Dalawampu't isa. HorrorHalos magsitakbuhan na sila sa pagakyat sa narinig na pagsigaw ni Minda. Patakbo na ako ng hilahin ni Teody ang braso ko at tinitigan ako. Hindi ko gets. "Ano?!" Nagpapa-panic na tanong ko.
"Ate Luu!!!"
Lalo akong nagpanic ng marinig ko yung tili ni Vina na parang kinakatay.
"Ano ba, Teody!" Inis na tinatanggal ko yung kamay niya sa braso ko.
"Just calm down."
Bumuka yung bibig ko at di makapaniwalang tinitigan siya. Tangina— "Calm down?" Nasisiraan na ba ito ng ulo.
Tinitigan niya lang ako na parang ako ang nasisiraan ng ulo saming dalawa. Kapatid ko ang naghihiyaw at nagmumura sa taas. Bigla kaming napalingon ng may bumagsak.
"Ay put..." Hindi ko naituloy ng nilagay ni Teody ang mga kamay sa balikat ko at nagsimula na siyang maglakad. Naglalalakad na kami ngayon ng normal lang. As in, pucha. Normal lang na parang walang nangyayaring kaguluhan sa taas. "Teody, ano ba!" Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko para tumakbo pero pigil na pigil niya ako.
"Ssshhh."
"T-Teody, para kang tanga! Bakit mo ba ako pinipigilang—"
"Ate Luu!!!"
"Diyos ko Lord, Vina!" Hiyaw ko habang pinipilit tanggalin ang mga kamay ni Teody sa balikat ko pero ang higpit talaga ng kapit nito. Paakyat na kami ng hagdan ng tinitigan ko ito ng pagalit. Ano ba, tingin nito sakin, robot?!
"Teody!"
"Ssshhh. Tumingin ka sa dinadaanan mo. Ted will never hurt Minda, okay?"
Nilingon ko siya at dun ko lang narealize na hindi niya narerealize kung anong sitwasyon meron si Ted at Minda. Umiling ako ng dahan-dahan. Kung alam niya lang... kung alam niya lang talaga. Oo, nagwo-worry ako para sa kapatid ko. Pero hindi dahil baka saktan siya ni Ted—
"Ate Luuuuuuuuuuu!!! Si Minda!!!"
Natatarantang hinila ko na si Teody habang yung kamay niya ay nasa balikat ko pa din. Pero dahil mabigat ang kamay ni Teody ay hindi rin ako nakatakbo at parang brisk walking lang. Hindi ko rin alam kung bakit parang naging one hundred ang steps mula sa unang baitang hanggang sa huli? Pucha, di naman mansion ang bahay namin.
"Teody, yung kamay mo—"
Hindi ko pa natatapos ay tinanggal niya na ang kamay niya sa balikat ko at nag-cross arms sa dibdib nito habang nasa tapat kami ng kwarto. Nandun na sina tita Ara na nagdadasal. Si Zeus na pinipigil din ang kamay ni Vina na pumasok. "Ano ba!" Habang tinatampal naman ni Vina ang kamay nito.
Ano bang meron sa mga lalaking ito at mga awat ng awat?!
"Ate Luu! Si Minda, nagsisisigaw sa loob." Sigaw ni Vina.
"Oo alam ko! Di naman ako bingi diba?" Iritable kong sabi.
"E bakit ba kasi ang tagal-tagal mo? Akala ko nanggaling ka pa sa kabilang kanto e." Iritableng sabi nito.
"Diyos ko, Luu. Si Minda." Sabi ni tita Ara.
Tumango ako na parang sinasabi kong, alam ko po tita.
"Buksan mo na yang pinto." Utos ko kay Vina.
"Ayoko nga. Kaya nga kita tinatawag e." Natigil sa paghawak si Zeus. "Akala ko papasok ka kanina?" Tanong nito.
"Ako? Papasok? No way. Hawak ka kasi ng hawak. Masyado kang assumero!" Pinagpag ni Vina yung braso nito na hinawakan kanina ni Zeus na parang diring-diri pa.
BINABASA MO ANG
That's my Tomboy!
RomanceHinalikan si Luu ng bestfriend niyang si Lana nung college palang sila. Just to shoo Lana's unwanted suitors away. Dahil doon ay marami ng speculations na umikot tungkol sa sexual preference niya. At first Luu was okay with that, dahil nawala na din...