Labing-isa. Hindi okay!
"Ate, okay ka lang?"
Wala sa loob na tumingin ako kay Minda. Sa pagtingin ko sa kanya napadaan yung mga mata ko sa lalaking katabi ko. Hindi ako okay! Pero parang tuod naman ito na walang napapansin. Nagsalubong yung kilay ko sa ayos nito. Nakasuot pa rin ito ng suot kagabi plus the eyeglasses. Tapos sa tabi nito yung laptop habang kumakain. E naknang—simula ng paggising namin parang wala ng nakita kundi yung laptop niya at cellphone niya. Bwisit.
"Good morning!"
Natigilan ako sa pag-ikot ng tinidor sa scrambled eggs ko at tumaas ang kilay sa kababa lang na si Ted. "Anong good sa morning? Lalo na nakita kita."
"Ate." Parang batang saway sakin ni Minda. "Oh?" Iritable kong balik kay Minda sa pagsaway niya sakin. E bad mood ako, bakit ba. Childish na kung childish. Nakita kong pinilit ngumiti ni Ted at akmang hahalikan si Minda sa pisngi ng, "Oh, oh, oh, oh." Awat ko. "Delicadeza. Mga bagay na ayaw makita ng mga nakakatandang kapatid."
Lihim akong napangiti ng malalim na bumuntung-hininga si Ted at frustrated na umupo. Nakita ko naman ang paglukot ng mukha ni Minda. Ngumiti ako. Sa pagkagat ko ng saging ay natigilan ako dahil nagsalubong ang mga mata namin ni Teody. "Ano?" Inis kong tanong sa titig niya. Inirapan ko siya ng umiling siya. "You're so childish." Mahina niyang sabi.
"So what?" Iritable kong sabi.
"Ted... o." Kinuha ni Minda ang pinggan na puno ng tapa sa tabi ko nang pinigilan ko yung kamay niya. "Gusto ko din niyan." Tapos tinap ko yung pinggan ko at naglagay ng space para sa tapa. "Ano na?" Inis kong tanong kay Minda ng naka-hang sa ere yung pinggan na hindi alam kung sinong unang lalagyan. "P-Pero... ate... di ka naman kumakain ng tapa a?"
"E ngayon kumakain na ko. Bilis na!" Sabi ko sabay tapik ng tinidor sa pinggan na nagpaingay sa paligid. Narinig kong bumuntung-hininga ulit si Ted. Resigned, nilagyan ako ni Minda, "Oh, tama na! Ang dami naman." Sabay binalik ko lahat ng nilagay niya at nagtira ng isang maliit na piraso sa pinggan ko.
Nakita ko ang biglang pag-iling ni Teody. "Seriously?" Tumatawang sabi niya sakin. Inirapan ko ulit siya. Oh? So... Masaya siya ganon? After niya akong hindi pansin buong umaga pagkagising namin. Umiling ulit ito.
Nakita kong nagsandok ulit ng sinangag si Minda para kay Ted.
Halos tumirik yung mata ko sa inis. Ngumiti naman si Ted sa kapatid ko. "Bakit wala ba yang kamay at hindi makakuha ng sarili niyang pagkain ha?" Nababadtrip na sabi ko kay Minda. "Ate naman." Angal ni Minda. "Syempre asawa ko na si Ted. Kelangan ko siyang pagsilbihan. Yun ang role ng mabuting maybahay diba?"
"Oh? Pagsilbihan? E di sana pala nag-apply ka na lang na katulong niya. Hindi yung nagpabun—"
Bigla na lang bumagsak yung tinidor at kutsara ni Ted. "T-Ted!" Sabi ni Minda.
Lumaki yung mga mata ko sa nakikita kong galit sa mga mata nito. "Aba't. Tarantado ka pala e. Pinagdadabugan mo na ko ha? Hoy lalaki, kung hindi mo ako kayang pakisamahan hiwalayan mo na si Minda ngayon pa lang!"
Narinig ko ang dahan-dahang pagsara ng laptop sa gilid ko. "I think that's enough." Kalmanteng sabi ng matigas na tinig sa gilid ko. E keber ko.
Tumayo si Ted. "Ted."
Tumayo din ako. Nakita ko ang pagngangalit ng bagang nito na ikinabigla ko lalo pero hindi ako nagpatinag. Walang nagpapatinag sa isang Luzviminda no. At hindi lang isang uhuging bata na nagtatago sa anino ng kapre niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...