Pangatlo. Disipolo

3.2K 124 6
                                    

Pangatlo. Disipolo

Humarap ako at namaywang kay Minda kahit na ba nasa likod ko lang yung dalawang kampon ni Hudas. "At bakit nandito tong Hudas na to? At nagdala pa talaga ng mga disipolo niya?" Iritableng tanong ko sa kapatid ko. Nakita kong halos nagmamakaawa na si Minda. Nakatitig lang ng masama si Vina dun sa pulis. Napataas naman ako ng kilay. Anong meron?

May umubo sa likod ko. "Why don't we talk this out like two mature adults?"

Unti-unti akong humarap. "So, anong sinasabi mo hindi ako matured?"

Nakita ko yung pagkairita sa mukha ng kuya ni Ted. He sighed heavily.

"A-Ate... I just want to talk to Minda."

Tumingin ako ng matagal kay Ted. Pinasingkit ko yung mga mata ko. I crossed my arms over my chest. "Slow ka ba? Sinabi ng hindi mo ko ate. Ate ka ng ate!"

Nakita kong namula hanggang tenga tong si Ted sa pagkapahiya. Napaubo na lang siya. Halos higitin naman ni Minda yung siko ko. "Ate naman..."

"Ano?" Pinanlakihan ko ng mga mata si Minda. "Wala naman... ate." Bulong niya. Apologetic na tumingin siya kay Ted. Magsasalita pa sana ito ng biglang humarang si tita Ara sa harapan ko. "Tama iyan. Kelangan nga natin itong pag-usapan ng maayos. Buhay ng bata ito. Hindi basta Barbie doll lang."

Napataas yung kilay ko sa sinabi ni tita. "Barbie doll? E ginawa niya ngang starfish yung kapatid ko e." Bulong ko. Tumango naman si Vina sa gilid ko. "Tama, tama."

"Vina!" Minda hissed at her. Siguro dahil sa pagsang-ayon sakin. "Balimbing."

"Ay? Isip bata?" Baling ko sa kanilang dalawa. Kala mo mga edad... ay nako. Naiiritang tumingin ako kina tita Ara na todo ang ngiti sa kaharap. Si King Midas na ngayon ang kumakausap kay tita habang si Ted nasa likod ng kuya niya. As usual. I wouldn't be surprised if he was coerced by this brute to come here. Bale siya na yung nakikipag-usap kay tita.

Nakita ko yung pagngiti niya kay tita. Halos tumaas na sa hairline ko yung kilay ko. "Kung makangiti kala mo santo." Bulong ko. Tinampal naman ako ni tita. "Ano ba Luu. Makipag-usap ka naman ng maayos. Yung mga tao na nga yung nagpapakumbaba e." Suway sakin ni tita.

"Anyway, we brought dinner." Napangiti si tita Ara nung nilabas nung pulis yung bila-bilao ng mga pagkain galing sa Fortuner nila. He smiled charmingly. Makaasta talaga kala mo Hari, kulang na lang magpitik siya ng daliri at may susunod sa kanya. Ngumiti pa siya sa akin. His smile was pulled at the other side of his lips—in a sardonic way. Ewan ko ba kung sakin lang yun. Basta naiinis ako! Inirapan ko lang siya. Nagulat na lang ako nung pati si Vina ngumiti. "Wow. Lechon ng Cebu?" Bulong nito. Natabig nila ako ng pumasok na sila. Halos napaatras na ako at nakalimutan. "Pasok, pasok." Sabi ni tita Ara.

"Ipasok na mo na yan Zeus."

Hindi makapaniwalang tinignan ko lang silang tatlo habang nagkakagulo sila sa pagestima dun sa tatlong lalaki. Dun sa gagong nakabuntis sa kapatid ko, sa hudas niyang kapatid at dun sa pulis na tinawag na Zeus.

Pero nakita kong lumabas ulit yung kuya ni Ted. "Gonna take some calls." Nagsalita siya ng ganon na wala naman talagang pinagpapaalaman in particular. I bet he was the kind of guy who wouldn't ask for anyone's permission naman e. Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig lang ako sa kanya. Kaasar. Nakita kong humahangos si Vina.

"Ay, kuya Teody kain na tayo."

Slow mo akong humarap kay Vina na ngiting-ngiti. Teody smiled at her. "Thank you, Vina."

Bumuka yung bibig ko at hindi talaga makapaniwala... with matching iling pa. Kampanteng pumasok ito. Pero bago pa iyon bigla siyang lumingon sa akin. "Aren't you having dinner with us?"

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon