Labing-apat. Si Mamita at ang baby

2.4K 102 52
                                    


Labing-apat. Si Mamita at ang baby

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natahimik ng ganito. Tila library sa sobrang tahimik, ni hindi ko na nga malasahan yung kinakain ko. Kung nakakamatay lang yung titig malamang bumulagta na si Teody pero wala e, ang damuho parang walang pakiramdam. Insensitive talaga!

At parang ako lang ang awkward. Ha! Ako? Maiilang ng ganito? Imposible! Pero halos hindi ko mahiwa-hiwa yung steak sa harapan ko. Bwiset. Ang hirap hirap kainin. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang matandang babaeng kahawig ni Teody sa mata. Aristokrata. Maliit lang ito. Hamak na mas maliit sa akin. So, anong ikakatakot ko?

"So..."

Napalingon ako. At ganon na lang yung pagkangatog ng tuhod ko sa biglang pagsasalita nito. She had a smooth and serene voice. "When is the wedding?"

Nabilaukan ako sa pag-inom. "Po?"

Baka mali lang ako ng narinig.

Ngumiti ako at siniko si Teody sa gilid ko. Ang gago marahang-marahang tumingin sakin at nagtaas ng kilay.

Ngumisi ang matandang babae. At pupusta akong mukha siyang beauty queen nung kabataan niya. Ibinuka ko yung bibig ko para magsalita pero wala akong masabi.

She smiled at me. Lalo akong naguluhan. "When is the wedding? I want to prepare a big grand wedding for my hijo. Hindi pwedeng civil lang. Hindi ako papayag. I hope you understand."

"Wedding? Grand wedding???" Ano daw? Hindi ko na malunok yung kinakain ko.

Hindi pa rin mapuknat ang ngiti ng Mamita niya. "Yes, I think I'll just set the wedding next month. I'm good with preparations. At kung hindi mo natatanong isa akong wedding coordinator before I met Teody's dad. Maghanap tayo ng church, saan niyo gustong mag-honeymoon?"

"T-Teka... teka lang po." Natatarantang napalingon ako kay Teody. Anong wedding? Anong next month?!

Sa lahat ng sasabihin niya... hindi ba niya ako aalukin ng envelope na puno ng pera para hiwalayan si Teody? Hindi ba siya magwawala at ipapa-background check ako o kaya ithreaten ako at ang buong angkan namin? Bakit ganito ang nangyayari?!

"Ahm, I'm sorry ma'am pero mali ho kayo. Hindi namin ginusto ni Teody ang kasal na ito. Isa itong pagkakamali at—"

"I know hija." She smiled angelically. At excited na kinuha ang kamay ko. "Kaya kelangan nating itama ang mali. Itong anak ko padalus-dalos. We'll have a grand Church Wedding." And smiled widely at me. At para akong lulubog sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa kamay niya na hawak ang kamay ko. Para akong napapaso.

"Ma'am hindi po namin ineexpect ito. Diba Teody? Kung hindi dahil kay Minda at sa anak niyong naka-buntis sa kapatid ko hindi—"

"I know hija. I know." She crooned at me. Na para ba akong pitong taon na hindi maka-gets. Lumingon ako kay Teody at prenteng nakaupo ito at may hawak na soda in can. Hindi nakangiti pero ramdam ko ang gago. Gago pa din talaga.

"Ma'am..."

"Mamita hija."

"Mami—" Napalunok ako. Hindi ako makahinga. Shet, I was cornered. Ako? Si Luu?!

"Hindi ko din ineexpect ito. Pero sa sobrang happy ko at makakapag-asawa na ang panganay ko ay umuwi agad ako. Nagalit lang ako nung una dahil pinangarap kong maghanda ng engrandeng kasal para sa mga boys ko."

Gusto kong mapangiwi at mandiri. Boys ko. Tangina. Napalingon ako sa higante sa gilid ko. Teody wasn't definitely a boy. Hindi talaga ako makahinga.

"We have connections. You don't have to worry about the preparations, you just have to trust me hija. Marami akong amiga at pwede nating iset ang date next month. Para ang susunod ko namang pagpaplanuhan ay ang kasal ng bunso ko."

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon