Dalawampu. Happy lang

635 44 8
                                    

Dalawampu. Happy lang


"Kanina pa ba hindi kumakain yan?" Tanong ko kay Vina habang palakad-lakad kami sa labas ng pinto ng kwarto ni Minda at Vina.

"Hindi naman. Kumakain naman pero paunti-unti lang. E diba, buntis?" Sabi ni Vina sa akin. "Tapos ngumunguyngoy paggabi." Umikot yung dalawang mata nito. "Tapos pagtinanong mo naman kung okay lang hindi naman sumasagot."

"Abnormal ka ba? Malamang umiiyak nga e di syempre hindi okay yung tao. Anong tingin mo, tears of joy?"

"Malay ko ba. Nung isang gabi kaya, akala ko may sa maligno na sa kwarto. Parang may bad energy sa loob ng kwarto na yan. Minsan nga natatakot na ako e, baka lumabas si Lotus Feet."

"At bakit naman, aber?" Tanong ni tita Ara na biglang lumabas mula sa kabilang kwarto.

"Ay pusang galang bad energy!" Napatalon ako ng malingunan ko itong puting-puti ang mukha at nakasuot ng mahabang saya na puti.

"Diyos ko naman, Lotus Feet este tita Ara..." Napahawak ako sa dibdib ko sa takot. Pwede na nitong palitan si Morticia Addams. Tapos yung buhok nito bagong kulay na itim at tuwid na tuwid.

Ngumisi ito sa amin ni Vina. At lalong hindi ako natuwa. Napaatras ako. Napapangisi si Vina. "Nagkita na ba kayo ni Kris Aquino sa Feng Shui, tita Ara?"

"Gago ka din." Bulong ko dito kay Vina. Minsan pinalaki din ni tita Ara na walang respeto.

"Gaga." Binatukan ito ng tiyahin namin. "Bago akong rebond. Tignan mo yung kulay ng buhok ko, maganda ba? Blue black yan. Pagnasisinagan ng araw, kulay blue."

"Sa ngayon, pag nasisinagan ka ng buwan tita mukha kang aswang." Walang gatol na sabi ko. Biglang tumawa si Vina. May kinakapa sa bewang ni tita Ara. "Baka naman mamaya lang mahati na yung katawan mo, tita?"

Pinalo nito ang kamay ni Vina. "Grabe naman kayo sakin." Lumabi ito. "May aswang bang ganito kaganda at kahali-halina?"

Napapikit ako at napatingala. "Diyos ko po, sumasakit ata yung batok ko." Mali ata ako ng pinuntahan. Sana pala kay Lana na lang ako dumiretso.

"E tita naman kasi, mukha ng midnight black." Sabi ni Vina. "Saka san mo naman nakuha yang hospital gown mong yan? Para kang bagong labas..." ng mental.

"Anong hospital gown, Vina? Magtigil ka nga. Nighties ko to no. Hindi ba ang sexy ko?"

"Hmmm... sabagay mukha kang bomba queen nung 50s."

Parang kinikilig si tita Ara na feel na feel. Di ko alam kung di niya nagets yung 50s o sadyang di niya pinansin.

"Pwede ka ng mag-audition sa Papatayin sa sarap ni Ara Vida." Naghagikgikan ang dalawa.

"Pwede ba." Inis kong sabi. Dumiretso ang mukha ng mga ito. Itong si tita Ara minsan hindi ko alam kung tiyahin ko ba o isa sa mga kapatid kong bunso. Para akong may kapatid na kasing edad ni Vina at Minda sa katauhan niya. Minsan nga naiisip ko kung sino ba ang tiyahin at pamangkin saming dalawa. Kung tutuusin, nine years lang ang tanda niya sa akin at bunsong kapatid ito ng nanay namin.

"At ano yang nasa mukha mo? Gawgaw?" Nalolokang tanong ko. Although maputi din naman si tita Ara pero parang binudbod yung mukha nito sa harina sa puti.

"This is called Korean Healing Moisturizer. Galing pa to sa Korea no. Nakakabata daw at..."

"Nako tita, narinig ko sa balita may tinubuan ng freckles after maglagay niyan... Ayan o." Sabi ni Vina.

"Saan?" Takot na takot na tanong nito. Napapatirik yung mata ko. "Pinagtitripan ka na naman niyang si Vina. Kung ano-anong mahal na pampaganda yang binibili para bumata, e yung isip lang parang 15 years old."

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon