꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 28꧂

256 15 249
                                    

LETISHA’S P.O.V

“D-Direk Cail..” nasabi ko na lang. Nakakatakot kasi yung itsura nya eh.

“Ms. Arnette?” takang tanong nya nang makitang nandito din si Arnette, pero napasimangot din nang marealize kung anong nangyari.

“All of you, go to my office NOW!!” sigaw ni Direk Cail sa megaphone kaya naman wala sa sariling napatakbo ako papunta sa office nya.

Pagkapasok ko sa loob, agad akong umupo sa isa sa mga upuan bago hinintay ang mga kasama ko. Mayamaya lang din ay pumasok na si Manzie, Arnette with Zyron at Direk Cail.

Ba’t nga ba ako nandito? Ililigtas ko lang naman si Manzie, ‘di ba?

“So, Ms. Abino, Ms. Letisha and Ms. Arnette. Explain.” pagkasabi no’n ni Direk Cail, imbes na magsalita, nanatiling tahimik ang buong office nya. Yung tipong dinig na dinig mo yung aircon.

Nakakakaba.

“I said, explain.” ulit nya pero wala ulit sumagot ni isa sa’min.

Pa’no ako sasagot eh hindi ko nga alam kung anong nangyari?!

“Ms. Abino, Ms. Letisha, Ms. Arnette!” bahagya akong napatalon nang sumigaw na si Direk Cail—sign na galit na sya at ubos na ang pasensya.

Haaayy.. Ikukwento ko na nga lang yung nasaksihan ko.

“U-Uhm.” halos maputol ang hininga ko nang pagkasabi ko no’n ay tumingin silang lahat sa’kin.
In unison pa.

“U-Uhm.. Hindi k-ko po t-talaga a-alam kung a-anong nangyar—” agad na naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Arnette.

“LIAR! You know and planned it!!” inis na sigaw nya sabay duro sa’kin, tumaas naman ang isang kilay ko. Napatingin naman ulit ang lahat sa’kin.

Baliw talaga ‘to.

“You have evidence? Proof? Source?” mataray na sabi ko, humalukipkip lang sya bago itinuro si Manzie, napakunot naman ang noo ko.

“She IS the PROOF.” madiing sabi nito. Takang napatingin naman ako kay Manzie na ngayo’y nakayuko na.

“D-Denisha, s-sorry…” bulong nya, na mas lalong nagpakunot sa noo ko.

“S-Sinabi ko k-kasi sa k-kanya na hindi m-mo sya m-maaayusan d-dahil for some p-personal r-reasons..” nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

Wala naman akong sinabing gano’n sa kanya, ah?

Bumuntong hininga na lang ako bago humarap kay Direk Cail, na ngayo’y nakakunot din ang noo.

Well I guess, it’s better to tell them.

“M-May past i-issues po kasi a-ako kay M-Ms. Arnette, D-Direk..” pahina nang pahina na sabi ko, sumandal naman si Direk Cail sa swivel chair nya at pinagkrus ang mga kamay—sinasabing ituloy ko ang nais kong sabihin.
“P-Personal na p-po ‘yon. K-Kaya po nung n-nakita ko n-na si M-Ms. Arnette po p-pala yung t-tinutukoy nilang s-star ng agency natin, n-nagulat po a-ako. L-Lalo na po nung i-inassign n-nyo akong mag-aayos s-sa kanya..” napayuko ako matapos sabihin ‘yon, pakiramdam ko kasi, bubuhos na yung luha ko.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon