Labing-walo. Sorry

669 50 10
                                    


Labing-walo. Sorry



"Tingin mo ba magiging okay si Minda?" Nag-aalalang tanong ni Vina sa akin.

Nakatitig lang ako kay Minda habang natutulog. Nung nalaman ko na naghiwalay ang mga magulang namin – salamat sa concerned citizen aka chismosang kapitbahay namin na ang asawa ay OFW din at siyang nakakita sa mga magulang namin at nakaalam ng totoong estado ng mga ito sa Hong Kong—

Hindi ako umiiyak sa harap ni Vina at Minda. Lagi ko silang pinapaunang matulog. And I'd always cry at night when I thought no one could hear me. At ngayon ko lang na-realize na ito ang unang beses na natitigan kong matulog ang kapatid ko. After all these years... ako lang ba ang feelingera at iniisip na siya lang ang may dala ng bigat ng buong mundo?

What if I was weighing them down?

What if... may mga dinadala din pala ang mga kapatid ko na hindi ko alam?

What if... masyado akong immersed sa sarili ko at hindi ko napansin na hindi lang ako yung produkto ng broken family at feeling victim saming tatlo? After all, tatlo kaming anak.

Pinahiran ko yung namumuong luha sa mga mata ko at tumalikod kay Vina. Hinayupak, nagiging emotional ako nitong nakakaraang araw.

"Sus, nakita ko na yan. Narinig ko pa."

Natigilan ako.

"Akala mo ba, hindi namin alam ni Minda na hindi ka nagiiyak sa gabi? At akala mo din ba, hindi kami naapektuhan?"

Napakagat-labi ako para pigilan yung paghikbi ko.

Niyakap ako ni Vina sa tagiliran. "Love na love ka kaya namin, Ate."

Ate.

Hindi Luu. Hindi Ate Luu.

Basta ako yung panganay nila. Yung ate nila.

"Nasasaktan ako para kay Minda." Mahina kong sabi. "Ako ba may kasalanan?" Mahina kong bulong kay Vina. Nakita kong paiyak na din ito pero suminghot muna. Kukunin sana yung sleeve ng damit ko.

"Gago ka, wag mo kong sisingahan."

Tumawa ito. Inistretch yung dulo ng damit, yumuko at siningahan.

"Baboy ka talaga." Lumayo ako dito. Tumawa ito at tumakbo.

"Gago, magigising si Minda!" Nagtitili ako ng tumalon ito ng kama. Naalimpungatan si Minda. Pupungas-pungas na gumising. Napatili ng ipahid ni Vina sa mukha nito ang basang t-shirt. "Vinaaaaa!!!"

Nagtawanan kami sa galit na galit na reaction ni Minda. Tumakbo ito sa banyo para maghilamos. Tawa naman ang demonyo sa kababuyan niya.

"Ah, ganon." Dumura si Minda sa palad at sabay tumakbo sa aming dalawa. Nagtitili kami na di namin malaman kung san tatakbo.

I missed this. I missed them. Narealize ko... my sisters are now all grown up. And dammit, dun ko lang narealize. Even parents let their children go at one point in their lives. Siguro, it's time I should also let them go. Medyo luwagan ang kapit sa kanila.

Na sana inayos ko ang paghahandle kay Ted at kay Minda.

Tama si Teody. I should have acted like the mature adult.

I should have acted like their adult, older sister. Napakagat-labi ako habang nakatitig ako sa dalawang pinakamamahal ko sa buong mundo. I thanked God for having them both. Hindi lahat ng magkakapatid ay ganito ka-close. Hindi lahat ng magkakapatid ay nakukuhang magsabihan ng totoo without judging one another.

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon