Pang-lima. Impakto

2.5K 114 6
                                    

Pang-lima. Impakto

"Tomboy talaga? Hindi ba pwedeng bisexual muna?" Galit kong binagsak yung wineglass ko. Sa totoo lang nanggigil na ako kay Leslie. Kahit kailan talaga. Leslie and I were never that friendly with each other. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng pagkabadtrip sakin ng babaeng to. Sa totoo lang tinotolerate lang naman namin ang isa't isa dahil kay Lana.

If It wasn't for my love of my Lana, naku. Baka matagal na kong nakapatay ng malandi.

"Leslie." Saway ni Lana dito. Ngumisi naman ng ubod tamis ito. "What?" Painosenteng tanong niya sakin. Lumingon siya kay Ronin. Sinamaan ko ng tingin si Ronin. Umiwas lang ito ng tingin sakin. "Mabulunan ka sana."

"Ang childish mo." Bulong ni Teody. Inirapan ko siya.

"Totoo naman diba?" Napalingon kami sa biglang pagsasalita ni Leslie.

Abat. Mukang talagang walang balak magpaawat a?

"Leslie please stoppit. May iba tayong kasama." Lana hissed.

Wala akong pakialam sa sasabihin ni Leslie! Gusto kong isigaw yon. Pero nakita kong titig na titig lang si Teody kay Leslie. Na para bang hinihintay niya talagang sumabog ang bomba sa harap namin. At hindi ko alam kung bakit, pero naiirita ako. Naiinis akong sobra. "Bakit hindi ka na lang tumahimik Leslie?"

"Bakit? Natatakot ka bang malaman niya? Ha?"

Nagsukatan kami ng tingin ni Leslie. Halos mabasag na yung ngipin ko sa sobrang panggigigil. "May ikakatakot pa ba ako Leslie?" Bumaling ako kay Ronin. "Sa ginawa niyo sa akin ni Ronin?"

"So..." Natahimik kaming lahat nung nagsalita si Teody. Relax pa itong humiwa sa steak at sumubo na para bang ang pinag-uusapan lang e weather forecast. "May sex video ka?" Baling niya sa akin. Nanlaki yung mga mata ko. Kahit si Tofer ay biglang napainom. "T-Teody!"

Bumuka yung bibig ko para magsalita. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Wow." Wala sa loob na bulong ko. Ang kapal ng muka mo pong itanong sakin yan! Gusto kong isigaw yon. Ano pa bang ineexpect ko sa kanya?

Narinig kong biglang tumawa ng malakas si Leslie.

Naningkit yung mga mata ni Ronin.

Matagal yung titig sa akin ni Teody. Pero tangina, bakit ganon? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko isusuka ko lahat ng kinain ko. Gusto kong umiyak at tumakbo. Pero bwisit na si Leslie, this was what she was best at.

"Leslie, wala ka na don—"

"Oo. Meron. Freshman ako noon. Sophomore naman yung babae."

Ilang minuto lang akong nakatitig kay Teody. Ganon lang din siya sa akin. And I couldn't find the air to breathe. Matagal na akong walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Pero habang nakatitig ako kay Teody, gusto kong tumakbo palayo. Alam ko naman e, una pa lang hinusgahan niya na kaming magkakapatid. So... ano pa bang dapat kong ikahiya diba?

Nagulantang kami nung may bumagsak na kung ano. At napalingon kaming lahat kay Ronin. "You lied to me. Ilang beses kitang tinanong tungkol sa video nay un. But you denied it."

Nanlalaki yung mga matang tinitigan ko siya. "Hindi ako nagdeny. Kasalanan ko bang bobo ka? Ang lagi ko lang sinasabi noon ay wala lang yon."

"See?" Galit na sabi ni Ronin. Bigla itong napatayo. "Kaya pala diring-diri kang magpahawak sa akin noon. Because you only tried! Niloko mo lang ako Luu. Ginamit mo lang ako!"

Whatthefuck. Seryoso? E puta, "Gago ka pala e." Napatayo na ako. Halos nawala na yung poise ko. Napatayo na rin sila Tofer. "Pare ano ba..." Bulong niya kay Ronin. "Luu." Saway ni Lana. Wala na akog pakialam kung pinagtitinginan na kami.

That's my Tomboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon