Pang-huli. Happy Ending

978 63 15
                                    

Pang-huli. Happy Ending









Inip na inip na ako habang nakatingin lang ako kay Vina at tita Ara na naghahanap ng isusuot. Mga ilang damit pa ba ang kelangan nilang isukat?! Hindi naman sila artista para mag-change outfit.


"Huy, Luu." Tawag ni tita Ara.


Napapatirik yung mata ko. Nasa tabi ko yung tumbler ko na isang gallon sa laki. Kinakahiya ako ni Vina kapag dala-dala ko ito. E paki niya ba? Hindi naman siya ang nauuhaw.


Lumingon ito sa akin.


Speaking of the devil.


At ngumiti ang demonyo. Inirapan ko ito. Hindi ko alam kung bakit iritang irita ako dito lately. Napakaintrimitida kasi.


"Ate..."


Tumaas lang yung kilay ko. Nakangiti ito habang hawak yung damit na dala-dala. "At ano naman yan?"

Ngiting-ngiti ito. "Birthday ko? Bukas?"

"Ah... birthday mo ba?"

"Oo kaya. Birthday namin ni Minda."

"Edi Happy Birthday."

"Ate naman e." binaba nito ang damit. "Tignan mo o, ang ganda. Sakto sa katawan ko. Sukat. Pak. Parang pang-model."

Lumingon ako sa store na pinasukan namin. Hindi pa rin naman ako mahilig sa mga branded na damit kahit ang daming binibili ni Teody para sakin. Parang nasasayangan nga ako sa iba e. Hindi ko din naman nagagamit. Pili lang. O diba, san ka pa. Asawa ko ang namimili ng mga damit ko? Kung pwede nga lang maghubad na lang ako sa bahay namin at sa kwarto lang ako maghapon.

Napangiti ako. Hindi nga pala pwede.

"Ate." Nagpitik ito sa harapan ko.

"Ano ba!" Inis na tinanggal ko yung kamay niya sa mukha ko. Inirapan ko ito at tinignan ang price tag.

"Okay ka lang ba? Nagda-drugs ka ba?" Nanlaki yung mga mata ko. Php3,000 isang dress lang?!

Napaatras ito. Sumeryoso yung mukha. "Medyo?" Parang tangang sabi nito.

"Ate Luu!" Pareho kaming napalingon ni Vina nung may tumawag sa pangalan ko. Nakita namin si Minda na kalong si Lucia. Umiiyak ang bata.

"O, bat umiiyak yan? Nasan yung tatay niyan?"

"Ayun, binibili na ni Ted yung laruan na gusto. Nagwawala."

"Super spoiled." Bulong ni Vina.

Nanlisik bigla ang mga mata ni Minda dito. Painosenteng ngumuso si Vina. "Wala naman akong sinabi. Sabi ko lang, good yan." Intrimitida talaga.


"Lucia..." Tumayo ako para kargahin ito. Three years old na ito pero sagana pa rin sa karga kay Minda at Ted. Kahit ako minsan napapailing na lang. Umiiyak pa din ito sa balikat ni Minda. "Ssshhh... tahan na baby. Daddy's buying your toy."


"Akina." Sabi ko kay Minda. Medyo lumalakas na din yung pag-iyak ni Lucia. Nakikita kong dumudulas na ito pababa kay Minda. Mabigat na din si Lucia at malayo na sa baby. "Kunin mo nga muna ate. Kanina pa masakit yung braso ko. Limited edition kasi yung nakita niya. Last stock na yung binili ng bata. Nagtatanong si Ted ngayon kung saang store may available."


"Wow. Grabe naman yan. Baka naman sa outer space niyo pa hanapin yang laruan na yan?" Comment ni Vina sa tabi habang nakatitig sa pamangkin na parang nananalamin. Biglang tumalim yung tingin ni Lucia dito. Natatawa ako. Inirapan ito ni Vina at dinilaan.


That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon