꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 8꧂

345 19 15
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Nakadekwatro ako habang tinititigan ang tuwang-tuwang si Zyron habang nanonood ng cartoon, and guess what kung anong cartoon 'yon? We Bare Bears lang naman, tsh. Naiinis talaga ako d'yan sa Ice bear na 'yan, ay hindi mali nagseselos pala! Eh kasi naman eh, parang baliw na baliw si Zyron dun sa Ice bear na 'yon, halos 'yon na ang laging bukambibig nya, tss.

-𝘍𝘓𝘈𝘚𝘏𝘉𝘈𝘊𝘒-

"Omg! Ackk! Baby Ice bear! I love you talaga! Ang hawt(hot) hawt moh! I labyu, bebe!" sabi ni Zyron dun sa hinayupak na Ice bear na 'yon na para bang nakita nya in real life si Miguel Tanfelix! Speaking of Miguel Tanfelix, ang gwapo-gwapo nung lalaking 'yon!

"Hoy Dens! Para ka talagang shunga d'yan! Halika manood ka na lang din ng We Bare Bears, tignan mo oh! Ang gwapo ng beybeh Ice bear ko--"

"Ina ng pusang malupit, Zyron! Nakakirita ka na, ah! Kailangan ba talagang lagyan mo pa ng maarteng 'beybeh' tuwing binabanggit mo ang hinayupak na Ice bear na 'yan?! Nako, nako Zyron. Kapag ako nainis sa'yo, susunugin ko 'yang t.v na 'yan ng hindi mo na mapanood 'yang Ice bear na 'yan!" sabi ko atsaka padabog na umakyat sa kwarto ko pero narinig ko pa siyang sinabi ito.

"Girl, nako! Subukan mo lang sunugin ang t.v at maghihiwalay tayo! Sige ka! Kela Panpan, beybeh Ice bear at Grizzly na lang ako titira! And inuulit ko! It's Zyzy!" tsh!

"Whatever, Zyron Ynocrist Eusebsky!" masungit na sigaw ko.

Pag ako talaga hindi nakapag-pigil! Hahanapin ko 'yang Ice bear na 'yan at titigokin!

-𝘌𝘕𝘋 𝘖𝘍 𝘍𝘓𝘈𝘚𝘏𝘉𝘈𝘊𝘒-

Napangiti na lang ako ng maalala ko kung gaano ako kasungit nung araw na 'yon.

"Huy girl, anong ngini-ngiti-ngiti mo d'yan? Baliw ka na ba?" nawala naman agad ang ngiti ko ng sabihin 'yon ni Zyron.

"Ngumiti lang, baliw na agad?!" badmood na sabi ko.

"Ay, galit agad Dens? Soreh na poh." pft.

"Kailangan pa bang lagyan ng letter 'h' ang sorry at po? Pft, manood ka na nga lang d'yan!" sabi ko atsaka nag-iwas ng tingin.

𝘚𝘪𝘰𝘮𝘢𝘪 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘱𝘦𝘦𝘵! 𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢 𝘱𝘧𝘵! 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯. 𝘈𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢.

Hinarap ko uli si Zyron.

"Zyzy, aakyat muna ako ha? Panoorin mo na muna d'yan ang BEYBEH Ice bear mo." pinakadiinan ko talaga yung beybeh, ewan ko kung bakit.

"Sige girl, I love youuu!" imbes na maglakad, naestatwa lang muna ako do'n sa kinatatayuan ko.

𝘚-𝘚𝘦𝘳𝘺𝘰𝘴𝘰 𝘣𝘢 𝘴-𝘴'𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘴-𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯'𝘺𝘢?

"Uy girl, manonood ka na lang din ba?" tanong sa'kin ni Zyron pero hindi ko pa din sya masagot, nasa kalagitnaan pa ako ng moment of shockness.

Nang maka-recover na ako sa moment of shockness, agad ko muling hinarap si Zyron.

"Zyron? Tama ba yung n-narinig ko k-kanina?" paniniguro ko.

"Yung ano, Dens?" sabi n'ya habang tutok pa din sa t.v.

"Y-Yung, I l-love you?" agad naman siyang napatingin ng marinig n'ya yung word na 'I love you'.

"Ahh, oo girl. Bakit?" napalunok naman ako.

𝘚𝘰, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯-𝘯'𝘺𝘢 𝘵-𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 '𝘺𝘰𝘯?!

"S-Sige, aakyat n-na muna a-ako." sabi ko atsaka nagmamadaling umakyat sa kwarto ko.

-KWARTO KO-

Pabagsak kong sinara ang pinto atsaka nagpagulong-gulong sa sahig. Tulog pa din kasi si Aki dun sa kama. Si Raux naman, umuwi na muna sa bahay nila. Kasi kukunin na n'ya daw muna yung iilang mga damit nila dun, atsaka mga gamit nila sa school. Sila Yinx at Maji naman, umuwi na sila. Kasi nga daw may trabaho pa sila sa parlor, baka naman daw tanggalin na sila sa trabaho kapag hindi pa sila pumasok.

"Waaaaaaaahhhhhhhh!" kinikilig na sigaw ko, pero don't worry may takip naman ang bibig ko kaya hindi 'yon ganon kalakas.

"Zyroooonnn! Kyaaaahhhh!!" patuloy na pagsigaw ko. Hshduwjsjzznn kinikilig talaga akooooo!! Kyaaaaahh!!

"Oy! Letisha Dennise Goriadoa!" teka, sino 'yon?

"Uhm, sino ka po?" tanong ko dito, natigil na din ako sa pagtili. Pa'no naman, malay mo may nakapasok na pala sa bahay nagtititili pa ako dito.

"Uy girl! Si Zyron 'to!" agad naman akong napatayo.

𝘚𝘦𝘳𝘺𝘰𝘴𝘰𝘰?!!? 𝘚𝘪 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯 '𝘺𝘰𝘯!? 𝘏𝘶𝘸𝘢𝘢𝘢𝘵𝘵, 𝘤𝘰𝘤𝘰𝘯𝘶𝘵?!

"Uhm, bakit Zyron?"

"Tsk! Girl ang ingay mo! Hindi ko tuloy marinig si beybeh Ice bear! Tas tinawag mo pa 'ko!" agad naman nawala ang kaninang kilig na nararamdaman ko nang marinig ko yung 'beybeh ice bear' n'ya.

"Tss, oo na sorry. Umalis ka na at panoorin mo na yung BEYBEH ICE BEAR mo." sabi ko atsaka pumunta dun sa gilid ng kama atsaka umupo.

"Uy girl! Nagtatampo ka na naman ba?" narinig ko pang tanong n'ya pero dinedma ko lang s'ya.

"Uy girl, sorry na! Lab yu na!" tsh, bahala ka d'yan! Nagtatampo ako sa'yo!

"Girl naman!" sabi n'ya with matching kalampag pa sa pinto ng kwarto ko. Kaya naman tumayo na ako atsaka pumunta dun sa pinto at pinagbuksan s'ya.

"Ano ba kasi 'yon, Zyron?" walang-ganang saad ko.

"Girl sorry na kasi." sabi n'ya, wait teka. I-Iiyak ba s'ya?! Kasi parang may kumikinang sa gilid ng mga mata n'ya.

𝘏𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢! 𝘜𝘮𝘪𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘪 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯! 𝘏𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢!

Para naman akong natarantang agad na niyakap s'ya.

"B-Ba't ka i-iiyak?" naluluha ding tanong ko.

"K-Kasi girl, g-galit ka n-na eh!" siopao! Umiiyak talaga si Zyzy! Shems!

"Uy, charot-charot lang 'yon eh!" sabi ko. Pero wala eh, hindi pa din s'ya tumigil sa pag-iyak, mas lalo lang lumakas.

"Sorry na den, apology accepted." nakangiting sabi ko.

"T-Talaga?" naiiyak siyang tumingin sa'kin, tinanguan ko na lang s'ya.

𝘔𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 '𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯, 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰, 𝘮𝘢𝘴 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯, 𝘴𝘺𝘦𝘮𝘱𝘳𝘦 𝘢𝘺𝘰𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 '𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪. 𝘏𝘦𝘩𝘦.

"Sige na, manood ka na ulit ng We Bare Bears, ayos na 'ko dito." nakangiting sabi ko sa kanya nung tumigil na s'ya sa pag-iyak, pero patuloy pa din sa pagkusot sa mata na akala mo'y may tutulo pang luha.

𝘊𝘶𝘵𝘦𝘦.

"Sigurado kang hindi ka na galit, Dens?" tanong nito, nakangiti lang akong tumango. Kaya naman tinanguan n'ya din ako bago siya lumabas ng kwarto ko.

𝘏𝘢𝘢𝘢𝘺𝘺𝘺..

𝚃𝚘 𝚋𝚎 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚒𝚗𝚞𝚎𝚍~

Good evening, Aestheans!❤️

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon