Labing-siyam. Congrats

590 40 12
                                    

Labing-siyam. Congrats



"Congratulations, you're eight weeks pregnant."

Tangina—

Pero bumuka lang yung bibig ko at nakatitig sa mukha ni Legs este ni Ginger. Parang may anghel na dumaan. Walang nagsasalita. Kahit si Ginger ay nakatingin lang sa akin. At nakataas yung isang kilay. Narealize kong hindi lang pala ako ang magulang. Mabilis akong napatingin dun sa tatay ng anak ko. Na ngayon ay nakatayo sa likod ni Ginger at naka-krus ang braso sa dibdib. Hinilot nito ang sintido.

Tumikom ang bibig ko at parang sinasabi ng mukha ko na pucha, ano na?

Nasan na yung lalaking wantusa ang pagsabi ng asawa ko? Dahil ba wala na kami sa isla nila, ngayon parang wala na lang? Ganon? Two days palang kaming nakakauwi pero parang wala namang nangyari. Well, maliban sa gabi.

Ngumiti si Ginger at lumingon sa likod nito.

Lalo akong parang nanggigil. At ang impakto, bakit kelangang nasa likod siya ni Ginger? Hindi ba dapat ay nasa tabi ko siya?

Abat—anong gusto niyang palabasin?

"Teody." Mariin kong sabi. Diyos ko Lord, para akong mauubusan ng oxygen sa pagpipigil magmura sa harap nito at ng doctora. Mixed emotions yung nararamdaman ko.

Biglang tumawa si Ginger at napatanga ako. Literal. At napahawak ito kay Teody.

Naningkit yung mga mata ko sa kamay nito na nakahawak sa braso ni Teody na nakakrus sa dibdib nito. Parang masyado naman atang close? Hello, asawa? Nandito? Baka naman, makaramdam.

"Anong nakakatawa?" Diretsong sabi ko.

Tumigil si Ginger sa mabining pagtawa nito at lumingon sakin. "Natatawa lang ako sa reaction niyong dalawa. I bet this comes as a shock, isn't it?"

"So?" Naniningkit yung mga mata ko.

"Luu." Pigil ni Teody.

Taas noong nakatitig ako sa kanya na parang naghahamon.

Ngumiti lang si Ginger. "Don't worry, I understand her. Women tend to be moody when they're pregnant."

"At pano mo naman naintindihan, naging pregnant ka na ba?" Makasalita akala mo based on experience.

"Luu." Awat ulit ni Teody. Iba na ang titig nito ngayon. Anong tingin niya sa akin, pitong taong gulang? Makasaway. E siya nga, kung makahawak yung mukhang Legs na doctora na to ni hindi man lang niya tinanggal!

Ngumiti lang si Ginger at lumingon kay Teody. "There's nothing wrong with her pregnancy. I'll schedule you with your routine schedule of prenatal checkups..." blah blah blah...

Parang nagsu-swimming yung mga sinasabi nito kay Teody. At parang nagdidilim yung paningin ko. Pwede naman ako ang kausapin niya diba? Galit na tumayo ako at lalagpasan ko sana ang mga ito ng hawakan ni Teody yung braso ko. "Umupo ka muna."

"Puta, kasali pala ako sa usapan?" Bulong ko dito. Di naman ako ganon kabastos. Pero nakakabastos na ako yung nanay pero parang wala ako dito kung mag-usap sila.

"'Cause you're in shock."

Pinikit ko yung mga mata ko ng mariin. At ako pa ang in shock? E siya nga ang walang reaction kanina. Inis na bumalik ako sa upuan.

"Let's schedule your checkups." Sabi ni Ginger sakin ng umupo ako. "Shall we?" Tanong nito sakin at pabalik kay Teody. Tumango si Teody dito. Napakunot-noo ako ng parang may pagkakaintindihan sila na tumango si Ginger.

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon