Slight SPG
Pang-sampu. Little Teody
“Minda! Minda!”
Bumukas yung pintuan at nakita ko ang pupungas-pungas na mukha ng kapatid ko. Nasa likod naman niya si Ted. “M-Minda?” Lumingon yung kapatid ko at ngumiti. “Hmm?”
“W-Who’s there?” Nagkusot din ng mga mata si Ted. “Bakit binuksan mo yung pinto ng hindi muna tinitignan sa peephole kung sinong nasa labas? Tapos hindi ka pa naglalagay ng jacket e kung malamigan ka at magkasakit?” Sita nito sa kapatid ko sabay lagay ng balabal sa balikat nito. Napataas kilay ako don, gusto ko sanang mangiti.
Napalabi lang si Minda dito.
Sumandal ako sa gilid ng pinto at naghalukipkip. Malamang, naghihintay na matapos yung tanungan portion nila. Humarap sakin si Minda at parang dun niya lang na-realize na yung ate niya e nasa harap ng pintuan ng alas-dose pasado ng gabi. “Ate Luu!” Nanlalaki yung mga matang sigaw niya.
“Ate Luu? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Ted sakin.
Hindi ako sumagot at basta nagtuloy-tuloy lang sa bahay nila. Tinawagan ko kanina si Vina at tinanong kung saan yung eksaktong bahay nila Minda. Of course, dahil magaling si Vina she gave me the address. Tinitigan ko yung town house. “Hmm… not bad.” Kasinglaki na ito ng bahay namin nila tita Ara. Malaki na para sa dalawang taong nagsisimula pa lang sa pagpapamilya. Great, advantage of having a rich husband. Umirap ako pagkaharap ko kay Ted. Nakita kong napakamot siya sa ulo. “Ate Luu, kumain ka na ba?”
“Bakit may ipapakain ba kayo?”
Nagkatinginan si Ted saka si Minda. Basta na lang akong nagtuloy-tuloy sa kusina nila at binuksan yung ref. Napakunot-noo ako. Binuksan ko yung laman ng mga Tupperware at muntik masuka sa baho ng amoy. Puro mga panis! Bigla akong napabukas ng mga cupboards. “Ano to!” Sigaw ko kay Minda.
“Ah, ate.”
“Anakng—bakit ganito laman ng ref niyo? Kung hindi panis na ulam puro cake, ice cream at chocolate! Iyong cupboards puro noodles!” Bigla akong napaharap kay Ted. “Ikaw ba gusto mong patayin ng maaga yung kapatid ko ha? E pucha naman, buntis yung tao ang ipapakain mo puro pampa-diabetes at panis na pagkain?”
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...