✿❀↬𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 2↫✿❀

689 31 8
                                    

LETISHA'S P.O.V

~KWARTO~
Pagbagsak akong umupo sa medyo maliit na sofa na nasa kwarto. Haayy.. Nasaan na kaya si Zyron? Buhay pa kaya yon..? Pano ba naman kasi ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin sya---
"Den! Dens! Girlyy!! Girll!!" narinig kong sigaw ni Zyron. Mmm buhay pa nga. Sabi ko na nga ba yan ang una niyang gagawin kapag nakauwi na sya, panigurado ng mag-ku-kwento na naman yon! Haayy.. Kaya naman nakasimagot akong lumabas ng kwarto at pumunta sa salas, nandon kasi sya. Nakaupo sya don sa sofa na nasa harap nung malaking t.v habang umiinom ng tubig, nakapambabaeng-dekwatro sya. As usual nakabusangot, dahil para sa kanya ang tagal-tagal kong lumapit. Pero may makikita kang excitement sa mga mata nya, tsh muntik nang maholdap at lahat-lahat excited pa din. Umupo naman ako sa tabi nya at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya, ngunit agad nya naman itong inalis at seryoso akong hinarap. Pero maya-maya pa ay ngumiti sya ng pagka-lawak-lawak. Baliw na ba to Lord?
"Anyare sayo Zyzy?" tanong ko sa kanya.

"Girll! May nagligtas sa'kin na babae kanina! Denden ang pangalan nya girll!! Waaahhh!!" sigaw nya na para bang sumasabog na sya sa sobrang kilig. Tsh, parang eng-eng. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na dahil nga mahaba ang buhok ko medyo na takpan ang mukha ko kaya hindi nya ako nakilala nung nililigtas ko sya. Medyo may pagka-shunga kasi tong si Zyzy kaya hindi nya ako nakilala. Pero kahit medyo shungabels sya mahal na mahal ko sya.

"Dennie! Girl! Buhay pa ba ang kaluluwa mo?" natatawang tanong nya sa'kin, nginitian ko lang sya. Nagpatuloy lang sya sa pagkwento nakakatuwa nga na gusto nya daw makita yung mukha nung nagligtas sa kanya, which is ako. HAHAHA.

Pinatigil ko naman sya nung makita kong 7:00 p.m na para kumain, kanina pa kasi siyang 6:30 p.m nagdadaldal. Syempre may nakahain na, ulam for the day is adobong manok. Sabay kaming kumain sabay din kaming natapos. Nag-away muna kami para lang malaman kung sino ang maghuhugas ng plato, HAHAHA ganito talaga kami hindi matatapos ang araw ng hindi kami nag-aaway, kahit maliit na bagay pinagaawayan namin. Sa huli hindi ko na kinaya ang ingay ng bibig nya at ako na lang ulit ang naghugas. Kahit ano naman kasing gawin ko ako lagi ang naghuhugas HAHAHA.

*AFTER 5 MINUTES*

Hinintay ko munang matuyo yung mga plato bago ko nilagay sa lalagyan hehe. Agad ko namang ni-lock ang mga pinto pati na rin ang gate at tinakpan ng kurtina ang mga bintana at umakyat sa kwarto ko. Pero sinilip ko muna si Zyron sa kwarto nya tutal magkaharap lang naman ang kwarto namin, pero hindi ko pa sya tuluyang nasisilip ng marinig ko ang basag-tenga niyang tili! Kaya naman napatakip ako sa tenga ko ng wala sa oras.

♬♪Dadalhin kita sa'king palasyo... Dadalhin hanggang langit ay manibago.... Ang lahat ng ito'y pinangako mo...! Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko...!!♪♬

Imbis na mainis ay natawa ako. Pano ba naman kasi pilit niyang pinapaliit ang malaki at malalim niyang boses. HAHAHA. Pero ganun na lang ang gulat ko ng matapos niyang bumirit ay tumingin sya sa'kin ng masama. Masamang-masama..

*LUNOK*

Paniguradong magtatanong na naman to, kaya naman ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nung makapasok na ko ay agad ko itong ni-lock. Narinig ko pang sumigaw si Zyron pero maya-maya ay agad din syang tumigil. Napasandal naman ako sa pintuan at napahawak sa dibdib ko. Hu.. Ho.. Hu.. Ho.. Hu... Shuuu.... Hinihingal ako. May hika ba ko? Tatayo na sana ako ng bigla akong nahilo kaya naman paupo akong natumba ako, aray! Ang sakit sa puwit! Medyo malakas kasi ang pagkakatumba ko. Saktong pagkatumba ko sa sahig ay bumukas ang pinto ng kwarto at tumambad si Zyron.

ZYRON'S P.O.V

Bwisit ka talaga Dennise! Ugh! Sinira mo ang concert ko, nasira din tuloy ang beauty ko... Ughh! Yari ka talaga sa'kin! Kaya naman tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Maglalakad na sana ako pero bigla ulit akong napapasok sa kwarto. May narinig kasi akong kalabog, hindi ko alam kung saan nanggaling ehh. Kaya naman nung marinig kong walang ingay ay agad-agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ni Dennise. Pagkapasok ko sa kwarto nya agad kong ni-lock ang pinto, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig at gulat na nakatingin sa'kin. Nagtago naman ako sa likod nya, nagtataka nya akong sinundan ng tingin.

"Z-Zyron? Ayos ka lang?"

"Den, girl. May tao sa bahay."

"Meron naman ehh." sabi nya sa'kin, nanlaki naman ang mga mata ko.

"Hindi ka ba natatakot?!" nanginginig na tanong ko sa kanya, sininghalan nya lang ako atsaka tumayo tumayo din ako.

"Zyron, dyan ka muna okay?"

"Bakit? Saan ka pupunta? Baka mamaya pag-alis mo ay patayin nila ko."

"Eh? Patayin? Bat ka naman papatayin? Sinong papatay sa'yo? Atsaka nasa banyo lang naman ako ehh." sabi nya, napakamot naman ako sa batok ko. Tiningnan nya muna ako atsaka pumasok ng banyo.

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗨𝗧𝗢, hindi pa rin sya lumalabas kaya naman sumigaw na ko.

"Den! Ang tagal mo dyan girl! Ano bang ginagawa mo dyan? Dinidilaan ang bowl? Nililinis ang buong banyo?"

"Shut up Zyron Ynocrist Eusebsky!" sigaw nya.

"It's Zyra Ynocriasta Eusebsky!" sigaw ko rin sa kanya. Maya-maya ay lumabas na si Dennise galing banyo, ng may sheet mask sa mukha.

"Mukha kang multo girll."

"Shut up."

"Multo si Dennise. Multo si Dennise. Multo si---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may kumalabog ulit, wala sa sariling napayakap ako kay Den. Magkaharap kasi kami. Agad naman akong lumayo nung ma-realize ko ang ginawa ko. Shackss. Did I just hug Dennise? Waaahhh!!

"Halika, tignan natin kung sino yon?" sabi nya at aastang hihilahin din ako patayo pero pinigilan ko sya. Nagtataka naman nya tiningnan.

"N-Natatakot ako girl."

"Halika na, andito naman ako ehh." sabi nya at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya. Patay ka talaga sa'kin mamaya Den. Pagkababa namin ay wala kaming nakita kasi madilim paniguradong pinatay na naman ni Den yung mga ilaw, sabi ko naman sa kanya ay wag papatayin ang ilaw ehh. Tsk! Pero bigla akong natigilan ng may kumalabog ulit. Nagulat ako sa nakita ko unti-unti kasing bumukas yung main entrance door. Kaya naman napakapit ulit ako sa braso ni Den. Wala kong pakialam kung nagulat sya basta natatakot ako! May nakita naman akong apat na ulo sa pinto. Hala! Ito na ba yung napapanood ko sa mga movies, yung may kakalabog tas biglang may makikita ka sa may pinto tas mamaya bigla ka na lang tatagain? Huwaaaaaa!! Pareho kaming napasigaw ni Dennise ng biglang gumalaw yung mga ulo..!

"Huwaaaaaaaa!!" sabay na sigaw namin. Jusmeyoo Marimarr, gusto ko pa pong mabuhay wala pa kaming anak ng beybeh ice bear kooo!! Huwaaaaaa!!
-
-
-
-
To be continued~

©All Rights Reserved.2020.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon