yung lalaking yun e!" Hiyaw ko. Nakita ko yung takot sa mukha ni Vina at Minda. Naiiyak na napakapit si Minda sa kakambal.

Gigil na gigil na tumingin ako sa mga kapatid ko. Napaatras sa takot si Minda. Aba, dapat lang. Sino ba namang hindi magwawala sa galit? "Ingat na ingat ako sa inyong dalawa." Disappointed na bulong ko sa kanila. Halos ako na yung tumayong nanay at tatay nila. Tapos... tapos...

"Samahan mo ko Vina!" Sigaw ko.

"Ate!" Naiiyak na tumayo si Minda at hahawakan sana yung braso ko nung tinitigan ko siya. Umatras ulit siya. "Ate naman."

"Wag mo kong maate-ate, abnormal ka." Nanggalaiti kong sabi sa kanya. Ate, tama. They only call me ate when something was serious. Something was this serious. Ako ang panganay at apat na taon lang naman ang tanda ko sa kanila. Pero palibhasa nasa ibang bansa ang parents namin kaya ako pa rin ang tumatayong nanay at tatay.

"Walang kasalanan si Teddy dito ate."

"Ah, so Teddy pala ang pangalan ng hudas na yon?"

Napalakas yung iyak niya.

"Diyan ka lang sa kwarto mo."

"P-Pero ate... anong gagawin mo?"

Unti-unti akong lumingon kay Minda... at ngumisi.

"Papatay ng tao. Sasama ka?"

Napaiyak lalo si Minda. "A-Ate Luu naman e."

"Vina! Dalin mo yung susi. Ikaw, dito ka lang." Hahakbang pa lang sana si Minda sa amin ng kinuha ko yung susi kay Vina. Hinila siya palabas at ni-lock ang pintuan mula sa labas. Napasinghap si Vina sa ginawa ko. "Luu! S-Si Minda?"

"A-Ate! Ate! Ate! Buksan mo na to o. Sorry na!" Umiiyak sa kabilang kwarto na hiyaw ni Minda. Naawa man ako sa kanya pero mas nangingibabaw yung galit. Sobra-sobrang galit. Naninikip yung dibdib ko. I hated this feeling. Ang bobo kasi, bakit yung sorry ba niya maibabalik niya yung ginawa niya?

Helpless na tumingin sa akin si Vina. Kambal na kambal talaga si Minda. Boses, mukha, katawan. Mas hamak lang na maputi si Vina kesa sa kambal. Naiiyak na tumingin siya sa ni-lock kong pintuan. Itinaas ko yung susi. "Ano? Sasama ka ba? O kakaladkarin kita papunta sa letseng lalaking yon?"

"Ate hindi naman sinasadya ni Minda e."

Halos mabali yung ulo ko sa biglang paglingon. Napaatras si Vina. "Hindi sinasadya? Wow ha. Ano yun? Nadulas lang yung ti— niya sa pu— ni Minda? Ng hindi sinasadya?!" Hiyaw ko.

Tinampal bigla ni Vina yung kamay niya sa bibig ko. "Luu naman. Baka marinig ka ni tita!" Namimilipit yung mga daliri niya sa damit. I knew that gesture so much. Ano pa't buong buhay ko silang nakasama kung hindi ko alam kung kelan agitated ang mga kapatid ko.

"O Luu! Aga-aga mura ang breakfast mo." Nagaalalang napalingon si Vina sa akin. Dumating si Tita Araceli at nilapag yung mga abubot na pinamili niya. Nakita kong naka-maikling shorts si tita at sleeveless shirt. Sa totoo lang hindi ko alam kung nagmumurang kamias si tita e. Alam niya namang kwarenta y syete na siya pero makaasta kala mo disiotso. Now, I wouldn't wonder why Vina and Minda was like that.

Pinanlalakihan ko ng mga mata si Vina. So, tita Araceli still didn't know huh? Hindi na kasi ako magtataka kung mas nauna pa niyang nalaman na buntis ang magaling kong kapatid—ng tarantadong kabute na yon na nagngangalang Ted—Teddy daw. E gago, sa facebook ko nga lang nakita yung mukha non. Nakatagilid pa. Kamusta ka naman. Umaanggulo, mukhang gwapo pagnakatagilid. Malay ko ba kung mukha palang palaka. Naka-private kasi yung profile. Ayst!

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon